EPILOGUE

27.8K 776 47
                                    

Donna Belle





Kakapasok ko pa lang ng bahay ay agad akong naka-pamewang at umusok bigla ang tenga at ilong ko.

"Joe! Joel! Jonel! Nag kakalat na naman kayo! mag ligpit kayo!" Nag uunahan na mag takbohan ang mga anak ko ppunta dito sa sala at tinignan ang mga bag, notebook, libro at kung pa'ng gamit sa skwela

"Sorry mom" Sabay nilang sabi at nag simula ng mag ligpit ng kalat nila. Napahinga ako ng malalim at umupo sa sofa.

Si Joe (pronounced as Jaw) ang panganay sa mga anak ko, he's 17 years old now. 

Pangalawa ay si Joel (pronounced as Howel) at 15 years old naman siya at ang bunso namin ni Joseph na si Jonel (pronounced as Zhanel) 13 years old na siya.

Si Joe ay wala akong problema masyado dahil namana niya ang pagkaseryoso ni Joseph pero makalat pa din. Si Joel naman ay medyo maloko na hindi mo maintindihan ang trip sa buhay. Si Jonel ay masayahin at positive kung mag isip, maalalahanin at masipag.

"Done mom" Ngumiti ako sa kanila at tunapik ang mag kabilang parte ng sofa

"Dali lapit kayo kay mommy" Ngumiti sila at agad na lumapit sa akin at niyakap nila ako kaya natawa ako at ginulo ang mga buhok nila.

"Ang lalaki na ng mga baby ko. Nakakalungkot tuloy" Pag lalambing ko sa kanila.

"Si mommy talaga ang drama. Don't worry mom, kami pa rin naman ang mga babies mo eh. Right Dads?" Nag tangoan ang mga kapatid niya at natawa naman ako

"Anong Dads Joe?" Tanong ko at humiwalay naman sila sa yakap.

"Dads mom, tawagan naming mag kakaibigan. Tapos pag babae naman po ay Mads ang tawag namin" Natawa nalang ako at nabaling ang tingin namin sa pinto dahil bumukas iyon at pumason si Joseph na kakauwi lang galing opisina.

"Daddy!" Sinalubong siya ng mga anak namin at niyakap niya.

Parang may humaplos sa puso ko ng makita ko sila, sobrang close nilang mag aama at walang makakatumbas doon. Minsan nga nag seselos pa ako kasi mas pinapansin nila si Joseph kesa sa akin.

"Hey beautiful" Hinalikan ako ni Joseph sa labi at sa noo kaya ngumiti ako.

"How's your day?" Tanong ko sa kanya, niluwagan niya ang necktie at pinatong ang mga paa sa coffee table at nag unahan naman ang anak namin sa pag tanggal ng sapatos niya

"It's great. Alam mo naman, kailangan kong kumayod ng sobra para maibigay ang gusto ng mga anak natin" Ngumiti ako at hinaplos ang pisnge niya

"Tigilan mo na kasi ang pag spoil mo sa mga bata" Mabilis namab siyang umiling at bumaling sa mga anak namin.

"Boys, come here" agad silang nag lapitan at nilabas ni Joseph ang phone niya.

"Selfie tayo okay? tayo lima" Pabiro kong binatokan si Joseph at humarap na kami sa camera ng may ngiti sa labi.

Kahit hindi pa man kami napatawad ng mga magulang namin ay alam kong darating din ang araw na makakalimotan nila ang kasalanan namin at tanggapin ulit kami.

Masaya na kami ni Joseph kasama ang tatlo naming anak.

"I love you mga anak" Sabi ko sa mga anak ko at niyakap naman nila ako.

"We love you too mom"

"I love you handsome" Hinalikan ako ni Joseph sa noo

"I love you more beautiful"

Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon