#1 (Free verse poetry)

66 7 2
                                    

May bait ang kalawakan na pagtagpuin ang naghahanapan, gaano man kalayo ang distansya nila sa isa't isa. Katulad ng may lupit itong maglayo at mangwasak kahit na gaano pa katindi ang mga pangako.

Gusto kong maging matigas ang ulo at isipin na mas malakas ako sa kanya. Na kaya kitang ilaban sa kabila ng mga naglalaglagang mga kometa, umaapoy, dire-diretso sa ating dalawa.

Hindi tayo ligtas sa bisig ng isa't isa; walang mabuti sa pagpipilian dahil kung hindi ang langit ang mananakit, mga desisyon naman natin ang magpapaluha sa atin.

Sa huling tatlong segundo, sumuko tayo.
Tumakbo ka pakanan, ako pakaliwa. Magkikita pa ba tayo? Gusto kong isipin na oo, pero alam natin parehong hindi na sigurado.

Pero tandang tanda ko ang huli nating pangako sa isa't isa bago magbitaw, na magiging masaya tayo kahit na anong mangyari.

Masaya ako ngayon. Naniniwala akong ikaw din. At kung oo, pag may oras ka, tumingala ka sa kalawakan ha?
Tawanan mo sya.
Tawanan natin.

Nakaganti tayo.

Mga Pinilas na PahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon