Chapter 30

22.3K 987 408
                                    


Minsan dumadating yung pagkakataon na parang nawawalan tayo nang gana gumising at harapin yung buhay. Yung tipong gusto mo nalang magkulong sa kwarto at magmukmok buong araw. Pati pagkain ay kinatatamaran ko narin, ang pag-iyak nalang ginagawa kong agahan, tanghalian at hapunan.

Sobrang sakit kasi nang dibdib ko, more like yung puso ko. Imbis kasi na maging masaya ang 18th birthday ko ay naging bangungungot ang lahat. I don't understand why is this happening to me. May nagawa ba akong mali kaya pinaparusahan ako ng diyos nang ganito. Ano ba yung mali na yun para maitama ko?

But the pain intensified because of Cassandra. Napahawak ako sa dibdib ko and silently cried even more. She loves me and i love her so much but things happened. I tried calling her since last night but her phone is always out of reach and service. Siguro ayaw nya talaga akong makausap, hindi ko naman sya masisisi dahil alam kong nabigla at nasaktan sya sa nangyari.

"Aubree.." Narinig ko na tawag sakin ni Mama mula sa labas ng kwarto ko bago bumukas ang pintuan. Pumasok si Mama sa loob. "Hey." She whispered with a half smile. Naupo sya sa kama ko. "I cooked your favorite food Aubree."

From the ceiling, my eyes drifted to my mother. She looks so concern. "I'm not hungry."

Bumuntong hininga si Mama. "Kahit konti lang Aubree." Pero kahit daliri ay hindi ko maigalaw. Nanatili lang akong nakahiga at ibinalik ang aking atensyon sa kawalan. "Come on please, kahapon ka pa hindi kumakain."

Now i felt bad na pati ang pamilya ko ay apektado sa nangyari. Kaya pinilit kong tumayo at kahit hindi ako gutom pero pipilitin kong kumain para hindi na sya mag-alala. "Okay mom.."

Pero ngumiti lang si Mama habang pinagmamasdan ako. I know she wanted to say something since ayaw ko makipag-usap kahit kanino simula kagabi after kong ipagtapat ang lahat kay Ate Averi about everything. She hold my hand and massages my palm na madalas nyang ginagawa sakin. "I know how difficult it is Aubree." My tears swelled instantly but i didn't say anything. "Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman mo ngayon." I bit my lower lip hard to prevent myself from crying. "But i promise you, we will do anything and everything para maitama ang mali."

"T-thank you." Naiiyak ko na sabi. "Sobrang sakit lang Ma'." I started to let my heart speak. "Hindi ko alam kung saan ba ako nagkamali at bakit kailangang mangyari sakin ang lahat ng ito. Naging masama po ba akong anak sa inyo ni Papa? O naging masamang kapatid?"

"No Aubree." Umiiling na sambit ni Mama na hindi narin napigilang umiyak dahil sa sitwasyon ko. "Don't think and say that, wala kang ginawang masama." Mom pulled me into a hug. "It's not your fault okay."

"Then why this is happening to me mom?" Naghihinakit na tanong ko kay Mama. "Why me?"

"I honestly don't know Aubree." Mom said while soothingly rubbing my back. "Things happened for a reason, only God knows what will be the purpose of it in the future pero kahit ano pa mang mangyari Aubree." Hinalikan nya ang noo ko. "Nandito kami para ibigay ang lahat ng suporta sayo."

I just cried.

Nag-uumapaw ang tanong sa isip ko pero bakit kahit isa, walang makasagot.

"Mahal ka namin kahit anong mangyari." Bulong ni Mama sakin. "Humugot ka samin ng lakas Aubree. Nandito ako, ang papa mo at ang ate Averi mo."

"T-thank you." Ang tangi kong nasabi. After few minutes ay kumalma narin ako. I gathered myself and breath. Iba parin talaga kapag may kadamay ka sa lahat.

"Oh sige na." Tumayo si Mama. "Hihintayin ka namin sa baba."

I forced myself to smile. "Opo."

Nang makaalis si Mama ay tumayo narin ako and face myself in the mirror. Gosh, I look so pale and dead. Pakiramdam ko hangin nalang ang bumubuhay sakin dahil sa kalungkutan. I took a deep breath before leaving my room. Nilabas ko ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Cassandra. Gusto ko na magkita kami at mag-usap. I want to explain everything to her pero gaya kagabi ay hindi ko parin sya makontak.

My Ex and Whys (Lesbian) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon