Joseph
Pag pasok ko pa lang sa Dutch Hospital ay sumalubong na sa akin si Lelantos na magulo ang buhok at mukhang hindi pa nakabihis. May nakita pa akong kaonting dugo sa damit niya kaya tumaas ang isang kilay ko.
"Anong mukha yan?" Tanong ko sa kanya,
"Mukha ng gwapo. Kanina ka pa hinahanap ni Baxter, nakauwi na ang iba" Tumango ako at inakbayan nalang si Lelantos tapos sabay na kaming pumunta sa room ni Cleassie.
"Tagal mo naman, akala ko ba maaga ka?" Sumama agad ang tingin ko kay Baxter at tinuro ang wall clock.
"Tangina! Alas sinko pa lang ng umaga Baxter. Maaga naman yan ah. Anong gusto mo? Alas tres?" Pabiro akong tinulak ni Baxter kaya bumitiw ako sa pag kakaakbay kay Lelantos at gumati na din ng tulak.
Nag tawanan kami ng nasagi namin ang ilang gamit sa maliit na mesa at nakitulak na din si Lelantos.
"Excuse me, nandito na po si Baby para sa breast feed" Natigil kami sa pag tutulakan at nabaling ang tingin sa pinto.
May babaeng doctor doon at dala dala ang sanggol kaya agad akong lumapit at kinuha ang baby. Napangiti pa ako kasi kuhang kuha ng baby girl ang Latin features ni Baxter.
"I can see your smile Joseph. Hanapin mo na kasi ang asawa mo, para naman maanakan mo na" Natawa ako kay Lelantos at sinayaw sayaw ang baby kasi tulog pa naman si Cleassie.
"Kung wala lang akong buhat na bata ngayon Lelantos kanina pa kita minura diyan" Nag tawanan sila Baxter habang ang babaeng doctor naman ay may tinignan kay Cleassie.
"Hey weirdo, sorry ngayon lang ako. May inasikaso pa kasi ako sa companya kagabi" Nilingon ko si Fiennes na bagong dating lang at naka business suit pa. Tinaas ko ang kamay ni baby at kinaway kay Fiennes.
"Hi ninong Fiennes, I'm here" Natatawang lumapit si Fiennes sa amin at hinalikan sa pisnge si baby girl.
"Pag may nanganganak talaga, si Joseph ang laging excited na kumarga ng baby" Sinipa ko si Fiennes sa paa niya at natatawa naman siyang lumayo.
Excited lang naman akong mag-karoon ng sariling baby. Pag nagka-anak ako, siguradong spoiled brat lahat. Gusto ko kasi ibigay ang lahat sa magiging anak ko, ano pa ang silbi ng maraming pera kung hindi gagastosin?
"Hayaan mo na yan. Wala pa naman dito asawa niyan" Tumalikod nalang ako sa kanila kasi nabubweset lang ako pag inaasar nila akong wala ang asawa ko dito. Kabanas.
Donna Belle
Nagising ako dahil naramdaman kong kumalam ang sikmura ko, fuck nagugutom na ako.
Uupo na sana ako sa kama pero biglang sumakit ang pagkababae ko at doon ko naalala na may nangyari pala kagabi.
"Fuck! Talagang nangyari iyon?" Pinilit kong umupo sa kama, napangiwi pa ako kasi masakit talaga.
Nilibot ko ang paningin ko pero hindi na ito iyong kwarto na pinagganapan namin ni Joseph kagabi, puro puti at itim ang makikita mo dito. Bumaba ang tingin ko sa suot kong red long sleeve dahil sobrang out of place ang kulay nito dito sa kwarto.
Sinubokan kong tumayo at halos mag mura ako ng literal dahil sa sakin.
"Bakit kasi ang laki ng kanya? Hindi naman ako inform na malalaki pala ang dangal ng Russian. Fuck!" Nag lakad ako papunta sa pinto at agad iyong binuksan, sakto namang bumukas ang katapat na pinto kaya nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Oh, ate Donna. Sorry nagulat kita, tara na sa ibaba. Breakfast tayo" Ano daw? Ate? Teka nga. Nasaan ba talaga ako?
"Miss, nasaan ba ako?" Tanong ko at tumaas naman ang kilay niya tsaka natawa. Ano namang nakakatawa sa tanong ko?
BINABASA MO ANG
Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)
Fiksi UmumWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Joseph Alberic, a happy person? Nope. Always smiling? Just in front of Weirdos. Who's Joseph Alberic? We don't know. Walang nakakaalam kung ano ba talag...