Donna BelleWedding dress. Gloves. Bouquet. Sandals. Hairpin. Hairnet. Make ups and such.
Iyan ang kaharap ko ngayon, nakaligo na at hinihintay nalang ang mag mamake up sa akin."Donna Belle, kumain ka daw muna" Nilingon ko ang pinsan ko at tinignan ang pagkain na dala niya.
Biglang bumaliktad ang sikmura ko dahil sa nakita ko, dali dali akong tumakbo papunta sa banyo at nag susuka. Pero walang lumabas, puro laway.
"Donna? Okay ka lang?" Nag mumug ako saglit at humarap sa pinsan ko.
"Ilayo mo sa akin iyong sinigang na baboy. Nandidiri ako, feeling ko may dugo pa iyong baboy" Kumunot ang noo ng pinsan ko at sinalat ang leeg ko pati noo.
"Wa man ka hilanti uy. Naunsan man ka?" 'Wala ka namang lagnat. Anong nangyari sayo?'
Umiling ako sa pinsan ko at umupo na sa kama, kaninang pag gising ko ay nag suka din ako ako tapos noong nag toothbrush ako nag suka din ako kasi nandidiri ako sa amoy at lasa ng toothpaste. Tapos ngayon sa sinigang na baboy naman ako nasusuka.
"Ilabas mo iyang pagkain. Wala akong gana" Tumango ang pinsan ko at umalis na habang dala ang plano na may lamang pagkain.
Nakatulala na naman ako sa kama at malalim na nag iisip.
Paano kaya kung tumakas ako? kontakin ko si Joseph at sabihin na itnan ako.
Pero hindi, mali iyon. May asawa siya at ayaw kong makasira ng pag sasama nila. Kahit inaamin ko na, na mahal ko siya ay hindi pa rin tama na gawin ang iniisip ko.
I'm an educated woman, dapat alam ko ang tama sa mali.
"Nandito siya, tara pasok ka" Nabaling ang attention ko sa pinto ng kwarto, pumasok si mommy kasama ang isang bakla na mag aayos sa akin.
"Sabihin mo lang pag may kailangan ka okay? Ikaw na ang bahala aa anak ko" Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila dahil wala ako sa mood at hindi ako makapag isip ng maayos.
"Ma'am dito ka lang po ba sa kama aayosan?" Hindi ako sumagot sa bakla, nanatili akong nakatulala hanggang sa maramdaman ko nalang na nag sisimula na siyang mag ayos sa buhok ko.
"Alam niyo ma'am, ikaw lang ang bride na hindi masaya sa lahat ng na-ayosan ko" Tinagilid niya ang ulo ko at inayos ang buhok malapit sa tenga ko,
"Sa mga dati ko kasing inaayosan ay excited sila at gustong madaliin ang pag aayos kasi gusto ng makasal" Pinayuko niya ako at nag spray siya ng kung ano sa buhok ko habang nakikinig pa rin ako.
"Pero ikaw ma'am, hindi ka masaya o excited. Fix marriage po kayo ma'am?" Huminga ako ng malalim dahil sa tanong ng bakla
"Pinag-kasundo kami ng pamilya namin. Hindi ko naman siya mahal" Umupo sa harap ko ang bakla kaya nabaling sa kanya ang tingin ko,
"Alam niyo ma'am, fix marriage din po ang nangyari sa lola ko. Sabi ng nanay ko" Bigla akong naging interesado sa sinabi niya,
"Anong nangyari sa kanila?" Tanong ko, umakto na nag iisip ang bakla at ngumiti siya.
"Hindi sila nag katuloyan, matapos kasi nilang ikasal ay nag pakamatay ang lola ko dahil daw sa sobrang lungkot. May mahal kasi ang lola ko noon pero hindi sila pwede" Tinagilid ko ang ulo ko dahil sa naging kwento niya,
"Kung namatay ang lola mo matapos niyang ikasal. Paano mo siya naging lola?" Natawa ang bakla at tumayo na, kinuha niya ang bag niya at nilabas doon ang mga make up.
"Nag ampon si lolo, at iyon ay ang mama ko. Kaya lola ko na din siya" Bigla tuloy akong nalungkot.
Paano kaya pag nag pakamatay ako? Anong mangyayari sa maiiwan ko?
"Sabi ng mga matatanda ma'am, kasalanan daw ang hindi mag bigay ng anak sa asawa. Kaya dati kahit isang dosena na ang anak ay sige pa rin. Pag wala ka namang anak ay may sala ka na sa asawa mo" Nag simula na siyang mag lagay ng make up sa mukha ko.
"Paano naging makasalanan iyon?" At least may nakakausap na ako ng ganito ngayon para kahit papa-ano ay makalimotan ko naman saglit ang problema ko.
"Ewan, iyan ang sabi ng mga matatanda eh. Dati uso ang fix marriage na 'to lalo na pag tungkol sa usaping lupa. Ipagkakasundo agad ang anak sa anak ng may-ari ng lupa. Minsan mas nakakatawa kasi dahil lang sa manok kaya pinag kasundo ang iba"
Hanggang sa matapos ang pag aayos sa akin ay natuwa naman ako sa pag uusap namin ng bakla.
"Tara ma'am, isuot niyo na ang wedding gown mo. Hintayin kita dito" Inabot niya ang gown at sandali ko pa iyong tinitigan.
"Hindi mo na mababago ang kapalaran mo kung hindi ka kikilos. Malay mo ma'am, iyong groom ang aatras sa kasal" Kinuha ko na ang gown at pumasok sa banyo.
Habang sinusuot ko iyon at nag lalakbay ang isip ko kay Joseph.
Nag te-text pa kaya siya? Sinusubukan pa kaya niya akong tawagan?
Matapos kong masuot ang gown ay lumabas na ako ng banyo at agad namab akong sinalubong ng bakla.
"Tara suotan kita ng belo" Sinuot niya sa akin ang belo at natabonan na ang mukha ko,
"Tumingin ka sa salamin" Tinignan ko muna siya bago tumayo at lumapit sa human size mirror.
Habang nakatingin ako sa sarili ko ay hindi ko maiwasang mang-hinayang at maawa.
Wala akong karapan na pumili ng kapalaran. Tanging ang diyos lang ang may alam. Kung ito ang daan para mapabuti ako ay gagawin ko kahit labag sa loob ko. Kahit masakit at kahit gusto ko ng tumakbo nalang.
"Donna Belle, let's go. Nag hihintay na ang sasakyan sa labas. Marami na rin ang bisita sa simbahan" Gamit ang salamin sa harap ko ay tinignan ko si mommy sa pinto ng kwarto ko, nakaayos na siya at handa ng umalis.
Ito na nga yata. Ito na yata ang kataposan ng kaligayahan ko, ito ang simula ng baging yugto ng buhay ko. Kasama ang lalaking pakakasalan ko, at iyon ay si Nico. Hindi si Joseph.
Hindi ang taong mahal ko.
Nag pakawala ako ng malalim na hininga bago sumunod kay mommy, tinulongan ako ng bakla sa gown ko hanggang sa makasakay kami ng kotse.
Matapos ko maisara ang pinto ng kotse ay may maliit na papel akong nakita na nakadikit sa gown ko kaya kinuha ko iyon at binuklat.
'You can change the story of your life by marrying the man you love. Always remember, love can conquer any situation.
-Lan Beckham
BINABASA MO ANG
Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Joseph Alberic, a happy person? Nope. Always smiling? Just in front of Weirdos. Who's Joseph Alberic? We don't know. Walang nakakaalam kung ano ba talag...