#16

12 0 0
                                    

P'wedeng isisi sa akin ng mundo ang maraming bagay, pero hindi ko kailanman matatanggap ang sabihin n'yang sumuko ako nang gano'n gano'n lang. Na pinalaya ko s'ya nang hindi ko inubos ang lahat ng rason ko para sumubok.

Dahil kung totoo 'yon, wala sana akong sugat mula sa paghahanap ko ng sagot sa kasukalan ng mga buntong-hininga n'ya. Hindi sana pagod ang mga baga ko ngayon mula sa pagsisid ng mga malungkot na tanaw n'ya sa malayo. Kung totoo 'yon, hanggang ngayon sana ay nililipad ko ang himpapawid ng pagkatao n'ya, nagbabakasakali na matagpuan ko ang nawawala n'yang mga ngiti.

Ang dami kong hinintay; saya, tawa, pag-asa..na sa dulo ay nasabi kong kaya kong tanggapin kahit pa galit o luha ng pagkabigo. Pero walang dumating, kundi blangkong mga tingin. Katahimikan. At ang minsang pagsasabi n'ya sa akin ng bulong na "Gusto kong maging masaya ka."

"Pero ikaw, sabihin mo naman sa'kin kung paano ka?"

Hindi ko kailanman natibag ang nakaharang sa aming dalawa. Siguro, hindi na rin n'ya alam kung paano ito aalisin para makapasok ako.

Marahil ay tama ang banta sa akin ng mga tala noon, na nang nakawin ng kalawakan ang taong pinakamamahal n'ya bago ko pa s'ya nakilala, ay kasamang dinala ng hangin ang puso at kaluluwa n'ya.

------
II. XXII
'18

Mga Pinilas na PahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon