CHAPTER 41
Uwian na.
Pumunta ako sa rooftop ng building namin. Hapon naman na kaya wala ng masyadong tao at malamig din. Nilalamig nga ako e.
"LECHE KA TALAGA, TYLER! AKALA KO TAYO NA! ITO NA! HINDI PA PALA! NAG 14344 KA NA EH. BAKIT BA GANYAN KAAAAA? PINAASA MO NA NAMAN AKO!" Sinigaw ko na lahat ng dapat isigaw. Hindi naman ako umiyak. Pero masakit kasi. Kanina pa niya ako hindi pinapansin. Nagalit ba siya because I rolled my eyes at him? Or baka naman ayaw na niya sakin? Paano kung hindi naman talaga niya ako nagustuhan? Or baka naman may iba na siyang gusto.
Tama! Si Janilyn! Noong tinanong ko siya kanina kung saan siya pupunta, sabi niya kay Janilyn. Baka nga... Baka pumunta na siya kay Janilyn at masaya na ang lovelife nila.
Umupo ako at sumandal sa wall saka umiyak ng umiyak. Kinuha ko yung salamin ko sa bag ko at tiningnan sarili ko...
"Ang pangit pangit mo, Rylie. Ang pangit pangit mo!" I'm still sobbing, "Nakakainis ka! Bakit ba kasi ang childish mo? Ang ulyanin mo pa tapos careless tapos clumsy! Kaya lahat na lang niloloko ka e. Kaya walang nagkakagusto sayo. Kaya walang sumeseryoso sayo kasi hindi mo kayang ipagtanggol sarili mo. Mag madre ka na nga lang!" I hugged my legs and put my head on my knees.
Naramdaman ko naman nag vibrate yung phone ko. May tumatawag sakin...
"Hello?"
"Rylie, nasaan ka ba? Malapit na mag gabi! Late na, ano ba! Wala ka bang balak umuwi? Nasaan ka ba?! Kanina pa ko text ng text pero di ka sumasagot!"
"Sorry *sniff* Aisha!"
"Hoy, umiiyak ka ba? Ano ka ba, Rylie! Nasaan ka ba?"
"Nasa rooftop. Bakit ba? Kaya ko naman umuwi mag-isa, Aisha. You don't need to worry about me. I'm safe. I'll be okay." I'm still sobbing. Ano ba naman! Iyakin ko talaga.
"Tongaks! Nageemote ka na naman diyan eh. Alam mo, alam ko na yung solusyon diyan." I can feel her grinning. Grrr. May evil plan na naman si Aisha Hera Dela Cruz.
Speaking of Aisha, hindi ko pa siya nacconfront. Napapansin ko kasi lately, kahit na tumatawa siya ang lungkot niya. Ano kayang problema niya? Nag-away kaya sila ni Drei? Isa pa, hindi ko siya masyadong nakikita lately. Hay Aisha. Sinasarili na naman niya problema niya.
"Ano?" I asked. Tumayo na ako.
"Basta! Tara na! Now na! Nakikita na kita sa rooftop. Nandito ako sa baba!" Tumingin ako tapos kumaway kami sa isa't isa. Mga abnormal lang.
*************
Pumunta kami ni Aisha sa bar. Inaya niya kasi ako at sympre pumayag ako dahil nadedepress na naman ako. Isa pa, alam kong malungkot si bestfriend Aisha. Grabe, ang daming tao pero nagtataka lang ako, bakit hindi yata sila wild ngayon? Walang nagsasayaw tapos lahat, nakaupo lang.
BINABASA MO ANG
Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)
Teen FictionPublished under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!