Chapter Four

3.8K 78 1
                                    



I just wore some zara maong square pants and a new button crop top. And match it with a sneakers, belt bag lang ang pinaka bag ko dahil wallet ang cellphone lang naman ang dadalhin ko.

"La alis na po ako." Paalam ko kay lola tumango lang sya na nag didilig ng halaman sa may garden.

Hindi masyadong maaga hindi din masyadong late tama lang. 10 am ang start ng mga booth sabi sa group chat namin and it's only 9:15.

9:53 am nang makarating ako sa school lahat busy sa mga booth nila dumiretso ako sa booth namin.

Nakita kong nag aayos na sila ng mga table cloth kung saan mag didate. Tumulong din ako sa paglalagay ng vases sa center ng table.

Masyadong tago yong booth at at puro tela para hindi malaman kung ano bang nasa loob mabuti naman pala at hindi na mag iinspeksyon ang mga head dahil sa sobrang dami ng booth yong ibang section kase tatlo tatlo ang ginawang booth.

Nang matapos na kami sa mga table ang chairs kinabit na naman ng mga boys ang bulbs pero dim light lang yong yong para mag mukhang mas realistic.

Nag suggest pa si Nica na lagyan ng ilaw na parang mga stars. Nang matapos na ang lahat umupo muna kami para magpahinga.

"Asan yong mga menu?" Natatarantang tanong ni Andrea.

Kasi nga pala literal na parang magiging restaurant talaga 'to kung saan mag literal na nag didate. May mga flowers, chocolate and mini teddy bears din na naka ready if ever na gusto magpa picture.

"Ah nasa room pa naka print na yon naipalaminate ko na din kahapon kunin nyo nalang." Sabi no Ashley.

"Sino bang pwedeng pumunta sa classroom at kumuha." Lahat sila ay ayaw dahil gusto mag stay dito sa booth kaya naman nag prisinta na lang ako.

Nakuha ko na sa may lamesa ni Ashley yong mga naka laminate na menu. Pabalik ako sa may field kung
saan andon naka pwesto ang mga booths.

Napalingon ako nang may tumawag saakin. Tumigil ako at nakita kong papalapit si Mikee sa kinatatayuan ko.

"Cam, ngayon lang ulit kita na kita." Medyo malungkot na pagkakasabi nya.

"Ah ganon ba. Busy kasi ako." Sagot ko dumiretso na ako sa paglakad habang sya ay sumusunod naman saakin.

"Palagi ako pumupunta sa classroom nyo at sa booth nyo pero wala ka daw absent ka daw e." Tuloy tuloy na sabi nya.

"Masama kasi pakiramdam ko nong mga nakaraang araw." Walang ganang sagot ko. Ang moody ko na hindi ko alam kung bakit para kasi syang si Andrew masyadong palatanong din!

"But you're okay now?" Tanong nya saakin. Tumango lang ako nakakunot lang ang noo ko dahil hindi na talaga ako natutuwa.

"That's great kasi mag di-date tayo ngayon. Kung masama pakiramdma mo sayang naman." Napa rolled eye ako sakanya. Pake ko naman hindi ako nanghihinayang mas gugustuhin ko na ngang di ko sya maka sama.

Mabuti naman at nakarating na ako sa booth namin naka sunod padin si Mikee saakin.

Inabot ko na kila Ashley ang menu isa -isa naman nilang nilagay yon sa bawat lamesa.

There's a total of 6 tables dito sa 'bird box' booth. Nag gugupit na sila ng tela para sa blind folds mamaya.

Nakay Nica ang listahan ng mga taong hihilahin nila para piringan at dadalhin dito sa booth.

Batavian TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon