CHAPTER 36
(JUSTIN TYLER'S POINT OF VIEW)
Damn! I can't sleep! 2 AM na ko nakauwi dahil nag-alaga ako ng mga lasing. Nakakaloko na 'to ah. Crap! Nakalimang T-Ice lang naman ako. Medyo nahilo pero olats, di ako tinablan. 3:30 AM na. May pasok pa mamaya pero hanggang ngayon, di pa ko natutulog. Ano ba kasing pinagiisip ko? Rylie naman! Wag mo namang gawin sakin 'to. Mukhang ito pa ikakasira ng buhay ko eh.
Kinuha ko yung phone ka at tinext si Rylie. Nag sorry ako dahil sa ginawa ko kahapon. Was I being immature? Masama na ba magselos? Hindi naman diba? Pero wala naman akong karapatan mag react ng ganun eh. Tama si Adrian, kailangan ko ng mag make ng move kung ayoko maunahan pero paano? Eh hindi naman ako marunong manligaw. Langya.
Nagulat na lang ako kasi nag reply siya. Napangiti ako. Bakit?! Bakit ako napangiti?! Nababaliw na ba talaga ko... sakanya? Langya naman oh! Craaap! Aaaaaaah!
4:00 AM. Hindi pa din ako makatulog...
"Okay, nakapag decide na ko." I said to myself.
20 minutes akong naligo at nag ready. Kinuha ko yung gamit ko sa school, car keys, at nag drive. 4:52 AM ng makarating ako sa tapat ng gate nila. Ang bilis pala makarating dito pag ganitong oras. Ano bang pumasok sa isip ko at pumunta ako dito? Namiss ko agad siya? Isang araw lang naman kaming hindi nagkasama... Diba?
Teka, magdodoor bell ba ko, kakatok, o wag na? Ang labo naman eh.
Wait lang! Ano naman sasabihin ko?
*clears throat* "Hi Jamilah. Uhmm wala lang, namiss lang kita." Hindi pwede! Masyadong halata pag yun ang sinabi ko pero... yun naman ang totoo diba? Aaaah! I brushed my hair out of frustration. Bakit ba nagkakaganito ako? Sa lahat ng problem solving na sinolve ko, ito ang pinakamahirap...
*clears throat* "Yo, Rylie. Hindi ako makatulog. Pumunta ako dito kasi ang boring sa bahay. Wala akong mapagtripan. Hahahaha!" Nak ng! Mukha akong tanga! Ano ba sasabihin ko? Bahala na nga! Dapat pinoproblema ko muna kung paano makakapasok nang hindi naiistorbo yung mga tao. Itext ko kaya si Rylie? Gising pa naman siya diba?
HINDI. AYOKO. Umiling iling ako.
Taena! Mag-aakyat bahay na lang ako. Biro lang!
Teka! Akyat-bahay? Bakit hindi ko yon naisip agad! Bumaba ako ng sasakyan. Sakto, meron pa akong susi sa mini door ng gate nila. Sa gate kasi nila, may mini door. Binigyan ako ng duplicate ng mommy at daddy ni Rylie noong tumira kami sakanila dati. In case of emergency daw since clumsy and careless si Rylie.
Kabisado ko na bahay nila Rylie kaya naman alam ko kung saan yung shortcut papunta sa kwarto ni Rylie. Naglakad ako hanggang sa makarating na ko sa likod ng bahay nila. Umakyat ako sa ladder at nakarating na sa balcony ng room ni Rylie.
I opened the glass door... OPEN?! BAKIT OPEN?! Paano na lang kung may nag akyat-bahay talaga tapos pasukin siya? Ang careless talaga nitong babaeng 'to. Pero good thing, open yung door kasi makakapasok ako sa loob.
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!