CHAPTER 7

25.2K 657 37
                                    

Donna Belle







Nakangiti kong pinagmasdan si Joseph habang natutulog pa siya, naalala ko tuloy iyong sinabi niya sa akin.

'I can make you forget that Jiro in just one touch' true to his words, nakalimotan ko. Nakalimotan ko ang dahilan kung ayaw ko umuwi sa Alegria, nakalimotan ko kung bakit ako nandito.

Hinaplod ko ang pisnge niya habang nakatingin ako sa mga mata niyang nakapikit. Unti unti ko ng na-realize na nagugustohan ko na siya, hindi pa man kasing lalim ng pag mamahal pero may nararamdaman na talaga ako sa kanya.

Ang iniisip ko lang ngayon ay ang takot na baka iwan na niya lang ako ng basta basta, lalaki lang siya at ang mga lalaki ay nang-iiwan pag alam nilang nakuha na nila ang gusto nilang makuha.

Ganoon kaya si Joseph?

"I can almost hear you talking to your self" Nagulat ako kasi nag salita siya habang nakapikit pa rin ang mata. Fuck, nahuli ako.

"Huh? kanina ka pa gising?" Pag iiba ko ng usapan. Baka kung ano pa isipin niya sa akin. Baka sabihin na pinag-nanasaan ko siya!

"Not really, what time is it?" Umalis ako sa pag kakahiga sa kama at tinignan ang orasan ko sa bedside table,

"Six Forty-five na. May trabaho ka diba? Come on get up now" Umupo si Joseph sa kama at hinila ako kaya napaupo ako sa pagitan ng hita niya.

"You smell so good in the morning" Inamoy niya ako sa leeg kaya hindi ko mapigilang makiliti, may kaonting balbas kasi siya at tumatama iyon sa balat ko.

"Stop it Joseph, umuwi ka na, wala kang damit dito" Tumango si Joseph at hinalikan ako sa pisnge bago ako pakawalan sa yakap niya.

"Okay, punta ka sa bahay mamaya. I'll text you okay? check your phone every hour" Tumango ako at tumayo na dib siya sabay gulo ng buhok.

"Mag iingat ka" Nilingon niya ako at ngumiti siya sa akin. He gave me a quick kiss in my lips, tapos ay hinatid ko na siya sa labas ng bahay.

"Bye beautiful, I love you" Natigilan ako sa sinabi ni Joseph, kumurap ako ng ilang beses at hindi na namalayang nakaalis na pala ang kotse niya. 

What? I love you? o baka naman iba lang ang pag kakarinig ko? Impossible. Yeah, mali nga ang rinig ko.

Naiiling akong pumasok sa bahay at napamura pa ako kasi nakaligtaan ko na namang mag take ng pills! fuck! pangalawang gabi na to na nakaligtaan ko ang ag inom!

Dali dalu akong tumakbo sa banyo at binuksan ang medicine kit pero wala akong mahanap na pills! Alam ko dito ko lang iyon nilagay kagabi eh bago kami pumasok sa kwarto ko!

Lahat ng gamit sa medicine kit ay naalis ko na pero wala doon ang bote ng pills ko, sa trashcan wala din. Sa cabinet ko wala, sa kusina wala, sa bag ko wala!

Fuck! Saan ba nag punta iyon?

Nanghihina akong umupo sa sofa at sumandal doon, nahihilo na ako kakalibot sa bahay pero wala talaga akong mahanap. Hindi ko pwedeng makaligtaan ang pag inom ng pills lalo na kasi may nangyari sa amin ni Joseph! 











Joseph



Kunot noo akong pumasok sa office ar naabotan ko si Senna na nasa table niya habang naka-kunot din ang noo at mukhang wala sa mood.

"Mabuti naman at nandito ka na, hindi ako umuwi ng bahay" Umupo ako sa swivel chair at nag simula ng pumulot ng papelis para sa review ar reports.

"And why's that?" Nagulat nalang ako kasi may tumamang lipstick sa braso ko kasunod ang ilang make up ni Senna kaya umiwas na ako.

"Why's that! huh? Kuya nandoon ang babae mo kagabi! Alam mo ba kung saan ako natulog? Sa bar! sisihin mo iyang nakakagigil na Donna Ley na yan! kung makaasta ay parang kanya iyong bahay!" Galit na galit si Senna kaya huminga nalang ako ng malalim.

Ayaw ko siyang patulan dahil ako ang mas matanda sa aming dalawa, ako dapat ang umunawa.

"Sana nag text ka o tumawag man lang Senna" Inis siyang bumalik sa pag harap ng laptop niya kaya wala na akong nagawa kundi pulutin lahat ng binato niya sa akin.

Habang nag pupulot ako ng mga make up ni Senna ay nahulog ang bote ng pills sa bulsa ko at narinig iyon ni Senna kaya bumaling siya sa akin.

"Ano yan?" Pinulot ko ang pills at pati na rin ang natitirang make up ni Senna tsaka ko iyon nilagay sa table niya.

"Pills? saan mo naman ninakaw yan kuya?" Bumalik ako sa upoan ko at nag simula na namang mag basa. 

"Kay Donna Belle" Nakita ko iyan kagabi sa banyo niya noong nag half bath ako bago kami pumasok sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit biglang kumulo ang dugo ko ng makita ko na may pills siyang iniinom.

"Speaking of ate Donna Belle. Alam ba niya ang tungkol sayo?" Kumuha ako ng ballpen at pinirmahan ang request ni Victor para sa mga beverage niya.

"Hindi pa, I am planning to tell her about that it–" Natigil ako sa pagsasalita dahil tumunog ang phone ko at si mommy pala ang tumawag kaya sinagot ko na,

"What is it mom?" Matagal pa bago nakasagot si mommy sa kabilang linya at lumapit naman agad si Senna para makinig.

Hinatak ko nalang siya para umupo sa hita ko at niloud speaker ang tawag. Chismosang Senna.

"Joseph, we have a serious problem about your marriage certificate. We need you here in Alegria" Nag katinginan kami ni Senna at suminyas siyang mag salita ako,

"What about it mom?" Nag titigan pa rin kami ni Senna at hinihintay na mag salita si mommy,

"Hindi na process ang marriage certificate niyo ng asawa mo, in short hindi kayo kasal. Joseph we need to fix this problem. I already called a lawyer to ask if–"

"Mom, uuwi kami ni Senna diyan. Huwag niyo munang i-process ang papelis. Wait us there, ako ang kakausap sa lawyer" Pinatay ko na agad ang tawag, hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag.

"So, assuming lang pala iyong Donna Ley. Hindi naman pala kayo kasal tapos kung makapag-wala dito akala mo siya may ari. Mabuti nalang talaga at hindi na-process ang papelis niyo" Mariin akong pumikit, umalis si Senna sa pag kakaupo sa hita ko at narinig ko na nag aayos na siya ng papelis niya sa table.

"Tumayo ka na diyan kuya, ipapahanda ko na ang private plane natin sa Lee Airlines" Mabilis akong tumayo at inayos na din ang mesa ko, narinig kong may tinawagan si Senna kaya nag dial din ako sa phone ko.

"Attorney Brylle Beckham speaking" Kinuha ko ang susi ng kotse sa table at lumabas na kami ni Senna sa office, 

"Umuwi tayong Alegria, kailangan kita para sa marriage certificate ko"

"Owkay? Sige, I'll tell Lelantos to come with me"

Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon