CHAPTER 11

25.3K 668 42
                                    


Joseph



"Mabuti na ang lagay niya, madali siyang nasugod sa hospital kaya napigilan na ang pag dudugo ng pulsohan niya. If you don't mind, excuse me" Tumango lang sila mommy at daddy sa doctor,

Huminga ako ng malalim at tinignan si Donna Ley na nakahiga sa kama, nag laslas siya kagabi kaya tinawagan ako ni mommy at pinasama pabalik dito sa manila.

Wala akong magawa kaya sumama na ako, isa pa ako ang dahilan kung bakit niya sinaktan ang sarili niya.

"Joseph, look what you did to her. You're heartless" Umiling ako kay mommy at hindi makapaniwalang tinignan siya

"Mom, if I'm heartless why would I feel the love? the pain and happy?" Nag vibrate ang phone ko sa bulsa kaya lumabas ako sa room at sinagod ang tawag ni Nyle

"Buti naman sumagot ka na! Kaninang madaling araw pa kita tinatawagan" Umupo ako sa waiting area ng hospital at sumadal doon.

"Sorry, hindi ko napansin. Pag tapos ko dito sa hospital ay dederetso ako kay Donna Belle. I need to settle this things out" Nanahimik si Nyle sa kabilang linya pero nag salita din naman matapos ang ilang segundo.

"About that. Kaya ako tumawag dahil kay Donna Belle" Bigla ay napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Nyle.

"What about her?"

"Kaninang madaling araw ko lang to nalaman kaya agad kitang tinawagan pero hindi mo nasagot. Don't worry, may plano na kami para dito, nakahanda na ang lahat at ikaw nalang ang kulang. You have two and half hours para makabalik dito sa Alegria Joseph. Bilisan mo bago pa makasal si Donna Belle sa iba" Mag sasalita pa sana ako pero agad na pinatay ni Nyle ang tawag.

"Potang ina" Tumayo ako at akmang aalis na nang lumabas si mommy

"Joseph, saan ka pupunta? Huwag mo iwan dito ang asawa mo" That's it! Galit ako at mas lalo akong nagalit dahil sa sinabi ni mommy.

"Mom, she's not my wife. Aalis ako, kukunin ko ang babaeng mahal ko" Nag madali akong umalis at hindi na nilingon si mommy kahit anong pag tawag niya sa akin.

Nagulat ako dahil pag labas ko ng hospital ay nandoon si Isaac at Jin.

"Let's go Joseph, kung ayaw mo maagaw si Donna Belle sayo" Mabilis kaming sumakay sa kotse ni Isaac, and thank God dahil Lamborghini ang gamit ni Isaac. Mabilis kaming nakaabot sa Lee Airlines ar deretso sa plane.

"Gumawa na ng paraan si Nyle at Fiennes para mapalapit si Lelantos kay Donna. Nag panggap si Lelantos na make up artist" Kumunot naman agad ang noo ko kay Jin habang nag susuot ng seat belt at lumipad na ang airplane. 

"He did that? I mean, is he really? playing an make up artist?" Tumawa ng malakas si Isaac at ngumisi lang si Jin

"Yeah weirdo, Lelantos know hew to mayke up girls" Sumama ang tingin ko kay Isaac

"Pota, huwag ka nga mag english Isaac. Mas matutuwa ako pag narinig kitang mag tagalog o mag salita ng Russki" Umingos naman agad si Isaac at tinignan na naman ang phone niya,

"Bulol talaga ako pag dating sa English. Russki at tagalog ako magaling"

Matapos ang isang oras ay nakalapag na kami sa Lee Airlines at sinalubong kami ni Nyle at Fiennes.

"Nag mamake up pa sila Lelantos. Anong plano mo ngayon?" Nag madali kaming lumabas sa airport at pumasok na agad sa Limousine na naka-park.

"Deretso sayo sa pag gaganapan ng kasal" Tumango naman si Nyle at sinabi na sa driver niya kung saan ang punta namin.

Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon