Donna Belle
Nagising ako sa pag kakatulog ko dahil sa iyak Joe, tatayo na sana ako para kunin sa kuna pero nakita ko na si Joseph doon habang buhat buhat si Joe
Umiling ako at tuloyan ng tumayo at lumapit sa kanila.
"Joseph, matulog ka na. Ako na bahala kay Joe" Nilingon ako ni Joseph at hinalikan ako sa noo kaya napapikit ako
"Ikaw ang matulog beautiful, uuwi pa tayo bukas sa Alegria diba? Kaya matulog ka na. Ako na bahala kay Joe" Oo nga pala, kinabahan tuloy ako bigla.
Unang harap namin sa mga magulang ni Joseph ay hindi naging maganda, samantalang sa mga magulang ko naman ay maayos ang usapan.
Pero si Joe lang ang tanggap nila, hindi kami ni Joseph. Hindi naman sila galit, sadyang hindi lang nila matanggap kaya nakulungkot talaga ako.
"Donna, sige na matulog ka na. Malapit na mag umaga. Pupunta ako mamayang six sa office tapos uuwi ako rito para kunin kayo. Okay? " Tumango ako at hinalikan ko muna siya sa labi niya at ganoon si Joe bago ako nag lakad papunta sa kama at huminga na para matulog.
Nagising ako kinabukasan at wala na akong gagawin dahil nag luto na si Joseph ng almusal at nakapag-timpla na din ng gatas para kay Joe. Napangiti tuloy ako dahil sa sobrang responsible niyang asawa.
Natigil ako sa pag aayos ng buhok dahil nakarinig ako ng door bell kaya nag madali akong bumaba sa sala at binuksan ang pinto.
Ganoon nalang ang gulat ko dahil nakatayo doon ang babaeng sumampal sa akin dati. Magulo ang buhok niya at namamaga pa ang mga mata. Kumunot naman agad ang noo ko. Ano ang ginagawa niya dito?
"Si Joseph?" Tanong ng babae,
"Wala siya dito. Anong kailangan mo" Kumurap ako ng ilang beses kasi nag simula na siyang umiyak
"Please hiwalayan mo si Joseph, iwan mo si Joseph. Babayaran kita kahit magkano" Huminga ako ng malalim dahil sa sinabi niya,
"Mahal ko si Joseph, kasal kami at may anak kaming dalawa. Hindi pwede ang hinihingi mo" Umiling ng paulit ulit ang babae at halos mag makaawa na siya sa akin.
"Mahal ko din naman si Joseph-" Hindi ko siya pinatapos dahil nag salita agad ako,
"Mahal mo siya, pero ikaw? Mahal ka ba niya? Hindi porke't mahal mo siya ay ikaw na ang mahal niya. Maraming lalaki sa mundo, hindi ka mauubosan. Makakahanap ka pa ng mas higit pa kay Joseph. Kaya please lang, tigilan mo na kami" Sabi ko at sinara ang pinto.
Nag madali akong umakyat sa kwarto namin dahil narinig ko ang iyak ni Joe, kinuha ko siya sa kuna at sinayaw sayaw hanggang sa tumahan na siya.
Bumaba ulit ako sa sala pero bukas na ang pinto at nasa sofa si Victor habang nag babasa ng magazine.
"Sinaktan ka ba ng babaeng iyon?" Tanong niya at nakuha ko naman agad ang ibig sabihin niya.
"Hindi naman. Nag usap lang kami" Tumango si Victor kaya nag lakad na ako papunta sa kusina at kinuha sa ref ang pizza at nilagay sa oven para mainit.
Habang nag hihintay ako ay nilalaro ko si Joe, kulay light brown ang mga mata niya at manang mana kay Joseph na pinag halong Lelantos. Natawa tuloy ako kasi tuwang tuwa si Lan dahil may minana si Joe sa kanya.
"Hey beautiful" Nag angat ako ng tingin at ngumiti kay Joseph na kagagaling lang sa office kasi naka business suit pa siya.
"Hey handsome" Hinalikan niya ako sa labi ko at tinugon ko naman agad,
"Okay na yata ang pizza, buhatin mo muna si Joe" Binigay ko sa kanya si Joe at kinuha sa oven ang pizza tsaka ako nag timpla ng juice at dinala namin iyon sa sala kung saan nandoon pa rin si Victor.
