#4 "Ang mga Paano Kaya"

38 1 0
                                    

Hindi ko na tinataboy 'yong mga 'Paano kaya?' sa utak ko.

Hinahayaan ko nalang sila maglaro, mangulit, sumigaw na parang batang naiinip. Mga paslit na nagdadabog, nagmamaktol bakit hindi p'wede, bakit bawal, bakit ayaw. 

Naaalala ko dati, iritang irita ako sa kanila. Tinataboy ko silang pilit, sinisigawan ko sila pabalik.

"Pwede ba tumigil ka na? Tapos na nga di ba?!" "Wag kang tanong ng tanong, umalis ka na!"

Nakakairita ang pagkapit nila sa braso, sa balat mo, sa puso; ayaw nila bumitaw, hirap silang makuntento sa sagot na hindi na nga pwede, na bawal nga kasi, na ayaw nga ng mundo. Paulit ulit silang bumubulong, nangungunsensya kung bakit ako tumigil, tumalikod, lumimot.

"Paano kaya kung sinubukan mo pa?"
"Paano kaya kung sumagot ka?"
"Paano kaya kung hinabol mo?"

Pero ngayon, hinahayaan ko nalang sila maglaro. Mapapaos din sila kakatanong. Mapapagod din naman sila mangulit.

Matatanggap din nila na minsan, hindi mga sagot ang magpapayapa sa'tin kundi pagtanggap.

Na wala na. Na tapos na.
Na hanggang doon na lang talaga.

----
VI. XVII

Mga Pinilas na PahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon