Maaga akong nagising dahil kinulit ako ni ate Averi mag jogging and since mamaya pang 10 ang pasok ko sa school ay sumama narin ako. As if i have a choice. I'm pretty sure kung hindi ako tatayo ay papatayin nya ako sa kakakiliti."Wooo!" Sigaw ni ate ng matapos kami ng ilang rounds na pagtakbo dito sa park malapit sa village namin. Tagaktak narin ang pawis namin habang naglalakad papunta sa bench. "Pahinga muna tayo little sister,"
Napaikot ang mata ko. "Don't call me that ate, hindi na ako little okay?"
Hindi naman ako totally naiinis kapag tinatawag nya akong little sister, little bunny o kahit ano pang little yan. Ang iniiwasan ko lang ang may makarinig sa sinasabi nya. Nakakahiya yun diba?
"Okay sige di ka na little, medium na lang." Pang iinis na sabi ni ate Averi bago kami naupo sa bench. Mabuti nalang at nasa ilalim kami ng puno, hindi ganon kainit. "Pero wala ka ng magagawa dahil kahit tumanda pa tayo ay ikaw parin ang nag iisa at bukod tangi kong little sister."
Hindi na ako nag aksaya ng kahit konting enerhiya makipagtalo pa sa kanya kaya kinuha ko nalang ang dala kong water bottled na binili namin kanina at inabot ang isa kay ate. Uminom kami para mapatid ang uhaw at pagod naming pareho.
"Whatever ate," Humihingal ko na sabi pagkatapos kong maubos ang laman ng bote. "Tutal wala naman akong panalo sayo,"
Inakbayan ako ni ate. "Very good," Ramdam ko ang kanyang mata sa aking mukha. "Teka bakit parang malalim ang mga mata mo?"
Bigla akong napatingin sa aking sapatos."Hindi naman," But the truth is, masyado akong napuyat kagabi kakavideocall kina Ava at Maya. Mga babae na yon madaling araw na ayaw paring magsitulog. "Napagod at puyat lang,"
I felt her eyes are burning holes on my face. "Are you sure?" Tumango lang ako pero sa boses palang ni Ate ay halatang hindi na sya naniniwala sakin. "You know im very protective on you Aubree. I will punch those bastard who will hurt you."
Natawa ako. "Ate..."
"I'm not joking Aubree," Matigas ang boses nya. "Pero in love na ba ang kapatid ko?"
This time napatingin akong maigi sa mukha ni ate Averi na para ang tagal ko syang hindi nakita. "W-what?"
Inayos ni ate Averi ang buhok ko at ngumiti sakin. "May nagugustuhan ka na ano?"
Namula ng husto ang mukha ko sa sinabi ni ate. Kanina lang may papunch punch pa syang nalalaman tapos ngayon tatanungin nya if in love na ba ako. Minsan mahirap rin intindihin ang utak ni ate. Parang weather, pabago bago.
"Yan ka nanaman sa may nagugustuhan ate," Napailing nalang ako. "Focus lang ako sa pag aaral hanggat maari,"
"Oh Aubree, ilang daang beses ko na ba narinig yang focus ka sa pag aaral tapos makikita nalang kita na umiiyak dahil nakipag break ka sa mga ex bf mo!" Pang iinis ni Ate Averi.
"Ate...." Paghinga ko ng malalim. Gosh, bakit ba masyadong pakialamera tong ate ko. "Can we please not talk about them? They are not worth any of my brain cells."
Just to clear things out, im not crying because i was hurt but mad to myself dahil hindi ko alam kung bakit walang nagtatagal na relationship sakin, hindi ko masabi kung ano ang mali o kung may kulang ba sakin.
"Ice cream!!" Parang bata na sigaw ni ate at nagmamadali syang tumayo para pumunta sa vendor ng dirty ice cream. "Anong flavor?"
Para sa isang nagdidiet at maintain ng katawan lalo pa model sya, si ate na siguro ang pinakamatakaw na nakilala ko aside from Ava. Minsan hindi ko na alam kung saan nya nilalagay ang mga kinakain nya.
BINABASA MO ANG
My Ex and Whys (Lesbian)
Romance[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #53 IN ROMANCE 06-23-18 Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang...