#20

12 0 0
                                    

Nakakatawa.

Parang kaibigan lang kung kausapin natin ang mga bituin sa mga gabing nalulungkot tayo. Uupo sa damuhan, titingala, hahanap sa dagat ng mga gatuldok na liwanag ng pansamantalang kausap. Magkwekwento. Luluha. Bubulong ng mga sikreto, mga saloobin na tingin natin hindi na kayang pakinggan ng mga tao dahil mas'yado nang maingay ang mundo.

Ayun tayo, gabi-gabing pinapangalanan ang mga kausap natin. 'Yong nasa bandang taas na kanan? Andromeda. Ayun! Si Saiph. Yang nasa bandang baba, si Asteroth.

Isang araw, may mabubuklat kang libro. At malalaman mong ang mga kislap na kausap mo gabi-gabi ay maaaring ala-ala na lamang ng patay nang bituin mula sa daang taon nang nakakaraan. Na malaki ang posibilidad na inaalikabok na ala-ala ka na rin lang sa oras ng pagdating ng mga mensahe mo sa kalawakan.

Kinagabihan, maaga kang natulog. Patong-patong ang mga kumot habang impit ang mga hikbi.

Malamig ang hangin.

Pero mas nagyeyelo ang dampi sa balat

Ng nakalulunod na pag-iisa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Pinilas na PahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon