HABANG papalabas ng airport ay nangunguna si Ciara sa paglakad. Nakasunod lamang rito si Lucas. Sa buong oras ng biyahe nila sa eroplano ay hindi sila nag-usap. Simula ng lumabas ito ng silid niya kahapon ay hindi na sila nagpalitan pa ng mga salita. Hindi niya alam kung sa plane ba ay tulog talaga si Ciara. He wanted to think she's really asleep.
On his part, kahit gusto niya itong kausapin ay hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin rito. At hindi niya alam kung kaya ba niyang makipag-usap ng normal sa kahit na sino.
He just felt drained and... empty.
The thing is, nadamay pa si Ciara sa lahat ng nangyayari sa kanya. And it's all his fault. Dahil siya ang nagsama rito sa France. Because he's a cold and unfeeling bastard. A hopeless case.
Habang sinusundan niya ito ng tingin ay nag-iisip na siya kung paano ito pasasakayin sa kotse niya. Siguradong tatanggi ito kung ang pagbabatayan ay ang mabibilis na mga hakbang nito upang makalayo sa kanya.
"Ciara," tawag niya rito sa katamtamang tinig. At ng hindi ito lumingon ay inulit niya ang pagtawag.
It hurts that he hurt her. The knot in his chest just gets worse.
I'm sorry. I'm really sorry. He wanted to say. But he just cn't.
Dammit all. Hindi siya naniniwala sa salitang sorry. Para sa kanya kapag humingi ka ng tawad sa isang tao ay mas lalo mo lang siyang sasaktan. Because you'll use apologizing as a license para patuloy na manakit. There's only such thing as make up. Show the person you wronged that you wouldn't hurt or wrong them again.
He was so damn confuse. He wanted to run after her. His heart was telling him so. Ang dalhin ito sa mga bisig niya at sabihin na hindi niya ito gustong saktan. Na mahal rin niya ito. But his senses wont let him do just that. Ano ang magiging silbi kung sasabihin niya rito na may nadarama rin siya para rio? The damage has been done. At hindi niya gustong magmahal. Hindi niya gustong magtiwala at pagkatiwalaan ng damdamin ninuman.
Ngayon lamang siya nakadama ng ganitong kalituhan sa buong buhay niya.
Hinayon niyang muli ng tingin ang papalayong dalaga. Binibilisan na niya ang paglakad upang makahabol rito ng makita niya na may sumalubong sa dalaga. Nakilala niya agad kung sino iyon. Her older brother. Tuluyan siyang tumigil sa paglakad. Her brother looked over and found him. Kahit malayo ay alam niya na masama ang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Si Ciara ay hindi lumingon. Sa halip ay hinila na nito ang kapatid.
Hindi niya nilubayan ng tingin ang papalayong likod ng dalaga hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya. He shut his eyes, hoping against hope his life isn't fucked up.
But it's like hoping for a miracle that won't ever happen.
"ALRIGHT, I won't take this anymore," wika ni Nic habang nagmamaneho. "What happened, Ciara?"
Nanatiling tahimik si Ciara at nakatingin sa labas ng bintana. Ayaw niyang magsalita. She was too tired and sensitive and hurt. Sa napakahabang oras ng biyahe ay hindi niya nagawang kumuha ng tulog. Sitting beside him was just too much. But pretending to be asleep was much worse. She just wanna go home and cry. Ngunit ganitong nangungulit ang kuya niya ay baka hindi na niya mapigilan.
"Did he took advantage you? Did he hurt you? Sinasabi ko na nga ba at hindi mo dapat pagkatiwalaan ang lalaking iyon! Tell me, wha did he do to you?" Nic's eyes narrowed dangerously.
Napahikbi siya sa bahaging iyon. Pilit siyang umiling subalit tuluyan ng bumukal ang luha sa mga mata niya. Itinabi ni Nic ang kotse sa gilid ng daan.
"Hey, talk to me," tila hindi nito malaman kung paano hahawakan ang kapatid. "God, what am I supposed to do kung hindi naman nagsasalita?"
"Kuya..." napabulalas lamang ng iyak si Ciara.
Nic's face softened. "It's alright," he enveloped her in his arms. "Everything's gonna be fine. Though God knows kung ano ang magagawa ko sa Lucas de Gala na iyon kung anuman ang ginawa niya sa'yo. Kaya nga ba sinabi ko na sa'yong wala akong tiwala sa lalaking iyon."
She just buried her face on her brother's shoulder crying her heart out.
"HINDI ang report ng sales ang hinihingi ko kundi ang reports ng deliveries!" bulyaw ni Lucas sa assistant niya na si Gregor.
Namutla ito at mukhang nahintakutan ng husto. "P-pero, Sir, ang sabi n'yo ho kasi kanina... kuwan po... ang sabi n'yo po report ng sales."
"What?"
Napaatras si Gregor at higit pang takot ang bumalatay sa mukha nito dahil sa pagtaas ng tinig ni Lucas. Noon pumasok sa nakabukas na pinto si Simon. Lumapit ito kay Gregor at tinapik sa balikat ang pobreng lalaki.
"Sige na, lumabas ka na muna. Ako na ang bahala rito."
Tumango ito kay Simon at maging kay Lucas rin bago tuluyang lumabas ng silid. Nang mapag-isa sila sa silid ay naupo si Simon sa available seat sa harap ng mesa ni Lucas.
"What's up with you, really?" tanong ni Simon. "Hindi ka ganyan kahit pa sobrang galit ka. Uhm, that's not even right. Hindi ka naman nagagalit. Nagkaganyan ka lang naman simula ng hindi na magpakita pa rito si Ciara."
Pagkabanggit sa pangalan ng dalaga ay nanigas leeg niya. Gusto niyang salungatin ang sinabi nito. But what would he say? He was never angry. Ngunit sa nakalipas na ilang araw ay halos lahat na yata ng mga empleyado niya ay kanyang nabulyawan at nasungitan.
He terribly missed her. He never thought he'd miss her like crazy. Pero iyon ang nararamdaman niya. Gusto niyang makita si Ciara. Gusto niya itong makasama. Gusto niyang marinig ang pagtawa nito. He missed her teasing voice. He missed her.
He's going demented with sadness.
"Si Ciara ang dahilan kaya ka nagkakaganyan, right?"
Pilit niyang pinanatili ang pormal na ekspresyon. "It's not about her," pagkakaila niya.
"Sabihin na natin na naniniwala ako, kahit hindi. Will you relax? Huwag mong pagbuntunan ang mga empleyado sa kung anuman ang nararamdaman mo. Baka bukas o sa makalawa ay tayong dalawa na lang ang tao rito."
Nahilot niya ang batok. Tama si Simon. He's being unreasonable. He can't treat everyone around him bad just because he screwed with the only person he learned to value and care about. Gusto niyang pumunta kay Ciara. Gusto niyang bawiin ang mga sinabi rito.
But what would he tell her? He will only end up hurting her again. Because he's not okay. And Ciara's not deserving of anything but the best of him.
At isang bagay lang ang nararapat niyang gawin for him to be okay. Para sa wakas ay mailagay na siya sa nakaraan ang lahat. His mother never gave him the answers. Isang tao na lang ang maari niyang tanungin.
BINABASA MO ANG
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)
Romance"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang n...