"MEN are pig."
"Oh, no! I totally disagree."
Natatawang pinaglipat ni Ciara ang tingin sa mula naunang nagsalita na si Jules patungo sa sumunod na nagsalita na si Teyonna. Naroon sila ngayon sa may bahay-kubo malapit sa taniman ng strawberries. They were having lunch. Ngunit hindi lamang ang magkapatid ang kasama niya. Naroon din si Ching, siyempre pa.
Raya was there, too, kasama ang hipag nito na si Micah. At maging ang kapatid na babae ni Brien na si Elia ay kasama rin nila.
"Comparing men to pigs are actually insulting to the pig," nakaismid na nagpapatuloy ni Tey. "Pigs are wonderful creature. They are actually helpful to human beings. Wala silang sinasagasaang tao, walang nilalabag na batas. Sila pa nga kadalasan ang naagrabyado. They're not a nuisance to the society. So no to comparing them to men."
"I agree with Ate Tey," singit ni Ching. "Use another animal, Jules."
"Dog?" natatawang suhestiyon ni Ciara.
"Absolutely not!" nanlalaki ang mga matang kontra ni Teyonna.
"Perhaps... frog?" amused na singit ni Micah.
"No, not frog," umiiling na sagot ni Tey. Mukhang naiisip na naman nitong ipagtanggol naman ang palaka.
"Ipis kaya?" suhestiyon naman ni Elia.
Kagat ni Ciara ng mariin ang ibabang labi huwag lamang mapabungisngis. Kapag ganitong seryoso si Teyonna ay mahirap itong salungatin o pagtawanan. It just so happened na napunta sa mga lalaki ang usapan. Micah can't actually agree with Tey and Jules because she had Achaeus. And she... well, she had Lucas. And Lucas is...
"Ciara!"
Napalingon hindi lamang si Ciara kundi ang lahat ng kasama niya sa mesa mula sa pinagmulan ng tinig. Napangiti siya ng malawak ng makita kung sino ang naglalakad papalapit sa kubo.
It was Lucas. Abo't abot ang pagpipigil niya huwag lamang tumayo upang salubungin ang kasintahan. They've been together for almost two moths. Those two months–and counting–were the happiest two months of her life.
He had proven himself well. Everything he has promised, he did. He actually surpassed himself.
Hindi siya pumayag na ipabago nito ang structure ng bahay. She loved his tower-like house just he way it is. He'd never be alone in his house. She'll always accompany him inside. Lalo na ngayon na lumipat na si Keyon sa sarili nitong bahay.
She almost giggled at her crazy thoughts. Para siyang teenager na ngayon lamang nagka-crush.
Then about his dancing. Oh, he's a work in progress sa bahaging iyon. Tungkol naman sa relasyon ni Lucas at ng kuya niya, they're kind of off. Civil sa isa't isa ang mga ito. Bagaman n'ong una ay medyo hostile ang kuya niya. Mahabang pakiusapan pa ang naganap sa pagitan nila ng kapatid para kahit papano ay maging normal ang pakitungo nito sa kasintahan niya.
Tungkol naman sa mga magulang niya, talagang gusto ng mga ito si Lucas para sa kanya. Lalo na ang kanyang mommy. At nakilala na rin niya ang daddy ni Lucas. He's a nice man. Natutuwa siya na unti-unti ay nagkakalapit na ito at si Lucas.
Bumalik na rin siya sa pagtatrabaho sa winery ng kasintahan. Bagay na pinayagan ng mga magulang niya. Pero ang kuya niya ay tumatanggi noong una. He had already acknowledged her talent. Pero tulad nga ng sabi ng daddy niya, si Lucas naman ang naunang mag-acknowledge niyon. At talaga namang mas gusto niya na magtrabaho siya para kay Lucas. As his partner of course.
She felt with her whole heart and guts that she belonged in his place.
Nakalapit na si Lucas sa kanya ng tuluyan makalipas ang tila napakahabang mga sandali kahit ang totoo ay segundo lamang iyon. He planted a lingering kiss at the side of her lips. "Hi."
Pigil na pigil niya ang mapangiti dahil sa nag-uumapaw na kasiyahan sa puso niya. "Hi," ganting bati niya rito. She would have pulled him for a real kiss kung hindi lamang sa pagtikhim ng mga pinsan nito.
"Napadaan ka yata, Lucas?" bati ni Teyonna.
Naupo ang binata sa tabi ni Ciara. Ipinaikot pa nito ang braso sa balikat niya. "Uhm, I kinda missed my love."
They all acted as if they're going to puke. Si Micah lamang ang mukhang natutuwa.
"Look at you, two," ani Micah. "Kelan lang parang walang makapagpapabago ng inis n'yo sa isa't-isa. Sinasabi ko na nga ba at sa ilalim ng mga galit n'yo kuno ay may itinatago kayong gusto!" she laughed. An infectious kind of laugther.
"In love ka ba talaga, Lucas?" nakaarko ang kilay ni Teyonna.
"I am," proud na tugon ni Lucas. Kinuha pa nito ang kamay ni Ciara at inilagay iyon sa tapat ng dibdib nito.
Kinantiyawan na naman sila ng mga kasama sa mesa. Lucas just shrugged.
"Have you eaten yet?" tanong ni Ciara na para lamang sa pandinig ng kasintahan.
"No. I was hoping we could eat together. Kaya lang mukhang tapos ka na," ganting sagot nito.
She smiled. "Sumabay ka na sa'min. Hindi pa naman kami tapos."
Kumuha siya ng tacos na ginawa ni Micah at sinubuan niyon si Lucas. He willingly obliged. His eyes were sparkling. He leaned forward and gave her a quick kiss on the lips. Na umani na naman ng pag-ikot ng mga mata ng mga kasama nila sa mesa.
"See what I've been telling about men being somehow similar to animals?" pabiglang wika ni Jules.
"You shouldn't have kissed her while you have something on your mouth," wika naman ni Teyonna.
Lucas looked bewildered. Kaya naman ang lakas ng pagtawa ni Ciara na sinabayan. Hindi na talaga niya mapigil. Micah laughed as well. Nang mapansin niya na uminom ng tubig si Lucas at mukhang magsasalita ay tinakpan niya ang bibig nito. She warned him through her eyes. Kung makikipag-debate ito sa mga pinsang babae, lalo na sa uptight na si Teyonna at Jules ay tiyak na hindi ito mananalo.
"So ikinokompara n'yo sa anong hayop ang mga lalaki?" tanong ni Lucas ng magawang alisin ang kamay niya. He winked at her.
"Hindi talaga ako sang-ayon sa comparison ng mga lalaki at hayop," ani Teyonna. "Ang mas bagay na comparison sa mga lalaki ay trash, garbage you know."
"Huwag mo namang lahatin," palag ni Micah. "May mga lalaking matitino."
"Oo nga pala," umiikot ang mga matang sagot ni Tey. "So, yeah. Ang pinag-uusapan lang natin rito ay iyong mga douche guys. Two timers, players... lechers..." she was tapping the table na tila may naiisip na naman. "But actually garbage is quite useful."
"Because there are recyclable garbage," pagtatapos ni Raya sa mga balak pang sabihin ni Teyonna.
"Exactly!"
"Whatever you say," singit ni Lucas. Tuloy ay tumutok na naman dito ang paningin ng lahat. Humarap ito kay Ciara. He smiled and cupped her face. "I was a douche... a piece of trash. But not anymore. I found a princess––or the princess found me and kissed me, turning me not into a prince but into a human. With feelings and emotions who is capable to love and be loved."
He ended that with a sweet kiss on her lips. She closed her eyes. Her stomach was fluttering, her heart beating painfully fast. Nang paghiwalayin nito ang mga labi nila ay hindi niya mapigilan na hindi ibuka ang mga labi kahit walang tinig na lumabas. "I love you."
"I love you, too," he mouthed back.
"Whatever," kanya-kanyang wika ng lahat.
Ciara was oblivious to the surroundings. What matters to her is that he was here by her side, her palm on his beating heart. She believe that like wine, their love would get better with time. As long as they're together.
Wakas...
AN: Thank you for reading, everyone! I sincerely hope you enjoyed Lucas and Ciara's story. Watch out for more Kanaway stories! 😉
BINABASA MO ANG
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)
Romance"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang n...