Chapter 12

23.9K 985 231
                                    

Sobrang saya ng panaginip ko kasi  nagkaroon daw ako ng pakpak gaya ng sa mga anghel. Wala akong ginawa kundi lumipad ng lumipad hanggang sa mapagod. The feeling was so relaxing habang nakahiga ako sa napakalambot na ulap at pinagmamaadan ang mga bituin sa kalangitan. If i can only stay like this forever, enjoying to peaceful and silence of the surrounding pero hindi pwede dahil parang may pilit humihila sakin pabalik sa totoong mundo.

Kaya dahan dahan kung binuksan ang mga mata ko but closed them immediately because of the sunlight streaming through the curtains. I tried to move but there was something heavy on my waist. Kaya dumilat ulit ako sa pangalawang pagkakataon. This time kumurap kurap ako para mawala ang panlalabo ng aking paningin.

After few minutes, napatingin ako sa bandang baba and my body felt cold when i saw an arm wrap around my waist at ang mukha ng taong kasama ko sa kama ay nakasubsob sa pagitan ng aking dibdib.

"Ahh!!" Kaya napasigaw ako sa matinding takot at sobrang bilis din ng pangyayari because the next thing i know nakahilata na ako sa sahig. "Aw.." Daing ko habang hinahagod ang masakit kong bewang dahil sa pagbagsak mula sa kama. "Aray ko..."

"Bree?" Isang pupungas pungas na Cassandra ang nakatingin sakin dito sa sahig. "Are you okay?"

"Ca-Cassandra?"

At parang pelikula nagrewind sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi. From Cassandra's arrival, to the market, yung kumain kami ng iskrambol at cotton candy. Hanggang sa dumating si Ate Averi at hindi na pinayagang magbyahe pa si Cassandra dahil sa lakas ng ulan. Until now hindi parin ako makapaniwala na ang isang katulad ni Cassandra na may malakas na personalidad ay takot sa kulog at kidlat.

Dahan dahan akong tumayo kahit na masakit parin ang aking bewang at naupo sa ibabaw ng kama. "I'm fine, nagulat lang ako."

Naiiling na inayos ni Cassandra ang kanyang morning hair which make her look even so beautiful. Partida pa yan wala syang make up. "You are just really clumsy."

Umikot ang mata ko. "Well, good morning to you too." I grabbed my phone to check the time. "Oh it's already 10 in the morning." Mabuti nalang after lunch pa ang pasok namin. "Come on let's brush our teeth para makakain na tayo ng breakfast."

Binigay ko kay Cassandra ang isang brand new toothbrush at sabay na kaming pumunta sa bathroom. Yes it's weird na ginagawa namin ito ng magkasama, samantalang dati ayaw na ayaw ko syang lapitan dahil naiilang ako sa kanya. But look what is happening right now? Para kaming besties. BFF kumbaga.

"Bakit lagi mo akong tinititigan.."

I quickly looked away and summoned every ounce of my dignity to stay composed. "Bakit masama ba? May batas na ba ngayon na nagbabawal tumingin sa ibang tao?"

There is no sense of denying narin dahil huling huli nya ako. Beside hindi ko rin naman masagot kung bakit ko sya laging tinitignan.

Cassandra gently pressed the towel against her face then took a deep breath. "You know it's rude to stare.."

Tumalikod ako at binuksan ang pinto ng bathroom. "Curious lang ako..." Huminto ako sa paglalakad pero hindi lumingon kay Cassandra. "Sa totoo lang, hindi ko alam what's fascinating about you."

"Wha-what do you mean?" Nangatal na tanong ni Cassandra with her blushed face.

Teka pano ba ieexplain? May scientific explanation din ba sa ganitong sitwasyon? Kaya ba itong ipaliwanag feng shui?

"Wala.." Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim to release stress in me too. "Sabi ko maganda ka, kaya lang bingi ka."

Hindi nakakibo si Cassandra bago ako lumabas ng bathroom. She took awhile to get out hindi ko alam kung ano ba ang ginawa nya sa loob para matagalan but still, i waited for her. When she is finally out, walang kibuan kaming bumaba.

My Ex and Whys (Lesbian) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon