Kissing Cassandra is such a wonderful moments for me. It feels really special na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko. I didn't expect that the Ice Queen will be able to give me this kind of heart rate na para bang magkakaheart attack ako, yung hindi lang butterflies ang meron sa tiyan ko kundi buong Manila Zoo. Sobrang hirap iexplain ng feeling ko ngayon, it can't be measure or describe by any word in dictionary.Her lips taste like strawberry, so sweet and addicting. Kaya naman we didn't stop kissing each other right away not until we felt the rain started falling. Hawak kamay kaming tumakbo ni Cassandra, kung sa ibang tao siguro iisipin nila panira ang ulan na ito but for us this add the romantic atmosphere between us.
Nagmamadali kaming pumasok sa loob ng sasakyan na basang basa ng ulan. Tumutulo ang tubig mula sa mga buhok namin pero sige lang kami sa pagtawa na parang mga baliw. Ganito nga siguro kapag sobrang naeenjoy mo yung company ng isang tao, wala ka ng pakialam sa paligid mo. Syempre in a good way.
"Basang basa ka." Anang ko kay Cassandra na kahit pa siguro malublob sya sa tubig ulan o baha ay sya parin ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.
Ngumiti si Cassandra habang pinapahid ang kanyang katawan. "I'm sorry Aubree." Paumanhin ng Ice Queen. "I forgot to check the weather today."
Kahit kailan talaga napakapormal ni Cassandra. Gusto nya lahat perpekto, kumbaga lahat ng bagay may formula.
"That's okay Cassy." Dumukwang ako sa backseat at kinuha ang backpack na may lamang extra ko na damit. Ate Averi always make sure na I have spare clothes in case of emergency. Inilabas ko ang isang t-shirt at inabot kay Cassy. "Wear this."
Kumunot ang noo ni Cassy habang pinagmamasdan ang damit bago sa mukha ko. "How about you? Basang basa ka rin. Baka magkasakit ka."
I smiled at her. Minsan talaga may pagkacaring sya hindi lang halata. "Don't worry Cassy, bihira ako magkasakit."
"I'm serious Aubree."
"I am too." Mariin ko na sabi. "Ikaw nga itong sakitin, isaw lang di ka umobra."
Umikot ang mata ni Cassy. "Akin na nga." Kinuha nya ang t-shirt sa kamay ko bago tumingin sakin. "Talikod." At first hindi ko maintindihan kung bakit nya ako pinatatalikod but then a realization hit me hard. "Or do you want to watch me—"
"Shut up." Kunwari syempre naiinis ako before I turned around and face the window.
Kanina lang, you are sucking my lips tapos ngayon naiinis ka na. Narinig ko na bulong ni Cassandra na nagpamula sa mukha ko. But just to save my dignity ay hindi na ako nagreact baka kasi humaba lang ang usapan.
Napaisip rin ako habang pinanunuod ang ulan na tumatama sa salamin ng kotse. Ano kaya ang sasabihin nina Ava at Maya na nagkiss kami ni Cassandra? I'm sure naman maiintindihan nila ako pero syempre may tanong parin na bakit si Cassandra. For all girls out there, why her. I also tried finding answer, there is nothing special to her aside from being the Ice Queen.
"Okay, I'm done." Salita ni Cassandra na pumukaw sa atensyon ko. "Pwede ka ng tumingin." As if on cue, sinulyapan ko naman sya. Saktong sakto ang t-shirt ko kay Cassandra parang sinukat. Magkasingkatawan lang din kasi kami kaya hindi na ako nagugulat. "Bagay ba?"
Napangiti ako. "Oo, bagay sayo si Spongebob."
Cassy playfully rolled her eyes at me. "Yes Patrick."
Lalo lang lumaki ang pagkakangiti ko. Nagdrive na ako pauwi since wala narin naman kaming pupuntahan ni Cassy at lumalalim narin ang gabi. We are quiet the whole ride but it's not awkward or so. Until I felt Cassy took my hand and laced our fingers together. Napatingin ako sa kanya but didn't say anything. I just smile and she did too.
BINABASA MO ANG
My Ex and Whys (Lesbian)
Romance[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #53 IN ROMANCE 06-23-18 Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang...