PAGBABA ni Lucas ng kotse ay kaagad siyang sinalubong ng driver na hardinero din ng kanyang ama. Iniabot niya rito ang susi ng Range Rover niya.
"Where's my father?"
"Naroon ho si Sir Pedrico sa may kubo."
Tumango siya. Doon siya sa likod dumaan upang mas madaling makarating sa kubo. His father resides here in Baguio. Noong nagsasama pa ito at ang ina niya'y doon sila nananahan. It was a bungalow type of house with three rooms. Not so fancy but it was beautiful. At least before. Ngayon kasi ay marumi na ang dati'y puting kulay ng bahay. His father didn't bother to restore the home.
Simula ng ipabaya sila nito ni Keyon sa lola nila–whom had died years ago, bless her soul––ay namuhay itong mag-isa. He never remarries. Gayunpaman ay tulad rin ito ng ina niya na hindi naging magulang sa kanya.
Malayo pa lamang siya ay natanaw na niya kaagad ang ama. Ang likod nito ang nakaharap sa kanya kaya't hindi siya nakikita nito. Lahat ng buhok nito ay puti na. His back was hunched too. He was only in his late fifties but he looked older than that.
"Dad," bati niya rito. He calls him dad kahit pa ni minsan sa buhay niya'y hindi niya naramdaman ang pagiging ama nito. 'Cause what else would he call him?
Inayos nito ang suot na salamin. "Lucas. Anong masamang hangin ang nagpadpad sa'yo rito?" inilapag nito sa platito ang hawak na tasa ng kape.
He sat on the seat across him. "May gusto lang akong itanong," diretsang wika niya.
"Tungkol saan?"
"I went to France," nakatingin siya sa mukha ng ama, gusto niyang makita ng malinaw ang magiging reaksiyon nito.
"I heard," he answered casually.
Nasorpresa siya roon. It didn't occur to him he was interested in his life. "I saw my mother."
Hindi niya hiniwalayan ng tingin ang mukha ng ama. Kaya naman hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagdaang lungkot sa mga mata nito. Bagaman saglit lamang iyon. Muli itong sumeryoso.
"Oh, good for you."
"No, not really," mapait na tugon niya. Nagsisimula na namang bumalik sa kanya ang galit at sakit mula sa narinig sa sariling ina. "I asked her why she left and didn't return. She said I should ask you. And she hoped to not seeing me again."
His old man suddenly looked older than a while ago. Nang damputin nito ang tasa ng kape upang humigop ay may bahagyang nginig sa mga daliri nito.
"Ikaw ang huling tao na gusto kong tanungin. So even though I hate you so much ay wala akong ibang choice. For once and for all gusto kong malaman kung ano ang nangyari noon."
Matagal bago nito nakuhang magsalita. Tila sobra-sobrang effort ang ginamit nito mailabas lamang ang tinig.
"I met her during her visit here in the Philippines. We fell in love," tumanaw ito sa malayo na tila ba may nakikitang hindi nakikita ni Lucas. But he didn't interrupt.
"Or maybe that's what I thought," pagpapatuloy nito. "It was a whirlwind romance as my brothers have called it. Dalawang buwan matapos naming magkakilala ay nagpakasal kami kaagad. We were happy. She seems contented with her life. Tinanong ko siya kung gusto ba niyang manirahan sa France. Ngunit ang sabi niya ay gusto raw niya kung saan ako naroon. But after a few years, everything has changed. Gusto na niyang bumalik sa France at doon kami mamuhay."
"Hindi ko kaya ang sumugal sa lugar na hindi ako pamilyar. She wanted to be a vintner. Pero hindi posible iyon dito. That's what I thought. Tinakot niya ako na ipapa-annul ang kasal naming kung hindi ako papayag na manirahan tayong lahat sa France. Nagmatigas ako kaya umalis siya."
"Hindi ko naisip na hindi na siya babalik––na kaya niya kayong tiisin ni Keyon. And because of that I hated myself. Hindi ko kayo kayang alagaan. Hindi ko kayang harapin kayo araw-araw knowing na ako ang may kasalanan kaya wala kayong ina. Kaya ipinaubaya ko may Mama ang pagpapalaki sa inyo."
"I can't look at you and Keyon without thinking about your mother. Both of you looks like her. Keyon looks more like her but you had her spirit. You even had her passion about wine. Kaya mas higit na lumayo ang loob ko sa'yo. I was so guilty. Hindi ako karapat-dapat na tawaging ama niyo dahil hindi naman ako nagpaka-ama. I wish I could turn back time. Kung mangyayari iyon pipiliin ko ang pamilya natin."
Unti-unting pinakawalan ni Lucas ang pinipigil na paghinga. He was breathless with everything he heard.
"I'm sorry, son."
Huminga siya ng malalim. All his life ay hindi pa niya nakitaan ng emosyon ang ama niya. But right now, he look like the sorriest person he had ever seen his whole life. His father screwed. But he screwed, too. Big time.
But it was never too late para sa kanilang dalawa ng ama. Ngayon pa na nalaman niya ang lahat ng ito. Unti-unti ay bumabalik sa normal ang paghinga niya dahil sa pagkatanggal ng tila malaking bara sa puso niya.
"Dad, I hope I wouldn't hear you say sorry again. I don't believe in sorry you know. If you're truly sorry, don't say it. Just show how sorry you are."
Tumango-tango ang matandang lalaki. "Tatandaan ko 'yan. Want to have tea before you leave?"
He nodded as his father gave him a little pat on the shoulder. He couldn't believe it just took a couple of minutes talking with each other para magkaayos sila kahit papano ng kanyang ama.
"And dad," tawag niya sa ama bago pa ito makalayo ng tulungan. The old man stopped and turn. "I'm not like her, you know," alam niyang alam ng ama kung sino ang tinutukoy niya. "I may have her passion about wine but only that."
His father nodded and turn around again.
Hindi niya gustong maging tulad ng ina niya. He closed his eyes and remembered that night ng sabihin nito na hindi siya gustong makita. Pagkuwa'y sumalit naman sa balintatanaw niya ang mukha ni Ciara ng tanggihan niya ang pagmamahal nito. He broke her heart. Maari niyang piliin na patuloy na maging tanga at pangatawanan ang sinabi kay Ciara. Ngunit hindi niya gustong magsisi habang buhay.
Kung posible na nagkaayos sila ng kanyang ama ay maaring posible rin na maayos niya ang sa pagitan nila ni Ciara. They were never really a we to begin with. But she said she loves him.
And you love her, too.
Does he?
BINABASA MO ANG
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)
Romansa"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang n...