Donna Belle
Isa, dalawa, tatlo. Tatlong oras na akong nag hihintay ng text mula kay Joseph pero walang dumating.
Akala ko ba every hour niya akong ite-text? Naniwala naman agad ako, nasisiraan na yata ako ng ulo.
Pagod akong umupo aa sofa habang tinitignan ang screen ng phone ko kung saan nadoon ang picture naming dalawa ni Joseph na ginawa niyang wallpaper.
Napahinga nalang ako ng malalim kasi embes na si Joseph ang tumawag ay ang mommy ko na ngayon, naiiling kong sinagot ang tawag
"Donna Belle! Hinahanap ka na ni Kapitan! Umuwi ka na dito, as soon as possible!" mariin akong pumikit at sumandal sa sofa,
"Mom, napag-usapan na natin to. Ayaw kong makasal sa anak ni Kapitan!" Naiinis na sabi ko, matagal na talaga akong ginugulo ni mommy dahil lang sa anak ni Kapitan na gusto niyang ipakasal sa akin.
"Donna! Ipapahiya mo talaga ang pamilya natin?! Umuwi ka na!" Pinatay ko na ang tawag at binagsak ang phone ko sa coffee table.
I'm done with this! kailangan ba talagang pilitin ako para mag pakasal sa lalaking hindi ko naman mahal? may gusto na akong iba, at si Joseph iyon.
Napatayo ako bigla dahil sa sunod sunod na door bell ang narinig ko, nag madali kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang magandang babae.
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya at hindi agad ako nakabawi ng tingin ay sumigaw na siya,
"How dare you! Ang landi mo! May asawa na iyong tao tapos nilalandi mo pa rin? Ang kapal ng mukha mo! Kabit ka!" Hawak ko ang pisnge ko ng humarap ako sa babaeng sumampal sa akin,
"I don't know what are you talking about!" Isang sampal ulit ang natanggap ko,
"Joseph Alberic is my husband you whore! Isaksak mo sa kukuti mo yan! Kabit!" Tulala akong nakatingin sa babae na umalis na, nanghihina akong umupo sa sahig at nag unahan na agad ang mga luha ko.
"Ang tanga tanga mo talaga Donna. Ang tanga mo" Pinokpok ko ang sarili kong ulo habang umiiyak dahil sa kahihiyan at sakit.
Kahihiyan dahil pumatol ako sa lalaking kasal na pala, sa lalaking tali na sa asawa niya. Bakit hindi ko ba naisip iyon? Bakit mas inuna ko ang katangahan ko?
"Ang tanga mo!" Hindi ko na mapigilang sigawan ang sarili ko habang patuloy ako sa pag iyak.
Bakit ganito nalang ako kung masaktan? Bakit sobrang sakit na halos patayin na pati puso ko?
Gusto ko lang naman siya, hindi ko siya mahal, hindi ko siya pweding mahalin!
Pero gusto ko nga lang ba siya? Bakit pakiramdam ko hulog na hulog na ako sa kanya.
Namumugto ang mata ko ng tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sa coffee table.
Dinail ko ang number ni mama,
"Uuwi na ako sa Alegria. Ngayon din" Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Habang nag lalakad ako papunta sa kwarto ay bumabalik sa akin ang mga nangyari sa amin ni Joseph,
Iyong pag punas niya ng luha ko na siya lang ang lalaking nakagawa noon sa akin, iyong gabing tinulongan niya akong makalimot kay Jiro, iyong gabing binigay ko ang pagkababae ko sa kanya.
Ang mainit naming pag tatalik, ang kaninang lambingan. Lahat iyon nawasak na. Walang wala na, may asawa na pala siya. Bakit hindi niya sinabi? para ako nalang ang umiwas.
BINABASA MO ANG
Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)
Fiction généraleWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Joseph Alberic, a happy person? Nope. Always smiling? Just in front of Weirdos. Who's Joseph Alberic? We don't know. Walang nakakaalam kung ano ba talag...