#11 (Flash Fiction)

21 0 0
                                    

"Sorry.." natatawa kong sabi habang pinupunasan ng tissue yong natapong yogurt shake sa lamesa. "Ano ba yan, natapon, sayang ang mahal pa naman nito."

"Ayaw lang siguro ng mundo na uminom ka ng maraming shake.." medyo nanlaki yung mata ko nong tumingin ako sayo.

"Ang alam ko, ako ang mas mahugot sa'ting dalawa," nakangisi kong tukso. "Anong nangyari sa'yo?"

"Buhay...nangyari sa'kin yung buhay."

Tiningnan kitang mabuti. Halata na yong mga taon na lumipas; may ilang guhit na sa gilid ng mga mata mo, kumakaway ang mga papatubong balbas sa baba mo, nangingitim ng kaunti ang labi mo dala siguro ng ilang taong paninigarilyo. Pero ang pinakanagbago sa'yo, yong mga mata mo. Na dati madalas ko lang makitang may kalokohang pilit tinatago (hindi naman kasi kita madalas matingnan sa mata dati, nahihiya ako), o kaya bugnot at inip dahil gusto mo nang umuwi pero pinapagalitan ka pa kasi ng teacher dahil di ka nakikinig.

Pero ngayon, ang nakikita ko ay mga pinipigilang pangarap, mga tanong, mga pagkabigo, mga lungkot na tinatago. Sumisilip pa rin ang inip pero alam ko, mas malalim na ang dahilan.

"Ganyang ganyan ka dati.." nakangiti na ulit ang mga mata mo. "Ganyan mo rin ako tingnan."

"Hoy grabe ka!" natatawa ko nalang balik. "E di ibig sabihin tinitingnan mo rin ako noon." pang-aasar ko.

"Oo, tinitingnan nga kita. Sino bang may sabing hindi?"

Napahinto ako sa pag-inom ng shake sa tapat ko. Umubo ako.

"Lagi akong napapatanong ano bang nagustuhan mo sa'kin dati. Nong una nilang sinabi sa'kin, di ako makapaniwala. Matalino ka naman, pero bakit ako? Gago ako eh."

"Yon na nga, gago ka kasi noon." nakangiti kong sabi. "Ewan, pag nasa ganoon ka talaga sigurong edad, ideal ka talaga mag-isip. Pakiramdam mo, kaya mong makuha lahat ng pangarap mo, na masusunod lahat ng plano mo, na kaya mong sagipin ang mundo..pati na rin yong taong naging mundo mo."

"Sorry.." sabi mo habang nakatingin sa'kin ng diretso, seryoso. "Sorry na hindi ko binigyan ng chance yong sarili ko na sagipin mo..sorry di ko nabigyan ng chance yong kwento natin."

"Huy ano ka ba! Okay lang yon. Promise. " nakataas pa yung kamay ko na parang nangangako. "Lahat ng naramdaman ko non? Akin yon. Ako ang responsable don. Kung anuman ang nangyari sa'kin at sa feelings ko sayo noon, labas ka na dun. Tsaka ang tagal na nun, kalimutan na natin."

"Hindi ko kayang kalimutan eh.." ang lungkot na naman ng kulay kapeng mga mata mo. "Yon na kasi yung huling ala-ala ko na may taong naniwala sa'kin. You believed in me when I can't even believe in myself. You saw the good in me when everyone thought I was a hopeless case. Yet, tinapon ko yon lahat sa labas ng bintana. I chased things and people na never naman ako nakita paano mo ako nakita."

Matagal na katahimikan ang dumaan. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Sorry, hindi ko na dapat to sinasabi sa'yo." pinilit mong ngumiti. "Gaya nga ng sabi mo, lahat ng nararamdam ko na to, lahat ng pagsisisi, ako ang responsable dito. Kung anuman ang nangyari at nangyayari sa'kin, labas ka na dun."

Tahimik nating inubos ang pagkain sa harap natin.

"Salamat sa meryenda," gumaan na ang hangin at kahit papaano, nakahinga ako ng maluwag.

"Ano nga pala yong sasabihin mo?"

Tahimik kong nilabas ang envelope sa bag at inabot sa'yo. Hindi ko na kinailangan magpaliwanag at hindi ka na rin naman nanghingi.

*******

"Nakarating ka..." masaya mong sabi habang sinasalubong ako. Ang ganda mo. Ang ganda ganda mo.

Ngumiti lang ako sa'yo, niyakap ka, at inabot ang regalo ko.

"Painting mo?" Tumango ako.

Niyakap mo ako at bumulong ka ng pasasalamat. Hindi ko na nagawang sabihin ang pagbati ko dahil tinawag ka na sa entablado.

Ang ganda mo.

Ang ganda ganda mo lalo na sa damit pangkasal mo.

------
XXVII.XII

Mga Pinilas na PahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon