Lakad dito, lakad doon at hindi malaman ang gagawin habang iniisip ko kung ano sa mga damit na nakakalat sa ibabaw ng kama ko ang dapat suotin para sa date namin ni Cassandra. Gosh, is this really happening? The thought of dating the Ice Queen gives me chills.Makikipagdate ba talaga ako sa kanya o nananaginip lang? Until now kasi hindi parin ako makapaniwala. This will be my first ever date with a girl. Kahit kailan hindi ko inexpect na darating ako sa ganitong sitwasyon. Wala naman din naman kasi akong choice, or should I say wala akong chance to say no dahil si Cassandra na mismo ang nagdemand. Yung parang napakalaking kasalanan sa mundo kapag tumanggi ako.
Ano ba kasi ang nakain nya? Nagdedeliryo ba sya? O nagjojoke, nagtitrip lang? Hay nako. Napakahirap unawin at intindihin ni Cassandra. Baka mabaliw lang ako kapag inisip ko pa.
Napatingin ako sa orasan, it's already 6:20 but until now wala parin akong napipili. Magaganda naman ang lahat ng dresses ko, lahat sila bagay sakin pero bakit parang ang hirap mamili ng susuotin. Actually, marami na akong nakadate pero kahit kailan wala naman akong pinagdaanan na ganitong problema until now.
Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko bago ito bumukas. "Hey little sister." I heard her footsteps. "Kakain na."
Pero nanatili parin akong nakatalikod. "I will eat out."
"With whom?" Paguusisa ni Ate Averi. Tumayo sya sa tabi ko at pareho naming pinagmasdan ang mga damit. "Oh, you are going on a date?"
Napakagat labi ako. "Date?" Syempre kunwari patay malisya ako.
"Hindi ka naman siguro maglalabas ng sangkaterbang damit kung hindi ka makikipagdate Bree."
Wala talaga akong malihim kay Ate Averi.
"Fine, I am going on a date tonight."
Dinampimot ni Ate Averi ang baby blue dress na may maliliit na flowers na nakaprint. "This.." At idinikit nya sa dibdib ko ang damit. "Always remember Aubree, sa pagpili ng damit ay mahalaga ang kulay." Ngumiti si Ate. "And because you have an alabaster skin, baby blue color is perfect for you."
Iba talaga ang taste ni Ate Averi pagdating sa fashion. Akalain mong nasolve nya ang problema ko within 5 minutes samantalang ako dalawang oras ng pili ng pili.
"Thank you ate." Pasasalamat ko sabay yakap sa kanya.
"Welcome." Nakangiti nitong sagot. "Who is the lucky guy?"
Bigla akong napalayo kay ate Averi. Teka paano ko ba sasabihin at ipapaliwanag sa kanya na hindi guy, kundi girl. Alam ko naman na she won't judge me, dahil kung may unang tao na susuporta sakin ay si Ate Averi na yon.
"N-not.." Napalunok ako at tumingin sa malayo. "Not a guy."
I watched how her smile disappeared. "What?"
Napakamot ako sa kilay. "I'm not dating a guy ate." Hindi sya kumukurap. "But a girl "
Her forehead deepened. "Sino sya?"
"It's Cassandra." Nahihiya at nagbublush ko na sagot. Gosh, para akong high school student.
Hindi agad nakapagsalita si Ate Averi. She is just looking at me na parang matagal kaming hindi nagkita. Natakot tuloy ako. Paano kung taliwas pala ang iniisip nya sa iniisip ko? Edi patay na.
Pero muntik na akong mapatalon sa pagkagulat ng tumawa ng malakas si Ate habang umiiling iling ang ulo. "Oh my gosh."
My eyebrows knitted together. "What's funny?" May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nagjoke ba ako?
Hinawi ni ate ang kanyang buhok na humarang sa mukha nya. "It's about damn time Aubree." I was about to ask something but she continue talking. "That Cassandra chick is clearly head over heels with you."
BINABASA MO ANG
My Ex and Whys (Lesbian)
Romance[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #53 IN ROMANCE 06-23-18 Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang...