"DADDY, sige na po. Hayaan n'yo na akong magtrabaho kahit sa liquor store lang natin."
Nag-angat ng paningin ang ama ni Ciara. Hindi lamang ito kundi maging ang mommy rin niya at ang kanyang Kuya Nic. Parehas na malaki at mataba ang mommy at daddy niya––kabaliktaran nila ng nakatatandang kapatid. Lalo na ang kuya niya. Nic was older than her by three years. Guwapo ang kapatid niya. Bukod pa roon ay matalino ito. Consistent sa pagiging top one. N'ong high school nga ay crush ito ng halos lahat ng kaklase niyang babae.
"Why?" tila interesadong tanong ng daddy niya. He prefers to go by Sir Noel para sa mga taong nakakakilala rito.
"Why?" manghang balik niya sa ama. "Maybe because I really want to work?" hindi mapigilan ni Ciara ang bahid ng sarkasmo sa tinig.
Natawa si Nic. "Trust me, hindi ka mag-e-enjoy sa wine shops man natin o sa mismong pagawaan."
Sumeryoso ng husto si Ciara. "Bakit ikaw nag-e-enjoy?"
"I just do," tugon ni Nic. "Hey, hindi ako dapat kasali dito. Kayo ni daddy ang magkausap."
Nagbuntong-hininga siya bago ibinaling muli ang atensiyon sa ama. "Daddy, please. Kahit one week lang. Kapag na-bore ako o hindi ko nagustuhan tulad ng sinasabi ni Kuya, I'll stop."
"Darling," wika ng mommy nila habang nagpapahid ng napkin sa bibig. "Mas mabuti siguro kung magfo-focus ka na lang sa paggawa ng wine habang narito ka. Hindi ba't pinayagan ka na nga namin ng daddy mo?"
"Gusto ko lang namang makatulong," pamimilit pa rin ni Ciara. "At isa pa, gusto ko ring makalabas naman sa lugar na ito. Wala na akong ibang nakikita kundi itong Kanaway. Pakiramdam ko preso na ako rito."
"I don't think you mean it," salo ng ginoo. "May mga kaibigan ka rito. At hindi naman totoo na wala ka ng nakikitang ibang lugar. Hinayaan ka naman namin na umalis at magpunta sa lugar na gustuhin mo. Ikaw lang itong ayaw. Which proves my first point. You love this place," nakangiting paliwanag nito na tila ba isang batang paslit ang inaamo.
Hindi tinangkang itago ni Ciara ang disappointment. Mula noon hanggang ngayon ay hindi talaga siya sineseryoso ng mga kapamilya. Lalo na ng kanynag mga magulang. Para sa mga ito, kaya siya nagpipilit na mag-develop ng iba't ibang uri ng wine na sarili niyang imbensiyon ay dahil sa kapritso. And they think it's just a hobby for her. But no. That's not the case.
Their family was normal to say the least. Hindi sila nag-aaway-away. Magkasundo sila ng kuya niya kahit pa nga ba habang lumalaki sila ay may sariling mundo ang bawat isa sa kanila. And then their parents have their own world as well. Abala rin ang mga ito sa negosyo. They were inseperable which was a good thing. Ang problema lamang, mukhang nakalimutan yata ng mga ito na hindi lamang pera ang kailangan nilang magkapatid. Lalo na siya. Malaya ang kuya niya habang siya ay narito.
Pero hindi niya sasabihin ang hinaing sa mga ito. They've been nothing but good provider. And they loved her and her Kuya Nic in their own ways.
Matapos mag-breakfast ay inihatid niya ang mga magulang hanggang sa labas. Bago tuluyang sumakay sa kotse ang mommy niya ay ikinawit pa nito ang isang braso sa kanya upang bumulong.
"What you need to do is to make certain na makakapag-asawa ka ng isang de Gala. That way ay magiging mas prominente ang pamilya natin dito sa Kanaway. Hindi imposible iyon dahil close ka naman sa halos lahat ng mga de Gala."
Sa puntong iyon ay tuluyan ng umikot ang mga mata ni Ciara. Nitong mga lumipas na buwan ay hindi iilang ulit na binanggit ng mommy niya ang tungkol roon. Twenty-five pa lamang siya. Ni hindi pa nga niya naranasang magkaroon ng boyfriend. Pagkatapos ay iisipin na kaagad niya ang pag-aasawa?
Naiiling na bumalik siya sa loob ng bahay. Nakasalubong niya ang kapatid na palabas naman. Hinarang niya ito.
