Chapter Two

4.8K 92 0
                                    


Mabuti nalang at mahimbing ang tulog ni Lola kung hindi huli ako. It was already 5 am when I got home.

Wala kaming katulong dito sa bahay isa pang perks yon kasi if ever magsusumbong yon kay Lola.

I woke up at 2 in the afternoon. Naligo na agad ako para mawala yong sakit ng ulo ko pati katawan ko nanibago ata bigla ang sarili ko. Maigi at paulit ulit ko pang sinabon ang katawan ko pati na din pag totooth brush kasi paniguradong amoy alak ako.

Pagka labas ko nakita ko si Lola sa may sala na may kausap sa telepono tumingin lang sya sakin ako naman ay dumiretso na sa may kusina.

May mga natira pang pagkain siguro ulam ko kaninang breakfast pa at may naka tabi din na sabaw. Ininit ko nalang yon sa may microwave.

Kailangan ko yon para sa ulo ko wala naman akogn hang over pero alam kong don ako papunta mas maigi na maagapan ko kaagad kasi kung hindi mahahalata nya na tumakas ako kagabi.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng sumunod si Lola sa may kusina at umupo sa may harapan ko.

Inunok ko muna ang pagkain ko bago nagsalita. "Kain, La." Pag-aalok ko sakanya tumango lang sya nagpatuloy naman ako sa pagsubo ng pagkain ko.

"Mukhang napuyat ka ata." pagpupuna nya. Medyo kinabahan ako pero inalis ko negativity sa utak ko. Pwede namang nanuod  lang ako diba.

"Ah opo." Simpleng sagot ko nalang ayaw ko namang dagdagan pa yon.

Kaso bigla akong napatingil sa sunod na sinabi nya. "May pumunta dito kanina. Nagpakilala saakin na boyfriend mo daw."

Dirediretso nyang sabi napa-isip naman ako sino sakanila. Nang maalala ko si Andrew.

Sige aalis ako pero hindi ako papayag na magkaroon ka ng iba.

Taena talaga non e.

"Lola hindi ko naman po boyfriend yon. Nakakainis nga e kung saan saan sinusundan ako." Pagrereklamo ko e sa totoo naman talaga nakaka inis buntot ng buntot siguro aso sya sa past life nya.

Tumaas pa yong kilay ni Lola. Ang taray talaga sabi ni Mama dito ako nagmana parang hindi naman!

"Kaya hanggang bar sinundan ka kagabi." Natahimik ako sa sinabi ni Lola. Hindi ko na alam ang isasagot o sasabihin ko gusto ko nalang muragin ng pulit-ulit si Andrew sa isipan ko.

Yumuko nalang ako at sinubo ang natitirang pagkain sa may plato ko nang matapos ako nilagay ko na yon sa lababo at agad na hinugasan.

"Ano hindi ka makasagot, pinag bawalan na kita pero tumatakas ka padin ano bang gusto mong gawin sa buhay mo." Galit na sabi sakin ni Lola.

Gusto kong sabihin sakanya na ayaw ko lang na maging sunod sunuran sakanya at matulad kay Mama.

Pero nakakatanda parin sya at dapat ko syang galangin.

Alam kong naging bastos ako sa pagtalikod ko sakanya habang nagsasalita sya.

Basta lang ako pumasok sa kwarto ko at nag kulong. Agad kong hinanap yong cellphone ko para matawagan si Andrew.

Ilang ring lang ay sumagot sya kaagad. "Hello, babe?" Excited na sabi.

Babe ampotek. "Anong babe? Babe mo mukha mo. Tarantado ka sinong nag sabi sayo na pumunta ka sa bahay ko at kausapin mo si Lola?!" Singhal ko sakanya.

Batavian TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon