Chapter Nineteen

2.7K 51 0
                                    


Mas naging close at kumportable kami ni Landon after that sa school nakakapag-usap na din kami tuwing kumakain kaso na pupuno ng asaran, na settle namin kila Louisse ang nangyari pero ewan ko ba inaasar padin kami.

Binabalewala ko lang yon, nasanay na din si Landon kaya hindi na sya gaanong nag rereact.

I was currently at the library nagrereview ako to out upcoming exam, this is our last year in senior so mas magiging mahirap daw ang exam namin compared noon.

Inuna ko munang pag-aralan yong sa Gen Math namin, hindi ko talaga ma gets mas inaaral mahirap na part pano ang teacher namin ang dali ko ma gets explanation, kasi madali at basic lang ang binibigay na examples para isolve pero pagka dating sa exam ang hihirap ng solving.

I brows for a solving problem na susubukan kong isolve nang makahanap ako at kinuha ko ang scratch paper ko, puno na ang kabilang side kaya ibinaliktad ko, ilang minuto na ako nagsasagot ay hindi ko parin makuha mapupuno ko na ulit yong kabilang side ng papel ay wala padin, suko talaga ako sa math.

Nasakit na ang batok ko kaka solve kaya naman humilig muna ako sa lamesa while playing with my pen when I felt my phone vibrate.

Tinignan ko kung sino ang nag text saakin, it was Landon.

landonclien: where are you?

Agad naman akong nagreply, tinignan ko ang oras, oh P.E nila ngayon.

camalessa: i'm at the library.

Sineed nya lang ang message ko after non. Binuklat ko nalang ulit yong libro ko at pinaka titigan ang mga numbers don, ang hirap talaga!

"Baka matunaw libro mo nyan." Napatingin ako sa nagsalita it was Landon wearing his jersey uniform na may tshirt sa loob.

Umupo sya sa tabi ko, "Yong itsura mo para kang nalugi." Natatawang sabi nya saakin, simula naging close kami naging mapang-asar na sya.

Inilayo ko mula saakin at ibinigay ko sakanya yong libro, "Ayaw ko na ang hirap." Bagsak balikat na sabi ko sakanya.

"Ano ba 'to?" Kinuha nya ang libro at tinignan.

"Ah statistics and probability, ang dali lang nito parang logic. Napag-aralan 'to nong grade 10 ah." Sabi nya sabay tingin sakin.

Nagkibit balikat lang ako. "Hindi ako nakikinig sa teacher nong grade 10 tsaka mahina ako sa logic."

"Nadagdagan lang ng mga graphing graphing." Paliwanag nya pa, aba malay ko dyan hindi ko nga maintindihan e.

Inexplain nya saakin kung pano, ganon din naman pala ang solving may mga nadagdag lang nakaka-inis pa kasi pinahirapan pa ako kung paano mag manu-mano ng solve e ang dali dali lang pala pagka naka engineering calculator itatype ko lang doon tapos same answer pa ng sagot ko.

Sinamaan ko sya ng tingin, "Pinahirapan mo pa ako pwede naman palang ganto." Reklamo ko sumakit pa ulo ko kasi antagal ko bago na gets.

Natawa lang sya saakin. "Kailangan mo din kasing matuto wag kangnaasa sa calculator, tsaka may poitns ang solving." Meron nga kahit nga mali solution binibigyan padin ng 1 point effort daw kasi tsaka para alam na di nangopya.

Andami nya pang pinapaliwanag saakin nalilito ako palagi sa cricle graph hindi lang percentage ang hahanapin pati degree ng angle mas madali pa ang bar graph kaso bakit kasi circle pa ang nasa exam.

This time hinayaan nya na ako nalang ang mag solve binabasa nya lang yong libro ko para pagka may hindi ako na gets at tinanong ko sya may maisasagot sya.

Hanga ako kasi ang bilis at ang galing nyang maka intindi sa simpleng paliwanag lang kung ako yon uulit-ulitin pa. Mabuti nga nakakaya nya pa akong pagtiyagan tanong ako ng tanong kahit kakapaliwanag nya palang.

Batavian TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon