XXIX

5.8K 133 4
                                    



LUCAS keeps on coming back to Ciara's house. Kinausap na rin niya ang mga magulang ng dalaga. He asked them to court her. Pumayag naman ang mga ito. But Ciara's brother–Nic–was a different story.

"If you really want to be with Ciara, then you'll have to kill me. Mababaliw na muna ako before I let a moron like you play with her heart again."

At mababaliw na lang rin muna siya kaysa i-let go ang dalaga. He knows where Nic is coming. And though ang dalaga lamang ang kailangan niyang mapasagot ay gusto rin niya na makuha ang tiwala ni Nic. Na maniwala itong karapat-dapat siya sa kapatid nito.

For the last week ay patuloy si Lucas sa pagkuhang muli sa tiwala ng dalaga. She loves him. She just don't trust him anymore. Though she was really guarded kahit papaano naman ay nakikipag-usap na ito sa kanya.

Ngunit tila tukso na nalaman niya kay Ching na may natanggap pala na offer si Ciara from France. Isang French investor daw ang nag-alok kay Ciara na maging vintner sa France. Sa tingin niya'y kilala niya kung sinuman ang nag-alok kay Ciara. He was so afraid na baka tanggapin nito iyon.

"Are you really sure, Ching?"

"Oo naman. At mukhang ikino-consider na mabuti ni Ciara ang lahat."

His heart sank. What if she really want to go? Pipigilan ba niya ito? Hindi ba't dapat na suportahan nga niya ito? Very well, then, kung magpapasya ito na tanggapin ang inaalok rito ay sasama na lamang siya rito. Tutal ay inaalok naman siya ni Reynard na makipagsosyo rito.

Hindi niya gustong gayahin ang daddy niya na natakot. As long as kasama niya si Ciara ay hindi niya matatakot. The important thing is that they're together.

NAILAGAY na ni Ciara ang mga gamit niya sa trunk ng kotse ng may marinig siyang tumatawag sa pangalan niya. Sa halip na isara ang trunk ay lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig.

It was Lucas.

He looked really bothered. Nang tuluyan itong makalapit ay nakatutok sa loob ng trunk ang mga mata nito. Nang ibaling nito sa kanya ang paningin ay tila ba ito maiiyak.

"Where are you going?"

"Uh," nag-isip siya kung sasabihin ba rito. "Somewhere."

"Somewhere?" he looked tense. "Obviously ay magtatagal ka dahil sa dami ng dala mo."

"Medyo."

He suddenly looked desperate. Para ba itong pinagbagsakan ng langit at lupa. Hinaplos nito ang mukha na tila ba hindi malaman ang gagawin at sasabihin.

When he's like this parang nahihirapan siyang panatilihin ang katigasan ng loob. Para bang nalilimutan niya ang warning ng Kuya Nic niya.

"Come here, baby sis," wika ni Nic bagaman ito na ang lumapit kay Ciara at dinala siya sa dibdib nito at niyakap ng mahigpit. "I'm terribly sorry. I suck at being your brother, right?"

Tinangka niyang ngumiti ngunit ngiwi ang lumabas dahil sa higpit ng yakap ng kapatid. "Yeah, right. You're choking me."

Kagyat namang bumitaw si Nic. "Forgive me?"

Umiling siya. "There's nothing to forgive."

He reached for her hand. "Forget that de Gala kid. Sinabi ko na sa'yo na hindi mo siya dapat pagkatiwalaan. Ako na lang ang makikipag-usap sa kanya to withdrew on your transactions."

She not sure what to say. Sa huli ay napangiti siya sa kabila ng mga sirkumstansiya. "You called him a kid pero magkaedad lang naman kayo."

"Whatever. Basta't huwag mo ng haharapin pa ang lalaking iyon."

But that was a week ago. Hindi niya alam kung ano ang sinabi ni Lucas at napapayag nito ang mga magulang niya na bisitahin siya. She find it hard to keep on being cold and angry towards him. Especially when he's showing how sorry he is. He didn't say he's sorry. Of course dahil hindi ito naniniwala sa salitang iyon.

"Lucas?"

Nag-angat ito ng paningin. He looked agonized. Napasinghap siya ng hawakan siya nito sa magkabilang balikat. "I'm really sorry. Forgive me for what I've said and done."

Umawang ang mga labi ni Ciara mula sa mga narinig. Did he just apologize to her? She shook her head. Not really sure how to react.

"I will change. I will be better. I promise, hindi na magiging tulad ng dati ang lahat. I will never hurt you." His eyes bored into hers with the intensity she had never seen before. "It's fine with me kung hindi mo man ako kaagad pagkatiwalaan. Just please... please, stay." Bumaba ang mga kamay ni Lucas at ginagap ang magkabilang palad ni Ciara.

"I know you're going to France," tinapunan nito ng saglit na tingin ang nakabukas na trunk kung saan naroon ang mga maleta niya. "Please, don't go. Stay with me, Ciara. Yes, I'm completely shameless. I can't help it. I need you. Mahal kita, Ciara."

Hindi siya makasingit sa tuloy-tuloy na pagsasalita ni Lucas. Ang tanging tumimo lamang sa kanya ay ang sinabi nito na pupunta siya ng France. Ching must've told her about the offer of Alphonse. Pero sa tingin ni Ciara ay nagbibiro lamang naman si Alphonse. Anong sinabi ni Ching para maging ganito ang isipin ni Lucas?

Tumingin siya sa orasang pambisig. Kung hindi pa siya aalis ngayon ay tiyak na gagabihin siya sa daan patungo sa Maynila. Pupunta siya sa lola niya, nanay ng kanyang mommy. She will stay with her grandmother for a week.

Nabalutan ng labis na kalungkutan ang magagandang mga mata ni Lucas. She wanted to touch his face and assure him na hindi siya pupunta ng France. Gusto rin niyang sabihin na mahal niya ito.

But she's not ready to trust him yet. At gusto naman niya itong parusahan ng kaunti.

"Listen. Kailangan ko na talagang umalis," bumitaw siya rito. "Saka na lang ulit tayo mag-usap."

Iniwasan niyang tumingin sa mukha nito. Isinara niya ng tuluyan ang trunk at tuluyang sumakay. Hindi pa rin siya tumitingin rito ng i-start niya ang kotse. Ngunit ng magsimula ng umandar ang sasakyan ay hindi niya napigil na hindi tumingin sa side mirror.

What she saw almost broke her barriers. His shoulders were hunched. Sinusundan siya nito ng tingin habang nananatiling nakatayo. Parang may malamig na kamay na pumisil sa puso niya. Bigla ay naalala niya ang mga sinabi ni Ching. At ang mga sinabi ni Lucas noon.

His mother left him and went to France. Siguro ay araw-araw itong naghihintay na babalikan ito.

And now... he thinks she's going to France.

Pabigla niyang inapakan ang preno. He's hurting. At isipin pa lamang niya kung anong klaseng sakit ang nadarama nito sa iniisip na nakatakda niyang pag-iwan dito ay para na siyang sinasakal.

Everybody deserves another chance. He definitely deserves to have another chance with her. Because she loves him.

Bumaba siya ng kotse. He said he loves her. That should be enough. She ran back to him.



Author's Note: Hi, everyone! Sorry medyo natagalan bago mag-update uli. Anyways, malapit ng matapos. Thank you for reading Lucas and Ciara's romance. :)

P.S.

Watch out for more of Kanaway Men and Women. :) 

Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon