Walking in the school hallway is normal for me. Sa four years ko ba naman dito sa La Salle. Kahit ata nakapikit ako ay magagawa kong makarating sa aking pupuntahan. Kabisado ko ang bawat pasilyo, pagliko, ilang hakbang meron sa hagdanan at ilang ilang segundo, minuto ang takbo ng escalator at elevator.But then i felt something is off today, hindi ko lang mapinpoint kung ano pero ang weird. Kanina ko parin napapansin na pinagtitinginan at pinagbubulungan ko ng mga kapwa ko estudyante.
Teka may nagawa ba ako? Nakapatay ba ako ng tao? Gosh. Ang weird ng mga to. Walang ginawa kundi ang magchismisan, hindi nalang asikasuhin ang grade nila.
I checked my phone while walking baka kasi nagtext si Cassandra. After kasi namin gumala at kumain sa luneta ay hindi na kami nagusap ulit. Nahihiya naman akong itext or tawagan sya dahil mainis ang Ice Queen sa pangungulit ko.
Magkikita naman kami e. Kaya wag nalang. Hindi pa man ako nakakarating sa classroom namin ng makita kong humahangos ng takbo para salubungin ako nina Ava at Maya.
"Aubree!" Humihingal na sambit ni Ava sa pangalan ko.
"Breath.." Utos ko.
"You won't believe this..." Isa pang naghahabol sa hiningang salita ni Maya. "The... you.."
"Teka ano ba kasing meron?" Sobra na akong nacucurious. "Anong nangyayari? Bakit ang weird nyong lahat?"
Pero imbis na sumagot ay hinatak ako nina Ava at Maya papasok ng classroom na napapalibutan ng napakaraming tao. Tulak kami dito, tulak doon. Gosh. Buo atang LaSallian community nandito na.
"Tignan mo!" Tinuro ni Maya yung taong nakaupo sa loob na abala sa pakikipagusap sa mga taong katabi nya. "Nandito sya!"
Noong una ay hindi ko makilala kung sino ang tinuturo ni Maya pero ng magfocus ako ay parang nalaglag ang aking puso.
"Alice..." Abot ang langit na pagtataka ko. "Wait. May shooting—"
"She is looking for you." Bulong sakin ni Ava.
"Bakit hindi mo sinabing kilala mo si Alice!" Halos patiling salita ni Maya. "And she came here to see you daw."
"Ha why?" Lalo akong nagtaka. After nya akong tulungan ay hindi na kami nagkita then now she is here. Wala rin naman akong alam na rason para puntahan nya ako ng personal dito sa school. Pwera nalang kung may pagkakautang ako sa kanya.
Alice stood the moment she sees me. Hindi ako makagalaw sa pagkataranta lalo pa lahat ng classmate ko ay nakatingin samin. "Mabuti at dumating ka na." Hindi ko maidescribe ang kasiyahan sa mukha nya habang naglalakad palapit sakin. "Kanina pa kita hinihintay."
"Why?" I was speechless. "I mean why are you here?"
Ngumiti si Alice without breaking our eye contact. "Just checking on you since matagal na tayong hindi nagkikita." Tumingin ako sa paligid at sobrang dami ng tao. Halos nagkakagulo sila sa labas, nakaharang lang sina Ava at Maya para hindi sila makapasok. "If i only know your number hindi na sana ako pumunta dito at cause this..."
"No it's okay." I assured her. Naiintinidihan ko naman ang sitwasyon ni Alice dahil kagaya nya rin si Ate Averi. Wala na silang privacy dahil kahit saan sila magpunta ay sinusugod at pinagkakaguluhan sila ng mga tao.
"Pakilala mo naman kami.." Bulong ni Maya sakin.
"Oohh. Anyway Alice. They are my friends." Pakilala ko kina Ava at Maya, vise versa.
Sobrang saya ng mga kaibigan ko dahil alam ko na talagang favorite nila si Alice. After we talk ay nagpasya kaming kumain muna. Kumaway si Alice sa mga tao bago kami lumabas ng room at naglakad palabas ng school kasama sina Ava at Maya. She even rent the whole coffee shop para makakakain kami ng maayos at walang mangistorbo.
BINABASA MO ANG
My Ex and Whys (Lesbian)
Romance[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #53 IN ROMANCE 06-23-18 Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang...