CHAPTER 5

27.1K 726 85
                                        


Donna Belle

Palakad lakad ngayon sa hatapan ko si Liezel sa harapan ko na para bang siya pa ang may malaking problema kesa sa akin.

"Tumigil ka Zel, nahihilo ako sayo" Sumama agad ang tingin niya sa akin bumabalik sa table niya.

"Punyeta Donna. Isang gabi lang iyon! Iniwan lang kita sa bar kasi may manganganak akong pasyente tapos ganito na ang mamalaman ko? Na may nangyari pala? Punyeta!" Nanghihina akong sumadal sa kinauupoan ko at tinignan si Liezel.

"Don't worry, I'm taking a pill" Sabi ko at nakita ko namam siyang nakahinga ng maluwag.

"Mabuti naman, mas maganda iyong may pangontra ka" Ngumuso ako, narinig kong nag ring ang phone ko kaya agad kong sinagot kasi mukha agad ni mama ang nakita ko. 

"Donna–"

"Mom, kung tungkol 'to sa pag papauwi mo sa akin sa Algeria, I'm sorry pero hindi ko pa kayang umuwi diyan" Putol ko agad kay mama dahil alam ko na ang pakay niya kung bakit siya tumawag.

"Hindi iyan ang pakay ko Donna. Sasabihin ko lang sana na wedding Anniversary na namin ng Daddy mo next week" Kunot noo kong binalingan ang calendaryo sa office ni Liezel at nakitang next week na nga ang wedding anniversary nila Mommy at Daddy.

"Pag iisipan ko mom"Pinatay ko na ang tawag at tumayo na din. May lalakarin pa pala ako ngayon.

"Mauna na ako Zel, may lakad ako" Tumango siya habang may binabasang libro kaya lumabas na ako.

Deretso ang lakad ko at nag punta sa pharmacy nitong Dutch Hospital, papasok na sana ko pero may nakabangga sa akin kaya umatras ako.

"I'm sorry miss" Ngumiti at tumango lang ako sa lalaki, pero nahagip ng mata ko ang hawak ng lalaki.

Barbie? ah, baka sa anak niya lang iyon.

Pumasok na ako ng tuloyan at bumili ng pills. Bago ako lumabas ng pharmacy ay kinuha ko muna ang phone ko dahil may etetext sana ko pero ganoon nalang ang gulat ko sa pag unlock ko kasi bumungad sa akin ang picture na kaming dalawa ni Joseph!

Fuck! tulog na tulog ako habang siya nakahalik sa gilid ng labi ko. Walang hiya ka Joseph. Naisahan mo ako ah. Hindi ko tuloy mapigilan na ngumiti. Baliw na nga talaga ako. 







Joseph

Buong araw akong babad sa trabaho dito sa office ko habang si Senna naman ay binisita ang ilang branch ng bar namin at nag rereport din siya sa akin tungkol sa rating.

Kinuha ko ang huling papel na ere-review ko ngayon para sa buong buwan na report ng Tiger's Bar sa Tigers Village. Habang nag babasa ako ay biglang nag salita ang secretary ko sa intercom.

"Mr. Alberic, you have a visitor" Kunot noo akong tumingin sa relos ko at nakitang five PM na. Wala akong maalala na may meeting pa ako ngayon dahil si Senna ang gagawa kung meron man.

Hindi pa ako nagkakapagsalita ay bumukas na ang pinto at pumasok doon anh babaeng nakasuot ng all yellow dress at pati sandals niya yellow. Sakit sa mata.

"No need for the approval! I'm his wife so don't you dare!" Biglang nag init ang ulo ko dahil sa sinabi ng babaeng to sa harap ko habang ang secretary ko naman ay pilit siyang pinapaalis.

"Excuse me miss. I don't have a meeting for this afternoon" Kunot noong sabi ko at ngumisi naman siya.

"Oh, it's Mrs. Alberic my dear husband" Hindi ako nakasagot. Wala akong naramdaman na kahit ano. Parang wala lang sa akin. 

"Stop this nonsense miss. You're not my wife so fuck off" May kinuha siyang papelis sa shoulder bag niya at padabog iyong nilapag sa mesa ko.

