EPILOGUE

317K 4.3K 733
                                    

After 29047324 years...

Kidding. After 2 years...

"What is love?" Professor Villasor asked. Love kasi topic ngayon sa personal effectiveness course ko. Pag college nga pala, course na yung tawag hindi na subject. Anyway, tinatawag kami ngayon one by one. What is love nga ulit? 

"Love is blind."

"Love is loving someone despite of his/her imperfections."

"Love is Michael."
 

"I believe in endless love just like in movies, books and stuff."

***In love ako sa mga love stories sa INTERNET, MOVIES, BOOKS lalong lalo naman sa mga KOREANOVELAS at mga TELESERYE. Nagsusulat din naman ako ng mga love stories.  
I love happy endings kahit sinasabi nila na wala naman talagang ganun. 

Masama bang mangarap na may lalaking magmamahal sa akin at hindi ako sasaktan? Masama bang maging masaya dahil nakikita kong masaya at nagmamahalan ang dalawang tao kahit sa teleserye lang yun? Masama ba silang kainggitan?***


Wala, nag-flashback lang yung mga sinasabi ko dati tungkol sa love. Tungkol sa mga paniniwala ko na 1/8 true, the rest false na. Ang paniniwala kasi ng Rylie ngayon:

Hindi naman sa masama. Pero maghihiwalay din naman sila kaya why bother watching and reading?

Yeah, nanonood pa din ako ng teleserye and movies about love pero hindi na ako nangangarap. Madalas nga, naiinis ako. 

"Hey Ry, ikaw na." Siniko ako ni Katy.

"Oh, sorry... Uh.. Love? I don't believe in love.

Ano nangyari sa akin? After niya akong lokohin at paglaruan, after maghiwalay ng mom and dad ko, after mabuntis si Aisha at iwan ng boyfriend niya, after nung sasagutin na sana ni Lynne si Brylle tapos may girlfriend na pala si Brylle, and after ako i-betray ng bestfriend ko, sa tingin niyo maniniwala pa ko sa love?

Psh. Pagmamahal. Pag-ibig. Love. WHAT THE HELL?!

Napapataas na lang yung kilay ko or no comment na lang ako pagdating diyan.

"Paano mo naman nasabi Ms. Hao?" Tanong ni Ms. Villasor.

"Experience is the best teacher, Miss."

Yeah, walang wala na si hopeless romantic Rylie. Walang wala na.

Sinunog ko na siya at pinatay. Joke lang! Muahaha! 

Bitter siguro, ayos pa. 

(A/N: HOPELESS ROMANTIC'S SEQUEL---> BITTER)

Hopeless Romantic (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon