Donna Belle
Bigla akong napahawak sa tiyan ko dahil bigla nalang sumakit, parang pinagsa-saksak ang tiyan ko at parang may mainit na likidong duma-daosdos sa hita ko pababa.
Humigpit ang hawak ko sa braso ni Joseph at tinignan ang paanan ko na nag pagulat sa akin.
"Joseph! Dinudugo ako!" Naging mabilis ang pangyayari, nalaman ko nalang na buhat buhat na ako ni Nyle at pinasok sa sasakyan.
"Pota! Please beautiful! huwag kang pipikit." Sobrang sakit ng tiyan ko, parang may hinuhugot sa ilalim ko at nakakaramdam ako ng sobrang init sa tiyan.
"Baby, please huwag mong iwan si daddy. Huwag mo kaming iwan ni mommy" Nanghihina ako ng hawakan ko ang buhok ni Joseph dahil nasa tiyan ko ang ulo niya,
"Fuck! Bilisan mo ang pag mamaneho! Pag nalaglag ang inaanak ko, babarilin kita!" Boses ni Nyle ang narinig ko at may humawak sa ulo ko,
"Malapit na tayo, kapit ka lang miss. Huwag niyo iwan ang kaibigan ko. Mababaliw yan" Iyn ang narinig ko bago ako mawalan ng malay.
Joseph
"Donna, Donna?. Donna!" Napa-angat ang tingin ko kay Fiennes dahil sa pag tawag niya kay Donna,
"Fuck, Joseph hindi magising si Donna" Nataranta ako at agad na hinawakan ang pisnge ni Donna. Namumutla na siya at hindi na magising.
"Nandito na tayo, tara na!" Mabilis kong binuhat si Donna at tumakbo kami papasok sa hospital, mabuti naman at may sumalubong sa aming stretcher at agad kong hiniga si Donna doon at tumulong kami sa pag tulak papasok sa ER,
"Sir dito nalang po kayo, bawal po sa loob" Aalma pa sana ako pero hinila na ako ni Isaac at Fiennes
"Tatawagan ko lang si Lelantos" Sabi ni Jin at tinulak ako paupo sa upoan ng waiting area.
Napasabunot ako sa buhok ko at hindi ko mapigilan na umiyak, pota ngayon lang ako natakot ng ganito, ngayon lang ako nabaliw ng ganito. Pota talaga. Pag may nangyaring masama sa mag ina ko, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Weirdos, papunta na daw sila Baxter at Victor dito. Nasa Surigao na sila ngayon" Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Lelantos,
Nag lakad siya papunta sakin at umupo sa tabi ko,
"Mahal ka Donna Belle, huwag kang mag alala. Matapang siya" Tumango ako at napahilamos ng mukha dahil nanghihina na ako.
Nakarinig kami ng yabag ngsapatos nabaling ang tingin namin doon, ang daddy ni Donna.
"How's my daughter? Is she okay?" Nag aalalang tanong niya sa amin,
"Nasa ER na po siya sir, relax and pray for your daughter and grand child's safety" Si Lelantos na ang sumagot sa daddy ni Donna at tumango naman ito,
Ang sunod na dumating ay sila Baxter at Victor, agad akong tumayo at sinalubong ng yakap ang pinaka-bestfriend ko sa lahat ng Tiger.
"Don't worry weirdo, kakayanin iyon ni Donna Belle at ng baby niyo. Just relax, I'm here" Sabi ni Victor habang magka-yakap kami at umiiyak ako sa balikat niya,
Tumango naman agad ako at humiwalay na sa yakap.
"Ang tagal naman yata nila sa loob" Bumaling kami sa pinto ng ER at wala pa rin'g lumalabas doon ni isang nurse o ang doctor.
"Yes hello?" Napatingin ako kay Fiennes,
"Ah! yeah, nandito kami sa Kitcharao. Hintayin ka nalang namin" Matapos niyang binaba ang tawag ay humarap siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)
Fiksi UmumWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Joseph Alberic, a happy person? Nope. Always smiling? Just in front of Weirdos. Who's Joseph Alberic? We don't know. Walang nakakaalam kung ano ba talag...