"Give me a favor, kuya. Pwede mo bang tikman ang bagong wine na ginawa ko? I'm telling you I got it right this time," nagpapahinuhod na wika niya. "Just a cup. Please, please, please, kuya..."
Sinapo ni Nic ang mukha ni Ciara at pinisil ng bahagya. "Nagmamadali talaga ako ngayon. Some other time," pagkasabi niyon ay humalik ito sa noo ni Ciara at mabilis na bumitaw.
Nang mapag-isa ay walang nagawa si Ciara kundi mapailing na lamang. Nagtungo siya sa silid niya at pumasok sa kanugnog na silid niyon. It was another room na may pintong kanugnog patungo naman sa likuran ng bahay nila. Isang malaking silid ito na nagsisilbing winery niya. Silid kung saan siya gumagawa ng sarili niyang wine.
Pagpasok sa loob ng silid ay gumala ang paningin niya. Tatlong taon na mula ng ipilit niya sa mga magulang na i-convert ang walk-in closet niya para maging personal niyang pagawaan ng homemade wine. Matapos ang mahabang pilitan at marahil ay para matigil na rin siya sa pamimilit na magtrabaho ay pumayag rin ang mga magulang. Though her mom couldn't quite comprehend kung bakit gusto niyang isakripisyo ang walk-in closet niya.
Kaya niyang isakripisyo ang kahit na ano para sa talagang gusto niya. Hindi siya mahilig sa damit. Isinusuot niya kung ano ang una niyang makuha sa closet. Bagay na kinaiinisan ng mommy niya ngunit nakasanayan na lamang rin nito.
May walong plastic barrels na twenty-five gallons ang size sa isang sulok ng silid. Halos dalawang taon na iyon roon. Tatlo sa nga barrels ay naglalaman ng strawberry wine. Ang lima ay gawa sa ubas.
Noong una ay isang barrel lamang ang sinubukan niyang gawin. Tatlong buwan lamang ay binuksan ba niya at tinikman. Pagkuwa'y isinalin na niya sa wine bottles na kasalukuyang nakalagay sa cabinets sa kanang bahagi ng silid. That was twenty-five bottles ngunit ngayon at fifteen bottles na lamang. Ang ilan ay naipamigay na niya kung hindi man siya mismo ang uminom.
Ang sabi ng kuya niya dati ay hindi na raw masama ang ginawa niya para sa isang baguhan. Sabi ni Ching–matalik niyang kaibigan at isang de Gala–ay okay naman daw ang lasa ng ginawa niya. Ang sabi naman ni Claude, kuya ni Ching, ay mababa lamang daw ang alcohol content ng gawa niya.
She figured out na dahil iyon sa klase at pagkahinog ng ubas na ginamit niya. She used well-ripened grapes. Sa ikalawang subok ay ubas na nasa first quarter pa lamang ng pagkahinog ang ginamit niya. The seeds were still green and not yellowish. Pagkalipas ng six months ay ipinatikim na niya iyon sa Kuya niya.
Mas maayos daw kaysa sa nauna, ang tanging nasabi nito. Sana raw ay hindi kaagad niya isinalin sa bote at bagkus ay hinayaan muna niyang mag-age iyon kahit isang taon. Ang sabi naman ng magpipinsang de Gala ay masarap raw iyon. Though nagkasundo rin ang mga ito na mas sasarap pa iyon through aging. At nag-suggest pa ang mga ito na ipatikim niya iyon kay Lucas dahil ito raw ang expert.
Tatalon na lamang muna siya sa San Juanico bridge kaysa hingin ang opinyon ng mayabang na talipandas na iyon.
This time ay confident siya na mas higit na masarap ang lasa ng gawa niya kaysa sa una at ikalawang subok. From time to time, kapag ini-stir niya ang wine sa bawat barrels ay tinitikman niya iyon. Balak niyang isalin ang mga iyon sa bote sa darating na mga linggo. Iyon ay kung magkakaroon ng panahon ang kuya niya para tikman iyon. Kung uuwi ito. Kadalasan kasi ay sa office na ito halos tumitira at minsan na lamang kung umuwi sa Kanaway.
Gusto talaga niyang patunayan sa mga magulang at sa kapatid na kaya niya. Para sa wakas ay payagan na rin siya ng mga ito na magtrabaho sa winery nila.
BINABASA MO ANG
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)
Romantizm"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang n...