"Victor, may pizza" Tumango siya at kumuha ng pizza pero nasa magazine pa rin ang tingin.
"Joseph, diba ito si Ligaya? Iyong kaibigan ni Fyonna?" Lumapit naman agad si Joseph sa likod ni Victor at tinignan ang magazine.
"Oo nga, siya 'yan. Sikat na siyang model ah. Dati nene pa yan nang sinama ni Fyonna eh" Kumuha ako ng pizza at kumain na, sakto namang pumasok si Lelantos
"Nasaan ang inaanak ko?" Kunot noo kong tinuro si Joe na buhat ni Joseph.
"Hiramin mo na naman? Gumawa ka na kasi ng sayo!" Sabi ko at natawa naman sila Victor at Joseph,
"Lan, naalala mo pa si Ligaya?" Agad naman na lumingon si Lan sa kanya embes na lalabas na ito kasama si Joe
"Bakit?" Tanong ni Lan at ngumisi naman si Victor.
"Weirdo, sikat na sikat na siyang model ngayon from England. Hindi na siya nene" Hindi pinansin ni Lan si Victor at lumabas na at nag tawanan naman silang dalawa. Mga weirdo talaga.
"Beautiful, maligo ka na. Pinahanda ko na ang private plane" mabilis kong inubos ang pizza ko at uminom ng juice tsaka ako tumayo at pumanhik na sa taas.
Joseph
"Uuwi kayo ng Alegria?" Tanong ni Victor ng makaakyat na si Donna,
"Oo, kakausapin namin sila mommy. Kung sa akin lang ay okay na sa akin na hindi sila makita pa, pero gusto ni Donna na kausapin namin sila para makahingi daw ng patawad" Tumango si Victor sa sinabi ko
"You're lucky to have her" Ngumiti ako at tinignan siya,
"Wala pa rin bang balita kay Mary Joy? Sabi kasi ni Senna sa akin ay burado lahat ng social media accounts ni Mary Joy" Binaba ni Victor ang magazine at umiling siya,
Mag sasalita pa sana ako pero pumasok naman si Lelantos, buhat ang anak kong si Joe na umiiyak,
"Pinangigilan ni Shaina, umiyak" Natawa ako kinuha si Joe at sinayaw sayaw para tumahan.
"Masaya ba mag karoon ng anak?" Natigilan kami ni Victor na tanong ni Lelantos,
"Masaya pero mahirap"
Donna Belle
Kinakabahan ako habang nag babyahe na kami ni Joseph sakay sa Limousine nila papuntang Alegria,
Nanlalamig ang kamay ko, agad akong napatingin kay Joseph dahil hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya para mahalikan habang buhat niya sa isang kamay si Joe
"Don't worry, I'm here"
Nang makarating na kamin sa bahay nila Joseph umupo kami sa sofa at hinintay ang mommy niya, wala ang daddy ni Joseph dahil umuwi daw sa Russia.
Pag baba ng mommy ni Joseph ay halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba.
"Kung nandito na naman kayo para humingi ng tawad, nag sasayang lang kayo ng oras" Huminga ako ng malalim at nakita ko ang galit sa mata ni Joseph kaya inunahan ko na siya sa pag sasalita,
"Ma'am, may anak na po kami ni Joseph. Hindi naman po pwede na ganito ang sitwasyon natin. Maapektohan po ang bata" Tumingin ang mommy ni Joseph kay Joe at tumayo na siya,
"Matatanggap ko ang bata, pero kayo ng anak ko, hindi ko alam kung kailan. Makakaalis na kayo" Tapos ay umakyat na ito sa hagdan kaya napatingin ako kay Joseph at agad naman niya akong hinalikan sa noo ko.
"Just let her be, huwag nating ipilit" Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Joseph at huminga nalang ng malalim.
Hindi pa siguro ito ang tamang oras para mapatawad kami.
BINABASA MO ANG
Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)
Ficción GeneralWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Joseph Alberic, a happy person? Nope. Always smiling? Just in front of Weirdos. Who's Joseph Alberic? We don't know. Walang nakakaalam kung ano ba talag...
