Donna Belle
Nakangiti ako habang inaayosan ako ni Lelantos ng buhok, habang siya naman ay nakabusangot at hindi maipinta ang mukha.
"Pasalamat ka talaga at nag lilihi ka. Tsk" Tinawanan ko lang siya, dalawang buwan mula noong muntik na akong makunan at si Lelantos ang pinag lilihian ko na kinatuwa naman ng Tigers para daw may mameste na kay Lelantos.
"Ayan tapos na ang buhok mo. Harap dito at papahiran ko ng pintora ang mukha mo" Lumakas ang tawa ko sa sinabi niya, ewan kahit galit siya ay natatawa pa rib ako. Ganito nga siguro pag nag lilihi. Ang weird lang.
"Pag iyan talaga lumabas tapos walang minana sa akin, itatapon ko yan" Natawa na naman ako at ganoon din si Lelantos bago nag simulang pahiran ng kung ano ang mukha ko.
"Ang dali mong patawanin. Pero noong si Faith pa ang nag buntis at isa din ako sa pinaglihian, tangina ang hirap patahanin at patawanin. Halos mag kanda-ogaga na kami ni Noe" Nakinig lang ako sa kanya hanggang sa nag ring ang phone ko at agad ko namang inabot at sinagod agad ng walang tingin dahil pinapikit ako ni Lelantos.
"Hello?"
"Hello? Donna, sorry hindi ako makakadalo sa kasal mo. May importante kaming lakad ni Acien eh" Ngumuso ako dahil sa sinabi ni Shindy,
"Ang daya naman. Hindi rin makaka-attend si Liezel kasi may manganganak siyang pasyente eh. Ang daya niyo talaga" Narinig ko ang pag buntong hininga ni Shindy sa kabilang linya,
"Mag kita nalang tayo pag free ka na okay? Babawi nalang ako sayo" Nag okay lang ako sa kanya at pinatay ko na ang tawag.
Nalakatampo naman.
"Ayosin mo iyang nguso mo dahil lalagyan ko na ng lipstick " Umayos naman ako at nilagyan na ni Lelantos ng lipstick ang labi ko,
"Hi ate Donna" Ngumiti ako kay Senna ng makita siya sa suot niya, aww ang ganda ganda niya kasi siya ang maid of honor ko.
"Ang ganda mo Senna" Sabi ko, may suot siyang flower crown dahil ang Garden Wedding ang theme ng kasal namin ni Joseph.
"Ang ganda mo din ate Donna, kasing ganda kita" Yumakap siya sa akin at niyakap ko naman siya pabalik.
"Tama na iyan. Hali na Donna isuot mo na ang gown" Ngumiti ako at kinuha ang wedding gown na kulay red. Umandar ang kaweirdohan ni Joseph at naisip na red ang gown para daw mas maganda tignan. Ang weird talaga.
Matapos kong mag bihis ay bumalik na ako sa kanila at may hawak na flower crown si Lelantos.
"Dali, ilagay natin to" Pinaupo niya ako at nilagay na ang flower crown sa ulo ko,
"Wow ang ganda ate Donna, ang galing pala mag make up ni Kuya Lan" Natawa ako at sumimangot naman agad si Lelantos.
"Oh ayan. Bouquet mo, tara na baka naiinip na ang groom mo" Tinanggap ko ang bouquet at nag lakad na kami palabas ng pinto.
Joseph
Pota lamig na lamig na talaga ang kamay ko samantalang alas tres naman na ng hanapon,
"Pawis na pawis ka ah. Ganito ba talaga pag ikakasal?" Nilingon ko si Fiennes dahil siya ang best man ko,
"Pakasal ka na, para maramdaman mo" Umiling naman agad siya at inabotan ako ng panyo kaya tinanggap ko.
"Pahiran mo iyang pawis mo, baka umatras sa kasal si Donna pag nakita kang pawisan" Pabiro ko siyang sinuntok sa balikat at nag tawanan naman kami.
May mga bisita na at nakapwesto na din ang mga grooms men at bridesmaids, pero wala dito ang pamilya namin ni Donna. Hindi pa kasi nila matanggap lahit dalawang buwan na ang lumipas kaya hindi na namin pinilit pa.
BINABASA MO ANG
Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)
Fiksi UmumWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Joseph Alberic, a happy person? Nope. Always smiling? Just in front of Weirdos. Who's Joseph Alberic? We don't know. Walang nakakaalam kung ano ba talag...