First day of school meaning new classmates, new teachers at new crushes but for me it is the beginning of torture. As for all you know, hindi naman ako yung tipo ng studyanteng masipag at matalino, average lang kumbaga pero nairaraos ko ang kada semester ng maayos at proud parin ang parents ko sakin.
Gusto ko lang din matapos ang natitirang taon ko sa kolehiyo. Para makapagbakasyon ako overseas kahit ilang linggo lang bago sumabak at harapin ang totoong hamon ng buhay. Also, I'm excited to work with my dad dahil alam ko na marami akong matutunan with him.
"Excuse me," Sabi ko sa mga taong nakaharang sa hallway. "Going through," At ng makalagpas ay nagmamadali akong tumingin sa board kung saan nakadisplay ang mga pangalan ng nanalo sa photography contest but to my dismay wala ang pangalan ko. "Not again..."
First year palang suki na ako ng photography contest dito sa school pero kahit isang beses hindi pa ako nananalo. Siguro nga hindi para sakin ang larangan na ito, dapat na ba akong sumuko?
"Talo ka nanaman," Usal ng taong katabi ko at kahit hindi ko sya tignan ay sa boses palang ay kilala ko na ito. "Kailan mo ba igigive up yang photography?
Tumingin ako sa kaibigan ko na si Maya with her boring expression habang umiinom ng milk tea. "Wow, you are really very supportive," Kunwari nasaktan ako. "I thought you are my friend,"
"I am," Sagot ni Maya na nakangisi. "That is why im telling you to stop wasting your time sa pagsali sa mga ganyan. Bakit hindi ka nalang mag model gaya ng ate mo?"
Napailing nalang ako. Only my close friends knows na may kapatid akong super model. I don't like bragging my private life kaya kung hindi pa sila magpunta sa bahay at makita ang napakalaking family painting namin ay hindi nila malalaman na kapatid ko si Averi Gonzales.
"I'm not made para magmodel," Huminga ako ng malalim. "Pero siguro nga dapat na akong magive up sa photography,"Malungkot ko na sabi. I'm more on architectural photography and i don't know why im really fascinated sa mga nagtataasan na gusali. Minsan naglilibot ako sa Metro Manila na mag isa para kumuha ng mga pictures. "Dapat na ata akong magfocus sa pagtatake over ko sa position ni Papa,"
"Lucky you dahil may nag aabang na trabaho at opportunity na sayo after college Aubree," Bulong ni Maya.
Hindi ko mapigilang mapatingin kay Maya. She is a full scholar here in our school kaya hindi nakakapagtaka na kabilang sya sa top 5 dean's lister, sya rin ang Vice President ng Student Council, at kung ikulumpara ako sa kanya siguradong sa kangkungan ako pupulutin.
"You are smart Maya," Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami dito sa magulo at maingay na hallway papunta sa classroom namin. "At sabi ko naman sayo welcome na welcome ka sa company ni Papa,"
"I will consider that," Isang matipid na ngiti ang binigay nya sakin. "Ayaw ko lang talaga maging tagapag mana ng mga manok, baboy, baka at bukid sa probinsya namin." That is one thing i can't understand kay Maya. Ayaw na ayaw nya sa probinsya nila, kung ako nga papipillin mas gusto ko pang tumira don. "Oo nga pala, nakahanap ako ng sideline,"
"Wow, congrats!" Sobrang saya ko na bati.
"That way hindi na ako hihingi ng allowance kina Mama at Papa," Paliwanang ni Maya.
Bigla akong napaisip. Why not find a job too? Tutal naman maluwag na ang schedule ko at makakadagdag ito sa experience at credentials ko.
"Hiring pa ba?" Curious ko na tanong.
Natapatingin si Maya sakin. "Are you serious?"
Tumango ako bago sumagot. "Oo, mukha ba akong nagbibiro? Gusto ko makaexperience magtrabaho saka para matuwa sina Mama at Papa,"
BINABASA MO ANG
My Ex and Whys (Lesbian)
Romance[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #53 IN ROMANCE 06-23-18 Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang...