XX

5.6K 142 2
                                    


SHE was introduced to several persons. Ngunit ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nakalimutan na niya ang pangalan ng mga iyon. Some are difficult to pronounce. O siguro ay dahil masyado siyang na-overwhelm sa mga pangyayari na hindi na nagawang mag-linger ng mga pangalan sa isip niya.

Ang natatandaan lamang niya ay si Alphonse Dufour, kaibigan ni Lucas na siya palang may-ari ng hotel na tinutuluyan nila. Marahil ay nasa early thirties nito si Alphonse. Isa pa ay si Mr. Reynard Le Roux. Ang may-ari ng Chateau Le Roux kung saan sila naroon. Si Mr. Le Roux ang siyang host para sa wine tasting event. Ito naman ay marahil na nasa fifties na nito.

Napag-alaman niya na marami palang kaibigang Pranses si Lucas. Karamihan ay nakilala ni Lucas sa Pilipinas pa mismo sa ilang wine tasting event.

Isa pa sa mga na-discover niya ay marunong pala si Lucas ng salitang Pranses. And he was doing a pretty good job at his French accent. Nahihirapan siyang makisali sa usapan dahil ang ilan na marunong English ay hindi naman niya gaanong maunawaan ang accent.

But she was enjoying nonetheless. Higit pa sa inaasahan ang mga red and white wines na kanyang natikman. Sa bawat oras na lumilipas, sa halip na maging totoo sa kanya ang lahat ay tila lalong nagiging hindi kapani-paniwala ang mga nangyayari.

Humiwalay siya sa karamihan at tumungo sa balkonahe. Nasa ikaaapat na palapag sila ng Chateau. The view from there was spectacular. Natatanaw niya ang vineyards sa kaliwang bahagi ng malawak na lupain. Para silang nasa isang lumang kastilyo. The owner of the Chateau preserved it's natural look not just from the outside but also on the inside.

"Hey."

Napalingon si Ciara sa pinanggalingan ng tinig. It was Lucas. May dala itong dalawang kopita ng red wine. Iniabot nito sa kanya ang isa. "Merlot," tukoy nito sa wine.

"Bakit nagtatago ka rito? Hindi ka ba natutuwa?"

Tumingin siya kay Lucas. He looked so handsome in his maroon button down shirt and black trousers. He looked as though he just came out straight from a magazine cover. "The opposite," sagot niya. "You know, ang ganda ng view rito."

"Yeah," nanungaw rin si Lucas. "I just love it kapag natatanaw ko ang mas malalayong tanawin mula sa mataas na lugar."

"Kaya ba ganoon ang bahay mo?" interesadong tanong niya.

But his face turned gloomy. "Perhaps."

May ilang sandali na tila ba wala na ito roon sa tabi niya. He just kept on looking to afar. He seemed sad. At hindi gusto ni Ciara iyon. Kung saan man ito nakarating ngayon ay gusto niya itong bawiin. And she wanted to erase the sadness that etched in his handsome face.

Paulit-ulit siyang tumikhim hanggang sa bumaling ito sa kanya. Mukhang nakabalik na ito.

"Medyo nosebleed na ako sa loob. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga kaibigan mong Pranses," as soon as nasabi niya iyon ay napatawa siya.

Natawa rin si Lucas. Dumikit ito kay Ciara. "The secret is simple. Dapat mo lang lagyan ng emphasis ang r sa mga English words na sasabihin mo. And don't use much s but z."

Humarap siya rito. "Ah." Much as she enjoys looking at his handsome face, she likes it more when they have a little talk like this. "Can I have morrr of thiz, Merrrrlot?"

Napahalakhak si Lucas. "Yorrr doing grreat for a beginnerrr."

She almost spilled the wine. Kailanman ay hindi niya magagawang i-associate kay Lucas de Gala ang salitang nakakatawa. But drat, he's really funny right now.

Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon