"Sinabi na ngang ayaw ko." Pagpoprotesta ni Cassandra habang nagtutulakan kaming dalawa kung papasok ba o hindi sa loob ng horror house. "Kung gusto mo ikaw nalang mag-isa pumasok."Napaikot mata ko. "Akala ko date to?" Kwestiyon ko sa Ice Queen na biglang napatingin sa mukha ko. Lately, napapansin ko na lagi nya akong pinagmamasdan, nakakaconscious lang talaga. 'Tapos ako lang ang papasok sa loob?"
"Pwede naman kasing sa iba nalang." Katwiran ni Cassandra.
"Bakit takot ka ba?"
Tumaas ang kilay ni Cassandra and I admit, it makes her more beautiful. "Ako takot?" Medyo natatawa pa nyang tanong sakin. Lumapit sakin si Cassandra na halos magkapalit na ang mukha naming dalawa."Baka nakakalimutan mo Aubree kung sino ang kaharap mo."
Kung dati ay sobrang naiintimidate ako kay Cassandra pero ngayon wala na akong maramdaman na pagkailang kundi comfort nalang. Siguro dahil matagal tagal ko narin syang kilala. Sanay narin ako sa pagiging foxy nya minsan, bagay din naman sa kanya lalo sa taglay nyang kagandahan.
"Of course." Isang nakakalokong ngiti ang namutawi sa labi ko. "You are the Ice Queen and you supposed not to be scared of everything lalo na kung sa mga ganitong bagay lang right?" May paghahamon sa boses ko. "This is only a show."
Hindi agad nakapagsalita si Cassy pero titig na titig lang sya sa mukha ko. "Fine." Napipilitan nitong pagpayag. "Whatever."
Ngumiti ako at hinatak ang kamay nya para makapasok na kami sa loob ng horror house. Sinalubong kami ng dilim at tanging liwanag ay ang pulang ilaw na magiging guidance namin sa buong lugar. Hindi pa man kami nakakalayo sa main entrance ng biglang may sumulpot na white lady sa likuran namin.
"Ang baduy." Bulong ni Cassandra.
"Shh." Pag-awat ko sa kanya. "Focus."
"Whatever."
Hindi ko na pinansin ang pagiging killjoy nya. We continue walking, kahit na alam kong fake lahat ng nandito, at hindi totoo ay hindi ko parin maiwasang kabahan o magulat lalo pa kung may biglang bubulong sa tenga mo na kapre. But Cassandra is just really cool and very calm. Mukhang ang mga aswang, mananggal, white lady at tsanak pa ang matatakot sa kanya sa tingin nya palang.
"Ganyan ka ba talaga." Mahinang sabi ko kay Cassy with admiration habang naglalakad kami malapit sa kabaong na nakabukas.
Cassandra gave me a quick glance. "A what?"
Tumayo ang bampira at dahan dahang itong bumaba sa kabaong pero focus lang kami ni Cassandra sa paguusap.
"Sobrang cool mo." I said without really realizing it.
Napahinto si Cassandra kaya huminto rin ako. "You really think I'm cool?" May mapaglarong ngiti sa labi nya na nagpangatog sa tuhod ko. "How about me being beautiful?"
Sino nga ba ang makakapagtanggi ng kagandahan ni Cassandra? Isa na ata sya sa pinakamagandang babae na nakita ko sa balat ng lupa. Yung ganda na hindi mo pagsasawaan magpa-araw man o gabi.
"Oo na." Kunwari ay napipilitan kong sang ayon. Umiwas ako ng tingin when I felt myself blushed.
"Were you blushing Aubree?" Cassandra teased na may kasama pang pagtulak ng bahagya sa balikat ko.
Syempre bakit naman ako aamin kahit na kitang kita na ang ebidensya. Ayaw ko lang masyado magmukhang ewan sa paningin ng Ice Queen. "Hindi." Tumalikod ako at naunang naglakad palayo kay Cassandra. "Come on!" Pero nang lingunin ko sya ay wala na ang kasama ko. Tumingin ako sa paligid, wala akong makitang pwede nyang pagtaguan. "Cassandra!" Walang sumasagot. Ano ba ang trip nya at nagawa nya pang maghide and seek. Bumalik ako kung nasaan ko iniwanan si Cassandra. "Hay ano ba yan!"
BINABASA MO ANG
My Ex and Whys (Lesbian)
Romance[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #53 IN ROMANCE 06-23-18 Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang...