Since tapos na ang trabaho ko for today at wala naman akong ibang gagawin o pupuntahan. I decided na magrelax at unwind sa hindi kalayuang bar from my studio. Gusto ko lang uminom, maglasing para makalimrot sa mga nangyari ngayon araw. Actually hindi ko na mabilang kung nakailang baso na ako ng alak at kung ilang upos ng sigarilyo ang naidikdik ko sa ashtray because I was enjoying the night, feel the music from a live band and drown myself in alcohol.
Iniiwasan ko ding sumagot ng mga tawag from my clients, endorser, Arum especially my mother dahil siguradong pipilitin nya akong umuwi ng maaga. She becomes more protective of me dahil sa mga pinagdaan ko these past few years at kung hindi dahil kay Mama ay baka matagal na ako sumuko sa laban ng buhay.
Ngunit minsan ay gusto ko din mapag-isa para makapag-isip ng maayos, para tahimik kong maiiyak ang sakit at tahimik ko din buuin ang sarili ko...
"Ingat po." Nakangiting paalala sakin ng gwardya ng bar nang makita nya akong papalabas.
Pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagewang gewang na paglalakad. Ramdam ko na marami talaga akong nainom kaya nangangatog ang tuhod ko at tila kahit anong oras ay matutumba ako-Bigla akong nawalan ng balanse at halos madapa. Mabuti nalang may tao naglalakad sa harapan ko kaya sakanya ako natumba.
I don't know what the hell happened next...
"Aray.." Narining ko na may dumaing. "Pambihirang buhay to oh-kikita ka nga ng malaki laki ngayong gabi pero mababalian naman ako ng buto."
At dahil umiikot parin ang mundo ko sa kalasingan ay hindi ko masyadong maaninagan ang mukha ng taong nakalumpasay sa tabi ko.
"Sor-" Ewan ko ba kung bakit bigla akong natawa or maybe napapraning na ako para isiping katatawanan ang kamalasan ng isang tao. "I-I'm so bad, I'm really sorry."
Dahan dahang tumayo ang taong nabangga ko habang pinapagpag ang suot nyang damit. "Ano nakakatawa aber?"
My eyes started focusing to the woman in front of me and vividly see her beauty through the dark. Nagsikip ang dibdib at bumigat ang balikat ko habang pinagmamasdan ko sya. "Cas..." Pero napahinto ako sa pagsasalita ng may dumaan na sasakyan at lumiwanag ang kapaligiran. Napaiwas ako ng tingin when i realized it wasn't her, just..an imagination.
"Hey you." Anang ng babae sakin. Tumingin ako ulit sa kanya na kasalukuyan nakalahad ang kamay para sakin. "Ano pang hinihintay mo Miss? Tumayo ka na."
Walang pagdadalawang isip na inabot ko ang kamay nya para tulungan akong tumayo. "Thanks." Pasasalamat ko habang inaayos ang aking sarili. Nakakahiya kapag may nakaalam ng ginawa ko ngayon gabi. "Pasensya na.." Huminga ako ng malalim bago pakatitigan ang babae. "Nasaktan ka ba?"
"Hindi." Kibit balikat na sagot ng babae. "Okay lang ako.." Pinagmasdan nya ako mula ulo hanggang paa. "Sa susunod kasi kapag hindi kaya wag iinom."
"I'm glad that you are okay." I told her instead completely ignoring her rants. Kahit paano ay nakahinga din ako ng maayos dahil hindi nabagok ang ulo nya dahil kung nagkataon ay nakapatay pa ako nang dahil sa kalasingan. "Anyway.." Binuksan ko ang bag ko. "Just in case you need anything-"
"Don't." Pinigil nya agad ako sa pagsasalita dahil mukhang alam nya ang kadugtong ng susunod kong sasabihin. "You don't have to. Buhay pa naman ako, humihinga."
"Mm are you sure?" Pag-aalinlangan ko na tanong.
"Oo." Maikli at matigas na sagot ng babae sakin na may kasama pang magtango.
Well mukhang hindi na mababago ang isip nya kaya sumuko na ako. "Okay sige." Huminga ako ng malalim. "Mauna na ako-" At naglakad na ako papunta sa sasakyan ko. Inilabas ko ang susi mula sa bag pero kahit anong gawin ko ay hindi maipasok pasok ang susi sa lock ng sasakyan. "Bakit ayaw.."
BINABASA MO ANG
My Ex and Whys (Lesbian)
Romance[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #53 IN ROMANCE 06-23-18 Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang...