Donna Belle
Kakababa ko lang ng bus ay kita ko na agad ang bahay namin na malapit lang sa gymnasium ng bahay.
Pinunasan ko ang luhang natuyo sa pisnge ko dahil malagkit na iyon, huminga ako ng malalim pero bigla nalang akong natigilan dahil narinig ko agad si mommy.
"Donna, come on! pumasok ka na sa bahay. Mag hahanda ka pa para mamaya" Tumango ako at walang gana na nag lakad papasok sa bahay. Bumungad agad sa akin ang ilan kong kamag-anak pero ni isa ay wala akong nilingon at pinansin.
Hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko, binuhos ko agad ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Umupo ako sa gilid ng kama ko at nag iiyak na naman.
Aminin ko man o hindi, namimisd ko na si Joseph. Kahit galit ako sa kanya ay namimiss ko na siya. Miss na miss ko na siya.
"Anak? Mag bihis ka na diyan. Mamaya ay nandito na sila Kapitan para sa pamamanhikan" Mas lalo akong naiyak at mas lalo kong binaon ang mukha ko sa kama.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana pumayag akong makipag tanan kay Joseph. Pero hindi, mali iyon dahil may asawa na siya at kabit lang ako. Hindi ko kayang makasira ng pamilya.
Nanghihina akong tumayo at kinuha na ang mga kailangan ko para mamaya. Kahit sobrang pagod ako at masyadong ukopado ang utak ko ay walang mangyayari kung tutunganga lang ako.
Kung itong pag papakasal sa anak ni Kapitan ang daan para makalimotan ko si Joseph ay gagawin ko. Kahit masakit.
---
Matapos kong mag bihis at ayosin ang sarili ko ay narinig kong nag ring phone ko, kinuha ko naman agad at tinignan ang caller.
Si Joseph. Hindi ko sinagot hanggang sa maka-bente siyang tawag ay hindi ko pa rin sinagot. Nakatitig lang ako sa phone at biglang nag pop out sa screen ang text ni Joseph.
From: Joseph
Hey beautiful, are that busy to ignore my calls? I need you beautiful. I'm stress and I miss you.
Kahit anong pigil ng luha ko ay hindi ko magawa, ito na naman ako. Umiiyak na naman.
Mabilis kong pinahid ang luha ko at nag type ng reply bago ako lumabas ng kwarto at humarap sa mga bisita.
"Oh Kapitan, ito na po si Donna Belle ngayon" Hinatak ako ni mommy at pinaharap kay Kapitan at sa anak niyang si Nico.
"Nag mana sayo Dores, maganda at bagay sila ng anak ko" Pinilit kong ngumiti kay Kapitan at sa ank niya. Nakita kong papalapit na si Daddy sa amin at inakbayan si mommy.
"Kapitan, tara umupo na tayo para makakain na. Galing pa naman sa byahe ang anak ko at bukas na agad ang kasal" Natawa sila ni Kapitan at nauna na sa hapag habang ako ay nakatulala lang na nakatayo at hindi pa rin umaalis.
"Donna Belle, hali ka na dito" Tumango lang ako kay mommy at sumunod na sa hapag.
"Wala ka namang poproblemahin sa anak ko Donna, dahil masipag si Nico at tatakbo siya sa susunod na eleksyon para sa SB" Tango lang ang naisagot ko at walang gana na kumuha ng pagkain at pinaglaroan iyon sa plato ko.
"Pasensya na Kapitan, galing lang kasi si Donna sa byahe at pagod siya kaya ganyan" Paniniguro ni mommy at hindi naman ako umangal dahil talagang pagod ako.
Pagod ako sa byahe, pagod ako sa buhay ko at pagod na ako kakaisip kay Joseph.
Hanggang sa matapos ang lahat ay wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko, pumasok ako sa kwarto at agad namang sumunod si mommy na sobrang galit.
BINABASA MO ANG
Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)
Fiksi UmumWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Joseph Alberic, a happy person? Nope. Always smiling? Just in front of Weirdos. Who's Joseph Alberic? We don't know. Walang nakakaalam kung ano ba talag...