"Here! Tignan mo! Perma mo iyan diba? at perma ko naman ang nasa kabila! You're my husband!" Sa inis ko ay pinag pupunit ko ang papelis at itinapon iyon sa mukha mismo ng babae.

"You. Are. Not. My. Wife!" Aalis na sana ako pero biglang bumukas ang pinto ng office ko af nakita ko doon si Senna.

"And who are you bitch? Are you trying to flirt with my husband?!" Nilingon ako ni Senna at matalim na timingin sa babaeng naka yellow. Pota ang sakit talaga sa mata ng damit niya.

"Hoy babaeng pinaglihi sa saging ang damit. Sino ka ba? Bakit mo ba ako pinag tataasan ng boses? Kilala mo ba ako?" Hamon ni Senna, lalapitan ko na sana si Senna pero agad akong nahila ng babaeng naka yellow.

"I am Donna Ley Alberic! I'm his wife!" Tumango tango si Senna at matamis na ngumiti bago lumapit sa amin.

"Ahh. Asawa ka ng kuya ko? Hali ka nga, nanggigil ako sayo" Nanlaki anh mata ko dahil biglang hinila ni Senna ang buhok ng babae at kinaladkad papunta sa pinto ng office ko. 

"Huwag na huwag mong matatawag na asawa mo ang kuya ko dahil nanggigil ako sayong babae ka!" Sinundan ko sila sa labas at sumunod din ang secretary ko.

"Let me go you whore!" Pipigilan ko na sana si Senna pero namang dumating si Donna Belle na nagulat pa sa naabotan niya dito sa labas ng office ko.

"Sino nga ba ang whore sa ating dalawa? ha? Tangina mo ah" Nag madali akong lapitan si Donna Belle at niyakap siya para malayo kay Senna at sa babae.

"Anong nangyari? Bakit sila nag sasabunotan?" Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakayakap sa kanya para matabonan ang paningin niya.

"Oh! Hi there ate Donna Belle. Gusto makisali sa laro namin? Kampi tayo ate Donna Belle!" Sumilip si Donna pero agad ko siyang hinawakan sa pisnge at hinalikan siya sa labi niya.

God. I miss her so much. Kahit kaninang umaga lang ay pinaligoan ko siya. Namiss ko na agad siya.

"Let's go beautiful. Senna is enjoying the game" Hinila ko na si Donna palayo doon.

Nang makapasok na kami sa elevator ay hinawakan ako ni Donna sa dibdib habang nakatingala siya sakin. Fuck! Hindi ko tuloy maiwasan na tigasan sa pagkalalaki ko sa simpling lapat lang ng balat niya sa balat ko.

"Anong nangyari doon sa labas ng office mo Joseph? Sino iyong kaaway ni Senna?" Niyakap ko nalang ulit siya at naalala na naman ang pinag sasabi ng babae kanina.

Hanggang makalabas kami ng elevator at nakapasok na sa sasakyan ko ay iyon pa rin ang nasa isip ko.

Biglang gumuho amg mga imahenasyon ko dati. Na ikakasal ulit kami pag nag kita na kami, na magkakaanak kami, mabubuhay kami na puno ng pag ibig kasama ang mga anak namin. 

Pero pota. Lahat iyon gumuho noong makita ko ang babae kanina at narinig iyong mga sinasabi niya. Iyon na eh, nakita ko na si Donna Belle. Nakita ko na siya bilang asawa ko sa imahenasyon ko. Nakita ko na siyang nag lalakad papunta altar kung saan ako nag hihintay.

Bakit kailangan dumating 'to?

Ano nalang ang gagawin ko? Walang divorce dito sa pilipinas. May annulment nga pero sobrang tagal ng proseso

Pota mababaliw na yata ako kakaisip. 





Donna Belle

Nag tataka ako sa kinikilos ni Joseph ngayon. Tahimik lang siyang nag mamaneho at parang malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy mapigilang mag alala.

"Joseph, okay ka lang?" Nabaling ang tingin ni Joseph sa akin at nakangiti siyang tumango.

"Saan ang bahay mo beautiful? doon nalang muna ako. I'm stressed" Hindi ko alam pero kusang lumapit ang katawan ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo na agad namang nag pangiti sa kanya.

"Don't be stress Joseph. Sige sa bahay nalang tayo. Pasasayahin kita"

Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon