Chapter Three

4.3K 90 0
                                    


Kakabalik lang namin from the semestral break pero busing-busy na kaagad ang lahat.

After ng announcement na about sa foundation every section nag-iisip na kung ano bang booth ang gagawin nila.

Ang grupo ng mga kaibigan nila Lesly ang nangunguna every year naman ganyan yan bida-bida tuwing may event sa school.

Dati hiwalay ang junior sa seniors sa mga booth. Pero ngayon minabuti na ipagsama na lahat ng grade levels well except sa lower grade levels talaga isang maghapon lang sila mag ce-celebrate.

The whole remaining days ng foundation high school ang college departments na ang magkakasama which is 4 days kasi usually one week talaga ang foundation day.

"Why not kaya kissing booth." Malanding suggestion ni Lesly. Nag cross arm lang ako at naka tingin sakanila na nasa harapan.

"OMG! That would be great. Diba we watched that movie then sa ending nagkaroon pa sila ng jowa." Sabi ni naman ni Andrea.

Feeling ko wala lang kami eh. Kasi sila lang namang magto-tropa ang nag uusap-usap.

"Hindi ba bawal pa yon?" Inosenteng tanong naman ni Nica.

"Oo nga hindi pa appropriate nasa high school parin tayo. Bawal nga din ang college eh kasi nga pinag sama-sama na lahat." Sabi ng president namin. G naman sya sa lahat ng suggestion pero nag sasabi naman sya ng opinyon nya.

"Bawal? Masyado naman nila tayo bini-baby!" Reklamo ni Lesly.

Pati mga boys nagreklamo syempre if ever pwede ang kissing booth luge pa ba sila. Kikita kana nga makaka-kain ka pa at the same time.

"Edi kung gusto nyong i-push yan edi blind date ang gawin nyo don din naman diretso non." Tamad na sagot ko.

Lahat sila nag "oo" naman.

May tinype sila sa laptop na proposal about sa booth namin at ipapasa yong sa supreme students kung pumasa don at pumirma ang principal tsaka uumpisanan ang pag gawa ng booth.

Kinahapunan malungkot na bumalik sa classroom ang grupo nila Lesly kasama ang president namin.

"Anong nangyare sa booth?" Tanong ni Clifford.

Ashley just shrugged. "Wala eh bawal padin ang blind date. Isip nalang kayo panibago."

Kaya naman naging maingay ulit ang buong section namin. Naiinis ako sa boys dahil puro katarantaduhan naman ang mga sinusuggest.

"Tang*na!" Napalingon kaming lahat kila Jasper na nakapalibot mukhang may pinapanuod.

"You know what Jasper, Emette, Lloyd. Kung wala kayong mai-susuggest you better just shut your mouth." Sabi sakanila ni Coleen.

Napa "oooh" mga lalaki sa loob ng classroom. Mga isip bata padin.

"Sorry naman! Nanunuod kami bird box e." Iniisip ko kung may scene ba don na mapapamura ka talaga? Para saakin parang wala naman.

"What about ituloy natin ang blind date but we're going to change the name into bird box pati na din ang proposal wag natin ipapahalatang blind date nga talaga." Suggestion naman ni Ashley- president namin.

Lahat naman sumang ayon na din at ni-revise nila ang proposal.

Masaya silang bumalik sa classroom. Ngayong buong maghapon wala kaming masyaong ginawa kaya nakaka boring na talaga sa school lahat preparation lang.

Lumabas sila para tumingin sa quadrangle at humanap ng pwesto para sa booth.

Yong iba excuse nalang ang about sa booth pero paniguradong lumabas na yon ng school para pumunta sa kung saan saan.

Ka-onti lang kaming naiwan dito sa room.

Naglalaro nalang ang ng cellphone ko ng bigla may nag notif sa IG ko.

mikee.sales: how are you?

I smirked when I saw who dmed me.

camzamora: it was boring. lahat about sa foundation.

I replies so fast!

mikee.sales: aren't you excited?
mikee.sales: ako excited lalo na sa ikaw ang makaka sama ko.
camzamora: ako? the whole week? you will not bond with your friends?

Medyo natagalan pa bago ulit sya nakapag reply well I don't care.

mikee.sales: uh it would be more fun if i'll go spend my whole week with you 😉

I rolled my eye when I saw that wink emoji. Natu-turn off ako sa ganyang mga lalaki.

Although sometimes nagiging aggressive din ako but- uh never mind. Hindi ko naman siseryosohin ni isa sakanila.

Hindi na ako magreply sa dm nya. Bumalik na ako sa nilalaro.

"Mukhang enjoy ka sa bago mo ah." Napalingon ako kay Andrew na nasa gilid ko. Simula lumipat sya sa section namin never nya akong nilapitan at iniiwasan ko lang din naman sya.

"Pakealam mo naman." Mataray na sagot ko sakanya.

"Iniisip ko lang kung ilang linggo kayo tatagal." Mayabang na sabi nya. Psh.

"Asan pala yong mga kaibigan mo mukhang hindi ko naman sila nakikita na kasama mo." Curious na tanong nya saakin. Eto yong nakaka inis sakanya masyado syang matanong.

Mabuti nalang napag tiisan ko yong halos a month na naging fling ko sya.

"Hindi ko naman mga kaibigan ko. Kaya don't be full of yourself." Natahimik sya sa sinabi ko. Mabuti nalang at tinawag sya nila Jasper para mag laro ng ML kaya naman umalis sya sa harapan ko.

Feeling ko ilang taon ako nag stay sa classroom dahil sa sobrang boredom. Mabuti nalang nag ring na ang bell at pwede nang umuwi.

Pumunta muna ako sa locker ko para ilagay don ang mga gamit ko.

Ang nasa bag ko nalang ay mga personal ko na gamit nag-uuwi lang ako ng book at notebooks pagka may quiz or assignments.

Pagkasara ko ng locker medyo nagulat pa ako nang makita ko na naka sandal si Mikee.

"Uwi kana?" He asked. Tamango lang ako because obviously ano ba pa sa tingin nya ang gagawin ko dito sa school.

"Hatid na kita san ba bahay mo? Papalit lang ako saglit at kukunin mga gamit ko." Pinigilan ko sya kasi unang una sa lahat pagka pumayag ako baka bigyan nya nang meaning at mag assume pa na into him din ako.

Tsaka never pa ako nagpakilala ng lalaki kay Lola. Except kay Andrew ang kapal naman kasi ng pagmumukha non ayaw tanggapin na break na kami.

"Ah no! Wag na I can handle myself and I have my own car naman." Sagot ko sakanya. Nagpupumilit pa sya eto ayaw ko sa mga lalaki masyadong napilit!

Sinabi kong may sasakyan ako e. Sabi nya pa babalikan nya nalang daw ang sasakyan ko at sya pa ang maghahatid non sa bahay namin.

Nag reklamo ako na ang hassle pa non kaya wag nalang.

Nung huli sumuko na sya at dinahilan na gusto nya lang din daw talaga malaman kung saan ako naka tira.

Para maihatid sundo nya ako. Ang advance nya masyado after naman ng foundation sasabihan ko lang din sya na tigilan na ako.

Nang maka uwi ako nag mano lang ako kay Lola at dumiretso na din kaagad sa kwarto ko.

Kinabukasan talagang tinatamad na akong pumasok pinuntahan pa ako ni Lola sa kwarto para sabihan na late na ako.

Sinabi ko na kaiba ang pakiramdam ko tsaka foundation naman puro preparations ang ginagawa kaya sabi ko mag kung pwede mag send nalang sya ng excuse letter.

Sa foundation nalang ulit ako papasok dahil nakakatamad talaga. Mas nagustuhan naman ni Lola yon para daw hindi kung saan saan pa ako napunta.

———
💙

Batavian TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon