Joseph
Tamad akong naupo sa sofa ng office ni Victor habang siya naman ay may tinitignang mga papelis.
"May balita ka na kay Mary?" Tanong ko habang tinitignan ang wedding pictures na naka-save sa gallery ko.
Para na akong tanga nito. Nag hahanap ako sa Google ng mga pictures ng kinakasal tapos isave at mag papantasya na kami iyon ng asawa ko. Baliw na nga ako.
"Wala pa. Ikaw may alam ka na ba sa mysterious wife mo?" Nag scroll ulit ako ng picture, this time ay isang family picture naman.
"Wala, kahit anong pilit ko kay mommy hindi niya talaga sinasabi" Huminga ako ng malalim at tinago na ang phone ko tsaka ako tumayo.
"Bibisita ako sa Tiger's Bar ngayon. Wala sa sarili si Senna para mag manage ng Bar" Tumango si Victor at tinaas ang hawak niyang papelis.
"Hindi ako makakasama sayo weirdo, marami akong ginagawa. Maybe next time" Tumango ako at tinaas ang kamay ko para mag paalam na. Tumango rin si Victor kaya lumabas na ako ng office.
Donna Belle
"Donna, sabi ni Shindy sa tawag kanina ka pa raw dito! Tanghali ka pa nag simulang mag inom dahil sa punyetang Jiro na yan eh! Ano ba, umuwi na tayo!" Inalis ko ang pag kakahawak ni Liezel sa braso ko at nilagok ang vodka sa harap ko.
Kaninang tanghali ay red wine ang pinagdiskitahan ko hanggang kanina at ngayon naman ay vodka. Sobrang manhid na ng katawan ko at ang naririnig ko nalang ay ang sigaw ni Liezel sa akin at ang tugtug ng Bar.
"Punyeta naman Donna! Maiiwan muna kita dito! May pasyente akong manganganak!" Sinubsob ko ang mukha ko sa counter habang papikit pikit ako.
Lunod na lunod na ako sa alak. Walang hiya ka Jiro.
"Minahal naman kita ah! Kulang pa ba?! kulang ba?!" Wala na akong pakialam at nag sisigaw na talaga ako dito, inangat ko ang mukha ko at lumagok ulit ng vodka. Kulang pa 'to sa sakit na nararamdaman ko.
"Jiro! Mahal na mahal kita!" Napahagulgul ako at pina-palo ang dibdib ko dahil sa sakit, sobrang sakit. Si Jiro lang ang minahal ko ng ganito. Iyong iiyak ako.
"Bakit ka pa nag hahanap ng wala kung nandito naman ako?" Mapungay ang mata ko na binalingan ang nag salita sa tenga ko.
Sobrang lapit ng mukha naming dalawa, kahit namumungay ang mga mata ko ay nakikita ko ang ngiti niya sa akin.
"Joseph?" Ngumisi siya at bigla akong hinawakan sa bewang at inilapit sa kanya, sa sobrang kalasingan ko ay hindi na ako makapalag. Baka makita kami ni Jiro! Kung ano pa ang isipin niya!
"L-Lumayo ka" Sabi ko at tinutulak ang dibdib niya pero hanawi niya agad ang kamay ko,
"Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Ayaw nila pero gusto, gusto nila pero ayaw. Like now, you're trying to push me but I can't feel it. You're crying and get wasted because of your ex boyfriend but it seems like you're just having fun with yourself'" Hindi ako nakabawi. Parang nabawasan ng kaonti ang nainom ko dahil sa sinabi niya.
Bigla siyang tumawa at tinulongan akong makatayo habang ang mga braso niya ay naka-suporta sa bewang ko at nag kakatitigan pa rin kami.
"I can make you forget that Jiro in just one touch, all you have to do is beg" Nalula ako sa pag kakasabi niya, bumaba ang tingin ko sa perpekto niyang labi. Bigla akong naiyak habang nakatingin doon.
"Please, please Joseph. Help me to forget about him" Wala pang isang segundo ay naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko.
The moment our lips met, my heart can't stop beating so fast. Parang may butterflies sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Tiger 8: Joseph Alberic (COMPLETED)
Fiksi UmumWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Joseph Alberic, a happy person? Nope. Always smiling? Just in front of Weirdos. Who's Joseph Alberic? We don't know. Walang nakakaalam kung ano ba talag...