NAGULAT si Ciara ng pabalagbag na bumukas ang pinto ng silid kung saan siya gumagawa ng wine. Nakasuot pa siya ng wine ay kasalukuyang pinipiga ang mga ubas gamit ang kamay niya. May sinusubukan siyang bagong timpla. Araw naman ng Sabado ngayon kaya't hindi na siya tumungo sa Mankayan.
Ang mommy niya ang nagbukas na iyon ng pinto. Puno ng excitement ang mukha nito. Bago pa siya makapagtanong ay bumulalas na ito.
"Nariyan si Lucas sa labas. Si Lucas de Gala!" pag-uulit pa nito kasama ang apelyido na para bang hindi niya kilala kung sino ang tinutukoy nito.
So bumalik na pala ito ng Kanaway. For the last two weeks ay hindi ito umuuwi ng Kanaway. Hindi rin ito nagpapakita sa Winery sa Mankayan. Doon ito naglalagi sa La Union. Kaya't sa lumipas na mga araw ay si Simon ang kasa-kasama niya at siyang nagtuturo sa kanya ng pasikot-sikot sa Kanaway Brands.
Marami siyang nalaman dahil dito. Isa sa mga bagay na nalaman niya ay tungkol kay Lucas. Of how he started the whole business thing from nothing. And of how he became somebody from nobody. Ngunit tulad ng ibang nakakakilala kay Lucas ay wala rin itong ideya kung bakit kakatwa ang bahay ni Lucas. Simon actually asked her about it. But of course, clueless din siya.
"Sandali na lang ho ito, mommy. Pakisabi na lalabas na rin ako," aniya sa nakangiting ina. Parang ngayon lang niya nakita na ganoon ang ngiti ng ina.
Sukat roon ay naghalo ang ngiti nito. "Hindi mo dapat pinaghihintay ang bisita mo! Halika na."
Walang nagawa si Ciara ng hawakan ng mommy niya sa braso at pilit na isama sa paglabas nito. Ni hindi niya nagawang hubarin ang suot na apron. Ngiting-ngiti ang mommy niya ng makarating sa sila sa sala. Pagkakita sa kanila ni Lucas ay tumayo ito. "Hi," bati nito.
"Pasensiya na, hijo," extra-sweet na agaw ng mommy niya. "Medyo matagal kasing kumilos itong unica ko."
Gustong paikutin ni Ciara ang mga mata. Her mother seems up to something. Dapat ay nakaalis na ito pero bakit narito pa ito? Hindi ba't dapat ay aalis na ito at ang papa niya?
"Uhm, mommy, hindi pa ba kayo aalis ni Daddy?"
"Nagpaiwan ako. Susunod na lang ako mamaya. Kaya ko namang mag-drive para sa sarili ko. Hala, sige na, estimahin mo na ang bisita mo."
Muntik ng mapangiwi si Ciara dahil sa pagtulak ng ina sa kanya. Isinenyas niya kay Lucas na maupo na sa pang-isahang couch kung saan ito nakaupo kanina bago tumayo. Siya naman ay naupo sa mahabang setee na kaharap nito. But then her mother sat beside her. At malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa binata.
"Sige lang, hijo, uminom ka lang," turo ng mommy niya sa juice na nakalapag sa center table.
Lucas looked uncomfortable in his seat. Ngunit dinampot pa rin ang baso at uminom. Gusto ni Ciara na maging kaswal ang pag-uusap nila ngunit hindi yata niya magagawa iyon sa presensiya ng mommy niya.
"Mommy," nagpapahiwatig na wika niya habang nakatingin sa ina.
Ngunit tila ito walang narinig. Nakatitig pa rin kay Lucas. "Nanliligaw ka ba sa anak ko, hijo?"
Sukat roon ay napaubo si Lucas. Pabigla nitong tinutop ang bibig gamit ang likod ng palad habang patuloy sa pag-ubo. Nagdalang-awa naman si Ciara dahil tila tunay na nasamid ang binata. Kahit naman siguro siya ang nasa kalagayan nito ay ganoon din ang mangyayari sa kanya.
"Mommy, hindi po ako nililigawan ni Lucas. Pwede bang hayaan n'yo po muna kaming mag-usap ng sarilinan?" nagpapahinuhod na wika niya.
But her mother feigned innocence. "Why? Nagtatanong lang naman ako, ah? Wala namang masama sa itinanong ko, hindi ba, hijo?"
BINABASA MO ANG
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)
Roman d'amour"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang n...