"REALLY, Lucas? That's the attitude you're going with?" nakahalukipkip si Teyonna habang nakaarko ang kanang kilay.
Lucas nearly yawned. Ngunit nagpigil siya. The moment he does, he'll regret it his whole life. "I just said the truth," sa halip ay tugon niya. "And hey, don't use that tone with me. I'm not a kid."
Silang magpipinsan na lamang ang naiwan sa study room ng bahay ni Dash. Habang nananatiling nakaupo sa kanya-kanyang pwesto sila Achaeus, Teyonna, Dash at Jules. Sina Brien at Claude ay bumaba upang kumuha ng maiinom. Pero for sure ay alak na naman ang hinahagilap ng pinsan nilang si Claude. He got some sort of a drinking habit kaya't kahit halos tanghali pa lamang ay alak na kaagad ang hanap nito.
"Kung hindi ka na bata huwag kang mag-asal bata," balik ni Teyonna. "And hey," paggagad nito sa salita niya, "I'm older than you. Have a little respect."
Lucas let out an exasperated kind of laugh.
"Tey is right," pagsang-ayon ni Achaeus. "What you said was rude. Para na rin nating kapamilya si Ciara."
Kayo lang. He almost blurted out kung hindi lamang niya ginawa ang lahat upang magpigil. Tiyak na mas hahaba ang diskusyon kung magsasalita pa siya ng laban kay Ciara.
Noon bumukas ang pinto at pumasok si Micah, ang asawa ni Achaeus. "Am I intruding?"
"No," malugod na tugon ni Dash. "And hi, gorgeous," mapanuksong dagdag pa nito na ikinaikot ng mga mata ni Achaeus.
Tuluyang pumasok si Micah. Sinalubong ito ni Achaeus at pinaupo sa pwesto nito. His hand went around her and kissed her lightly on the head. Kahit pa naroon sila sa paligid ay hindi nagpipigil si Achaeus na magpakita ng affection sa asawa nito.
"Nakasalubong ko si Ciara sa labas," wika ni Micah na tumingin sa lahat. Huling dumako ang paningin nito kay Lucas. "She looked pissed."
"Dahil kay Lucas. Pero hindi pa naman kayo nasanay sa dalawang 'yan," salo ni Dash. "We should be used to their love-hate relationship by now."
Tuluyang nagdikit ang mga kilay ni Lucas. "What?"
Tumawa si Dash. "May love-hate relationship kayo ni Ciara. Haven't you heard of the more you hate the more you love?"
"I think so, too," tumatangong pagsang-ayon ni Jules habang pinaglilipat ang tingin sa mga pinsan.
Napatayo na si Lucas sa kinauupuan. "You're all crazy. Uuwi na ako bago pa ako makarinig ng mas maraming kabaliwan," dagdag niya bago tuluyang lumabas ng silid. Hindi niya pinansin ang pagtawag ng mga pinsan.
He was really annoyed. Love-hate relationship? Pure hate relationship that is.
Wala siyang ibang nadarama para kay Ciara kundi purong iritasyon. At every occasion ay hindi ito nagmimintis na ipakita na siya ang kontrabida sa kanilang dalawa. That's the ultimate weapon of women in general. Kapag may kaunting nasabi lamang ang mga lalaki na taliwas sa opinyon ng mga ito ay pinapalaki na kaagad. And in the end, men are the bad guys.
And Ciara was one of those women who took full advantage of being a woman. And that makes him hate her more. Simula ng dumating ito sa Kanaway ay wala pa siyang natatandaang okasyon na hindi sila nag-away at hindi inis ang nadarama niya para rito.
Oh, mer'on pala. That one night. The night he badly wants to forget. Ngunit may mga pagkakataon na naaalala pa rin niya. And those instances were pretty much often. The incident happened a year ago. At sa tuwing magkakaharap sila ni Ciara ay labis na effort ang ginagamit niya. Dahil hindi maiwasang hindi magbalik sa isip niya ang lahat. Because what happened then isn't suppose to happen. But it did.
Pagdating niya sa tapat ng sariling bahay ay huminga siya ng malalim. That was a year ago. Dapat ay seryosohin na niya na kalimutan ang lahat.
He opened the door of his tower-like house. More of a lighthouse's appearance though. Sumalubong sa kanya ang kakaibang amoy. Smells like food. Tuluyan siyang tumuloy sa living room.
His house has five floors. The first floor was living room and kitchen. The second was the room. His room. Then the third was the library and study. The fourth floor was his wine bar and cellar. And the fifth was his personal place.
Almost everyone finds his house weird. Kahit ang mga pinsan niya at kapatid. But he didn't really explain his side to anyone. He'll do as he damn well please.
"What's that smell?" tanong ni Lucas sa kapatid na nakasalampak sa malaking couch. Bukas ang flat screen tv at tutok na tutok ang atensiyon nito sa pinapanood.
"I cooked," sagot ni Keyon. Nakatutok pa rin ang atensiyon nito sa tv.
"You cooked..." nulas sa mga labi niya. "Anong niluto mo?" hindi siya makapaniwala. Sa loob ng dalawang buwan na pagtira nito sa bahay niya ay hindi ito minsan man nagluto.
"Sinubukan ko lang 'yong recipe na itinuro sa'kin ni Ate Tey."
"Great," hindi niya naiwasang magtunog sarkastiko. "I guess hindi ganoon ka-interesante ang pinapanood mo kanina." Tumingin siya sa telebisyon. He was watching Small Ville.
"Oh, no. I paused it," at pinindot nito ang pause button sa tumingin sa kanya. He smiled. "How was the meeting?" sa kandugan nito ay nakahiga at natutulog ang alagang Persian cat na si Minny.
"Fine," pakibit-balikat na tugon niya.
Hindi maiwasan ni Lucas ang mapailing habang tinititigan ang kanyang nag-iisang kapatid na lalaki. He was twenty-seven while Keyon was twenty-three. They were almost identical maliban lamang sa kulay ng mga mata. Nakuha niya ang hazel eyes ng ma de Gala habang green naman ang kulay ng mga mata ni Keyon. Nakuha nito sa ina nila.
Kung magdadamit nga sila ng parehas at mag-aahit siya ay mapagkakamalan silang kambal. But he was darker and a bit taller.
Gayunpaman ay hindi talaga maipagkakaila ang pagiging magkamukha nila. Kaya nga hindi siya nagpapagupit. He let his hair grow long and curly. He didn't shave too. Habang si Keyon naman ay nanatiling maiksi ang gupit. Keyon keeps it clean. Alam niya na ayaw rin nitong makumpara sa kanya kaya ganoon.
Sa itsura ay mukhang si Keyon ang organize. Ngunit sa totoo ay mahilig magkalat ang kapatid niyang ito. Sa ilang buwan na pagtira nito sa bahay niya ay nagawa na nitong guluhin ang maayos niyang pamamahay. Kahit hindi pa tapos ang bahay na ipinapatayo nito ay namili na ito ng mga gamit. At lahat ng iyon ay nakakalat sa iba't ibang bahagi ng bahay niya.
But that wasn't the most annoying part. The worst was his pet. Just how many men would prefer a Persian cat for a pet? At kakatwa ang pusa nito. Iyong itim na batik sa balahibo ay nasa kaliwang parte lamang ng mata. Nagmukha tuloy iyong eye-patch.
"Keyon, hindi ka pa ba babalik sa winery?" biglang tanong niya. Ang winery o ang Kanaway Brands ay ang negosyo na pilit niyang isinosososyo ang kapatid. Sumosyo naman ito ngunit isang taon lamang. He stopped months ago. Hindi raw iyon ang karera na gusto nito. Pero hindi siya naniniwala. Kapag nag-stick ka sa isang bagay ay mapag-aaralan mo na ring gustuhin iyon.
Isa pa ay nakitaan niya ng potential ang kapatid. He needed people with potential so badly. Balak niyang mag-expan hanggang sa ibang bansa. Magagaling ang mga empleyado niya ngunit kailangan niya ng tulad niya na may abilidad rin sa paggawa at paglasa ng alak. He highly believed that Keyon could develop a palate for wine just like him. Tulad nga ng sabi niya––kapag nag-stick ka sa isang bagay ay mapag-aaralan mong mabuti iyon at later on ay matututunan mo na ring gustuhin.
"No," muli nitong pinindot ang play button. "I told you, hindi na ako babalik."
Nagbuntong-hininga na lamang siya. He decided to let him off for now. Pero sa mga susunod na araw ay kailangan niya itong mahikayat. A lot of things were about to happen for the weeks to come.
BINABASA MO ANG
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)
Romance"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang n...