Bordeaux, France
"PARANG nananaginip lang ako. Parang hindi totoo ang lahat ng ito."
Nangingiting ibinaling ni Lucas ang paningin kay Ciara na katabi niya sa backseat ng taxi kung saan sila nakasakay. Ihahatid sila niyon sa hotel kung saan sila manunuluyan ng tatlong araw. Ang Hotel de Bordeaux. Hotel iyon na pag-aari ng isang Pranses na kaibigan niya. So he's not worried about their stay in this country. They would be treated well, his friend has promised.
Ciara was facing the window. At kahit hindi nakikita ni Lucas ang mukha nito'y parang nakikita na rin niya iyon base sa tinig nito. Nasa Pilipinas pa lamang sila ay hindi na matahimik sa pagbulalas ng mga saloobin ang dalaga. And moreover, maraming oras ang ginugol niya sa loob ng halos dalawampu't tatlong oras na biyahe patungo rito para titigan ang mukha ni Ciara. He fell asleep staring at her sleeping face. And when he wake up, ang nakangiting mukha naman nito ang nagisnan niya.
He was glad she's here with him.
"This is real." Hindi lamang niya iyon sinasabi para rito kundi para rin sa kanyang sarili.
Bumaling sa kanya si Ciara. Umisod ito palapit. And she was dangerously close. With their history, a few inches away's dangerous.
"Bibisitahin ba natin ang mga winery at vineyards dito? Please, please..."
He... should say no. But who can say no to her pleading? He beautiful mouth was pouting. He suddenly wanted to close the distance between their lips.
"No?"
No?
Napakurap si Lucas. What was he thinking? He straightened his back. "We could find time," kaswal na tugon niya.
He's here for two reasons.
First is to conquer the Bordeaux market. If he could make it here, he would surely make it big. May tiwala siya sa kakayahan niya. And as well as Ciara's skills. At ang isa pang dahilan. May isang tao na gusto niyang makita muli.
At sa dalawang dahilan na iyon ay mas higit ang weariness na nadarama niya para sa huli.
"Lucas."
"Hmm?" sumulyap siya sa dalaga. At ang sulyap lang sana ay nauwi sa titig. Because she was smiling. She looked so beautiful when she smiles like that. Para bang nalilimutan niya ang lahat sa paligid at ang tanging umiiral lamang ay ito.
"May poblema ba?" tanong ni Ciara. Bahagyang nakaarko ang kilay nito. "Para kasing ang seryoso mo masyado."
Kumilos ang mga kamay ni Ciara. Ikinulong nito ang isa niyang palad sa mga kamay nito. May kung anong kumislot sa loob niya sa ginawa nito. He couldn't take so much. Her smile and her voice plus her hands on his were just too lethal for him to handle.
"Everything will be fine today, tomorrow and the day after tomorrow. Tama?" she was smiling so sweetly.
He nodded and gently pinched her chin. He was tempted to plant a kiss on her inviting lips.
INIHATID siya ni Lucas hanggang sa pinto ng hotel room niya. Bagaman ang silid na ookupahin nito ay iyong katapat lamang ng sa kanya. Nang tuluyan silang makapasok sa loob ng silid ay inilapag nito ang maleta niya.
"Magpahinga ka muna. We'll see each other tonight. Kung nagugutom ka ay tumawag ka lang ng room service. I need to do a couple of things."
Tumango siya. This time, nang ngitian niya si Lucas ay gumanti ito ng ngiti. Paglabas nito ng silid ay sinipat niya ang suot na relos. It was nine in the morning. Pagkatapos ay saka pa lamang niya nagawang ilibot ang tingin sa kabuuan ng silid
Brown, red at white ang dominanteng kulay sa loob ng silid. Everything she laid eyes on exudes elegance. Hinubad niya ang suot na sapatos. Dahil doon ay nadama niya ang kalambutan ng carpeted na sahig. Kumpleto sa kasangkapan. At halatang de klase ang lahat ng mga iyon. Mula sa sala ng kwarto ay tumuloy siya sa bedroom. Pagdating doon ay napangisi siya ng husto. The queen sized bed looks inviting.
Bumilis ang mga hakbang niya palapit roon at ibinagsak ang sarili sa kama. She felt like a royalty. Kung paano na-afford ni Lucas ang ganoon klaseng mga kwarto ay wala siyang ideya. He must be filthy rich then.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya lubusang makapaniwala sa mga pangyayari. She begged her parents to let her go. At muli, ang mommy niya ang siyang naging susi upang maging posible ito. Her mother was really convinced she and Lucas would develop something. Pagkaalala sa binata ay napangiti siya.
It was her first international fly. Kung hindi ito ang kasama niya ay hindi niya nai-imagine na makakarating siya rito ng ligtas, kalmado at masaya. He just... makes her do things she thought she couldn't. Since that day na kinausap siya nito at inalok na magtrabaho para rito ay maraming bagay ang nagbago.
Hindi lamang sa sarili niya kundi maging sa kanyang damdamin. Bago pa sila tumungo rito ay isang bagay na ang natiyak niya sa sarili. At bago sila umalis sa lugar na ito ay umaasa siya na masasabi niya kay Lucas ang lahat ng nasasaloob niya.
She smiled as she succumbed to a deep sleep.
CIARA'S nostrils was filled with the aroma of a nice brewed coffee. Napangiti siya. Gusto niyang dumilat upang hanapin ang pinagmumulan niyon. Ngunit tila siya pinipigil ng malambot na kama.
She would've let the bed win if only for the other scent she smelled. Iisang tao lamang ang kilala niya na may ganoong amoy. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Hindi pa niya gaanong mai-focus ang paningin ngunit nakatitiyak siya na may nakatingin sa kanya at nagmamasid sa mismong harap niya.
"Good morning," anang baritonong tinig na walang iba kundi si Lucas.
Nang tuluyang luminaw ang paningin ni Ciara ay natiyak niya na si Lucas nga ang naroon sa silid at nakatingin sa kanya. He was sitting on the chair near the table beside the bed. He looked fresh and handsome as ever. She noticed he has shaved. Gayunpaman ay may ilang bahagi pa rin na may naiwang bristles. She wanted to run her fingers on his jaw. She also noticed his damp curly hair. Maaring naka-shower na ito kaya ganoon.
Pero... bakit naroon ito sa loob ng kanyang silid?
Namimilog ang mga mata na napabangon siya. Noon lamang niya napansin na may kumot pala na nakapatong sa ibabaw niya. Tumingin siyang muli sa binata. Ito ba ang nagkumot sa kanya? Kailan pa ito naroon?
"Paano ka nakapasok?" curious na tanong niya. "Sorry, nakatulog pala ako..." nangunot ang noo niya. "Good morning?"
"It's ten in the morning," sagot ni Lucas. "Dumating tayo kahapon. And you slept since iwan kita rito. I didn't wake you up dahil mukhang napagod ka talaga sa haba ng biyahe. But I borrowed the spare key to check on you."
Namilog ang mata ni Ciara na dati ng bilog. "Ten in the morning? Ganoon kahaba ang naging pagtulog ko? Goodness, bakit hindi mo ako ginising?" napabangon siya mula sa kama. Akmang lalabas siya ng bedroom ng hawakan siya ni Lucas sa magkabilang balikat. He smelled heavenly that she wanted to close her eyes and savor his scent.
"Relax," he said cooly. "It's fine. Mamayang tanghali pa ang unang event. It's a lunch kasama ang iba pang invited sa wine tasting event. We have two hours more para makapaghanda." Pinaupo siya nito sa gilid ng kama. "Ang kailangan mong gawin ngayon ay kumain. Kahapon pa walang laman ang tiyan mo."
Inilapag nito sa may gilid ng kama. French toast with peaches and black coffee. Dahil sa amoy ng kape ay tuluyan ng kumalam ang sikmura niya. She couldn't believe she had actually slept for almost a day. Ngayon lamang siya nakatulog ng ganoon katagal.
"I'll go ahead and prepare. Babalik ako after two hours."
Nakatalikod na si Lucas ng tawagin ito ni Ciara. "Anong isusuot ko?" worried na tanong niya ng lumingon ito.
"Anything you're comfortable with. Siguro naman na kahit ano pa ang isuot mo, you will look sensational."
Naiwan siyang nakatirik ang mga mata subalit nakangiti.
BINABASA MO ANG
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)
Romance"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang n...