After nang pangyayaring yon, tuwing may pupuntahan sya ay inuupdate nya ako naappreciate ko ang mga gestures nya na yon saakin, minsan nakaka bwesit kasi kahit pagtae nya at pupunta daw sya sa cr tinitext padin ako.Tapos na ang pasukan dahil sa christmas break, napaaga na nga ngayon kumpara sa dati. Nagbabasa ako ng nakaramdam ako ng pag kulo ng tiyan ko. Napatingin naman ako sa wall clock ko ala una na ng madaling araw, pero hindi padin ako dinadalaw ng antok.
Gusto sanang katukin ang kwarto ni Alexa kaya lang wala ng ilaw siguro tulog na yon ngayon. Bumaba na ako para pumunta sa kusina pero napatigil ako ng makita kong nakabukas pa ang TV. Natawa naman ako ng mahina kaya napatingin sya saakin ng kabado.
"Ate ikaw lang pala." Napahawak pa sya sa dibdib nya. Kaya nga inalis ang TV sa kwarto nya para matulog sya ng maaga pero eto naman sya nagpupuyat padin.
Kumuha lang ako ng ice cream at tumabi sakanya. "Ano yang pinapanuod mo?" Alam kong korean na drama yon dahil sa pagsasalita pero hindi ko alam kung anong tittle dahil ang mga kdrama na pinapanuod ko 2008-2016 lang.
"Hotel del Luna." Sagot nya saakin pero ang atensyon ay nasa TV padin napa tango lang ang at nakinuod na din sakanya.
Naka dalawang episode din kami bago ako tuluyang nakaramdam ng antok, "Anong oras na?" Tanong ko sakanya dahil wala akong dalang cellphone hindi ko naman na makita ang wall clock sa kusina dahil madilim dim lang ang ilaw sa buong bahay. "Alas tres na, Ate. Akyat na ako gantong oras nag chicheck si Daddy." Humahagikgik na sabi nya bago nauna sa taas. Ibinalik ko ang natira kong ice cream sa ref at uminom.
Pagka akyat ko ng hagdanan nakita ko si Daddy na kakagaling lang sa kwarto ni Alexa. "Why are you still awake?" Tanong ni Daddy saakin.
"Midnight snack, nagutom ako." Natatawang sabi ko. "Matulog kana, mabuti maagang natulog kapatid mo nagbabalak na din akong kunin ang laptop nyan." Nailing-iling na sabi ni Daddy saakin. Natawa lang ako kung alam nya lang.
Pagka pasok ko sa kwarto ko humiga na kaagad ako at kinapa ang cellphone ko. Hindi ko alam na nagtext pala si Landon, he's still awake at this hour? Inunlock ko na para makita ko kung ano ang laman ng message.
From: Landy
Love, i'm going to the bar
Bakit naman sya pupunta sa bar ng gantong oras? Napa-iling naman ako at nag reply pero limang minuto na ang nakakalipas wala pading reply, nawala na tuloy ang antok ko. Sinubukan ko syang tawagan pero hindi sya nasagot, sa pang-apat na beses ko syang tinatawagan naka tatlong ring lang ay sinagot nya din.
"Hello.."
"Hello, Love I'll call you later."
Pasigaw na sabi nya mula sa kabilang linya, ang lakas ang ng tugtog sakanya kaya akala nya hindi ko sya maririnig. Teka ba't ako binabaan non?
Tinadtad ko sya ng text kung bakit sya pumunta sa bar, anong ginawa nya don- well obviously uminom. Hindi naman sya yong tipo ng taong pupunta sa bar dahil napapa-inom at hindi din sya drinker. Nainom lang sya pagka may nagyaya.
After almost an hour naghihintay padin ako ng tawag nya. Pinupuyat ako ng taong 'to pero hindi din naman ako mapa kali.
Bukas ko nalang sya kakausapin, baka mamaya wala na akong maitulog nito. Dinadalaw na ulit ako ng antok ng biglang mag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko namang kinuha yon
Landy is calling...
"Hello Love?"
"Hmm..." Naantok na ako e.
BINABASA MO ANG
Batavian Tears
Lãng mạnYou can build the love and also make it stronger but no matter how strong your love for each other, there will always be a way to break it apart. Because just like a toughened glass it will break when you found its soft spot.