Bumalik ako sa Copenhagen para personal at opisyal na magfile ng resignation letter sa kumpanya na nagbigay sakin ng opurtunidad to grow as a person. I thanked them for all the knowledge and inspiration they shared to me na alam kong magagamit ko sa pagtake-over ng responsibility ng kumpanya na pinaghirapan ng pamilya ko.
After two days ay umuwi na ako pabalik sa Pilipinas. Gusto ko na sana agad magtrabaho dahil naiinip ako kapag nasa bahay lang. Pero gusto ni Ate Alex na magpahinga muna ako bago pormal na ipakilala na susunod na magiging Presidente ng mga negosyo namin.
"Tita.." Narinig ko na pagtawag sakin ni Pia habang nagbabasa ako ng newspaper dito sa garden.
I looked at my niece then smile. "Hey." Itinigil ko muna ang ginagawa ko para pisilin amg mapula pulang pisning ni Pia. By looking at her, i can reflect myself through my niece. "What does my beautiful baby pia wants?"
"Nothing but I'm so bored." Reklamo ni Pia bago naupo sa tabi at nagkuyakoy. "And hindi na ako baby Tita." I couldn't help but smile. Well, malaki na nga talaga ang pamangkin ko dahil ayaw ng magpatawag ng baby. Samantalang dati lagi nyang bitbit ang mga stafftoys nya kahit saan man kami magpunta. "I hate vacation."
"Why is that?" I asked curiously. Usually kasi mas gusto ng mga studyante na may pasok dahil sa baon at para makita ang crush nila.
"Mmm." Napaisip sya habang nakatingin sa mga paa nya. "Mas gusto ko sa school dahil nandon lahat ng friends ko unlike here." I saw her bit her lower lip. "Lagi lang akong mag-isa, hindi pwedeng makipagparty o sleep over man lang dahil super strict ni Mommy Alex."
I can actually relate to her dahil ganyan din ako ng kabataan ko. "You know.." Inakbayan ko si Pia. "She is only doing everything to protect you Sophia."
Kunot noo na tumingin sakin ang pamangkin ko. "Protect me from what?"
"From those things and people that will hurt you."
"Why would they hurt me though?" Pero lalo lang atang naguluhan si Pia. "Mabait naman mga friends ko."
"Friends can hurt you too." Mahina ko na bulong. "Bata ka pa para maintindihan." Ginulo ko ang buhok nya. "Kaya makinig ka lang sa dalawang Mommies mo at hindi ka maliligaw Sophia."
Medyo umaliwalaa ang mukha ni Pia at tumango tango. "Yes Tita. Besides, nandito ka na. May makakasama at kalaro na ulit ako."
"Bakit namiss mo ba ako?" I asked playfully.
"Oo naman."
Napangiti ako. "Okay then, how about..." Maganda naman ang araw, maaliwalas ang panahon at masasayang lang ito kung magkukulong kami sa bahay. Napaisip ako. "Let's go out, get some food. Ice cream or anything you want Pia."
"Really?" There were stars in her eyes while nodding her head eagerly. "Yes Tita. I would love that."
Tumayo agad ako at nag-inat inat. "Come on Pia. Let's make this day productive."
Naging kapalit ng matagal kong pagtira sa ibang bansa para mag-aral at matupad ang pangarap ko ay ang mawalay sa pamilya ko lalo na kay Sophia na ilang taon palang noon. Kaya ngayon palang kami
magkakabonding, ngayon palang ako makakabawi sa kanya."Where are we going Tita Cassy?" Excited na tanong ni Pia habang nasa byahe kami.
Tumingin tingin ako sa paligid. "Hindi ko masyadong matandaan ang lugar Pia." Marami na kasing nagbago pero mabuti nalang at may nakita akong mall hindi kalayuan. "Okay, right there."
Yung simpleng ice cream sana namin ay nauwi sa shopping spree. Bili dito, bili don. Which i don't mind at all dahil i have all the money na bunga ng ilang taon kong pagtatrabaho. Hindi naman siguro masamang magrelax at shopping for my family after all my hard work.
BINABASA MO ANG
My Ex and Whys (Lesbian)
Romance[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #53 IN ROMANCE 06-23-18 Sa lahat ng school, may maituturing na Campus curshes, Queen Bee, Ice Princess and Mr & Ms. Popular. Sikat na sikat ang pangalan na Cassandra Monteralba sa isang University sa Maynila hindi lamang...