XXVII

5.2K 115 0
                                    



MABIBILIS ang mga hakbang ni Lucas patungo sa bahay ni Claude. He needed to talk to Ching. His cousin knows Ciara. What she likes, what she wants. Everything that would please her.

Pumunta siya sa bahay nito kanina ngunit tila walang tao. According to Ching, pinayagan na ito ng mga magulang na magtrabaho sa negosyo ng pamilya. But surely uuwi pa rin naman ito. And so he needs to be prepared kapag magkaharap na sila. He needed her to trust him once more. To have her heart again sakali mang hindi na siya nito mahal. Though he was hoping against hope that it's not the case.

Pagpasok niya sa bahay nila Claude ay nakita niya na nasa sala sila Claude, Yanno at maging si Migo, pinsan niya na nakabase sa New York. He's a professional golfer and a champion.

"Lucas, bakit para kang susugod sa giyera?" tanong ni Migo. "Hindi mo ba ako kakamustahin?" kakaiba ang ngiti nito subalit wala ng panahon si Lucas para i-assess pa iyon.

"I'll talk to you later," aniya bago bumaling kay Claude. "Where's Ching?"

"Nasa kusina," sagot ni Claude. "Lalabas na rin iyon, kumuha lang ng maiinom. Why don't you sit down and relax?"

Umiling siya at nag-akmang pupunta sa kusina. But he stopped dead on his tracks ng marinig niya ang pangalang binanggit ni Yanno.

"C'mon, Ciara. Pagbigyan mo na ako. Lunch lang naman. Tutal hindi ka na nagtatrabaho ngayon para sa pinsan ko. I know you could find time for us."

His eyes narrowed into thin slits. Us? What the hell? "You're talking to Ciara?" marahas niyang tanong kay Yanno.

"Shhh!" saway ni Yanno na tila ba walang pakialam sa nakamamatay na tingin niya. At ni hindi man lamang nag-angat ng paningin si Yanno.

"He's asking her out," si Migo ang sumagot.

"Asking her out?" gulat na bulalas niya. Bumaling siyang muli kay Yanno para warning-an ito. But he seemed oblivious of his surroundings.

"Really?" masayang bulalas ni Yanno. "Great! I'll pick you up tomorrow at eleven." Nang patayin ni Yanno ang cellphone ay ngiting-ngiti ito. "She said yes," smug na tugon nito. Pagkuwa'y may gumuhit na sorpresa sa mukha nito na tila ba noon lamang napansin ang presensiya ni Lucas. "You're here? Not so busy around these days, eh?"

Nagtunugan ang mga ngipin ni Lucas sa tindi ng panibugho na kanyang nadarama. "You know where she is right now. Nasaan siya?"

Umangat ang kilay ni Yanno sa nag-uutos na tinig ni Lucas. "If you say please..."

"Fuck you!"

Yanno just chuckled. His expression was irritatingly smug. Mas lalo iyong nagpadagdag sa galit ni Lucas. Sa pagkakataong iyon ay pumagitna na si Claude. "Relax, will you? Nasa bahay lang si Ciara. Ang mabuti mong gawin ay maupo ka at––"

"I'll be damned if I let you take her out!" gigil na bulyaw niya kay Yanno bago lumakad palabas roon. Tuluyan na niyang nakalimutan ang balak na pakikipag-usap kay Ching.

Naiwan ang tatlo na nagpapalitan ng amused na tingin.

"Bakit parang narinig ko ang boses ni Lucas kanina?" tanong ni Ching na bumalik na mula sa kusina.

"He was here," sagot ni Yanno. "He was so pissed that I asked Ciara out."

Napatawa si Ching. "Ugh, really? Bakit hindi mo sinabi sa kanya na hindi lang ikaw ang ka-date ni Ciara kundi tayong lahat because we want to cheer her up?"

"Because I want to piss him off para magising na siya sa katotohanan," tatawa-tawang tugon ni Yanno. "Sigurado ako na kay Ciara ang punta niya ngayon."

TAAS-BABA ang dibdib ni Lucas sa paghingal ng makating siya sa tapat ng bahay ni Ciara.

She agreed on going out with Yanno. Ciara and Yanno.

No.

Hindi niya mapapayagan iyon. Kahit anong mangyari ay hinding hindi niya hahayaan na maagaw ni Yanno si Ciara.

He tried the doorbell ngunit walang nagbubukas ng gate. Then he discovered that the gate was open. Dahil mababa lamang iyon ay nagawa niyang buksan sa loob. Pagtapat sa harap ng pinto ay paulit-ulit rin siyang kumatok. Subalit wala ring nagbubukas. He was sure Ciara's there. Kaya naman lakas-loob na siyang umikot sa likod-bahay kung saan konektado ang gawaan nito ng wine.

Pagdating roon ay kumatok siya sa pinto. "Ciara!" malakas na tawag niya rito. Nang walang matanggap na sagot ay mas lalo niyang nilakasan ang pagtawag.

Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon