One hour. One hour na akong naghihintay dito sa school pero hanggang ngayon wala parin kahit anino ni Cassandra. Ngayong araw kasi ang usapan namin umpisahan ang special project kay Sir. Soltones. May ideya narin ako kung saan kami pupunta para makapag video documentary. Anyway, mukhang sasakit ang tiyan ko nito dahil nakakailang baso na ako ng milk tea para lang hindi mainip. Kabisado ko na nga yung commercial na pinalalabas sa tv sa tagal ng paghihintay sa babae na yon.Isang buntong hininga pa at walang ingay akong tumayo bitbit ang bag ko. Naghintay lang ako sa wala. Umalis ako ng cafeteria at naglakad sa hallway na napakaraming tao dahil break time na. Nasayang lang ang oras ko, nasa bahay sana ako ngayon at nakahilata sa kama habang nanunuod ng Netflix.
Sumakay ako ng kotse at nagmamadaling umalis ng school. I still tried sending and calling Cassandra pero wala talaga. I just hope na okay lang sya kung saan o ano man ang ginagawa nya ngayon. At dahil rush hour na ay inabutan na ako ng traffic sa bandang R. Papa.
Napakurap ang mata ko ng mga ilang beses dahil baka gawa lang ng imagination ko pero nakikita ko talaga si Cassandra na naglalakad papunta sa Manila Chinese Cemetery.
At dahil sa curiosity ay nagmaniobra ako at nagpark malapit sa sasakyan ni Cassandra. Sinundan ko sya but i made sure na hindi nya ako mahahalata. Hindi ko mapigilang mapanganga ng makita ko ang mga nagtatayugang museleyo. I took this an opportunity para kumuha narin ng mga picture habang naglalakad.
I saw Cassandra na pumasok sa isang musuleyo. Nagtago ako sa gilid ng pintuan at tahimik syang pinanuod. Kumuha sya ng insenso at sinindihan. Sino kaya ang dinadalaw nya dito? Ginamit ko ang camera para makita kung ano ang pangalan ng nakasulat sa lapida na dinadasalan ni Cassandra.
Zoom pa ng zoom hanggang malinaw kong nakita ang pangalan. "Vic-toria.."
"Hanggang kailan mo ko susundan?" Biglang tanong ni Cassandra. Tumingin pa ako sa paligid baka kasi hindi naman ako yung kinakausap nya. Pagbalik ng mata ko sa loob ng museleyo ay parang nalaglag ang aking puso ng makita si Cassandra na nakaharap na sakin with her arm crossed. "Why are you following me?"
Wala na akong nagawa kundi tuluyang lumabas mula sa pinagtataguan ko. "Mmm. I'm not following you." Pero sa mukha ni Cassandra ay hindi sya naniniwala. Kahit naman sino diba? "Well, i was waiting for you for like an hour pero hindi ka dumating, i even texted you pero—"
"Is that all?" Taas kilay na usisa nito.
"Who's Victoria?" Bigla ko na tanong. Minsan talaga yung bibig ko hindi makontrol. Instead of answering me, tumalikod si Cassandra at tumahimik saglit na parang kinakausap nya yung Victoria. Mamaya pa ay naglakad na sya palabas at bumuntot naman ako. "May project pa tayo Cassandra. May alam na akong pwedeng gawing subject natin!"
Huminto sa paglalakad si Cassandra at nakasalubong ang kilay na tumingin sakin. "Can you please shut up!?" Halos pasigaw nyang sabi. "I want to be alone!" Napakahirap intindihin ni Cassandra, sala sya sa init at sala sa lamig. Sino ba kasi yung Victoria na yon at nagkakagandyan sya. "Go away!"
Naglakad si Cassandra palayo pero gaya nga ng sabi ni Ate Alex. Hindi ko sya dapat sukuan. Kaya eto, sumunod parin ako sa kanya. Bahala na. Lumabas kami ng sementeryo pero hindi agad umalis. Dumaretso kami sa isang game world. Nagkandabangga banga ako sa dami ng tao but my eyes still focus to Cassandra.
Nagpapalit sya ng pera for tokens para makapaglaro. Samantalang bumili ako ng pagkain bigla kasi akong nagutom sa pagsunod kay Cassandra. Busy parin sya sa paglalaro ng computer games at ng matalo ay lumipat naman sya sa claw machine.
"Bakit ba nandito ka?" Walang tingin na tanong sakin ni Cassandra sabay hulog ng token. "Umalis ka na."
Nilunok ko muna ang pagkain na nasa loob ng aking bibig bago sumagot. "Hobby mo yan ano?"
BINABASA MO ANG
My Ex and Whys (Lesbian)
Romance[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #53 IN ROMANCE 06-23-18 Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang...