XXII

5.2K 138 3
                                    

NAPADILAT si Lucas dahil sa tunog ng buzzer. Parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Nang mapadako ang tingin niya sa mesita sa living room kung saan siya nakatulog ay mayroong mga basyo ng bote ng alak. May isang bote ng brandy na nangangalahati pa lamang. Kinuha niya iyon at tuloy-tuloy na ininom.

Gumuhit iyon sa lalamunan niya. Mapait. Ngunit hindi pa rin nagagawang pawiin niyon ang galit at pagkamuhi na nadarama niya. May palagay siyang nakaidlip lamang siya ng bahagya. Mas mahaba ang panahon na gising siya–umiinom at nag-iisip.

Sa buong buhay niya'y hindi lamang siguro sandaang beses niyang ni-reenact sa isip ang mga mangyayari sakaling magkaharap na sila ng kanyang ina. But none of it comes close to the reality. The reality was nothing but shit.

Naulit na naman ang pag-buzzer. This time ay may kasama pa iyong katok. Tiyak na si Ciara iyon. Who else would it be? At wala siyang planong buksan ang pinto. He doesn't want to be bothered. Ang gusto niyang magpag-isa at mag-isip. Or just passed out. At sa kondisyon niya ngayon, sakaling maubos niya ang natitirang laman ng bote ay tiyak na mangyayari ang gusto niya.

Subalit maya-maya pa ay narinig niya na tila ba bumukas ang pinto. Paglingon niya sa direksiyon niyon ay tama ang hinala niya. Bukas na ang pinto. Then Ciara came into picture. He groaned. Sa pinagsamang iritasyon at... well, she's distractingly beautiful. And he really wanted to be left alone.

"GO away, Ciara."

Mariin siyang umiling. Lumakad siya patungo kung saan ito naroon. Lucas was sitting on the carpeted floor. May mga empty bottles sa center table. At may bote pa na nasa kamay nito. Nang akmang tutunggain nito ang laman ng bote ay mabilis niyang nakuha iyon sa kamay ng binata.

"Hey!"

Siya na mismo ang uminom sa laman niyon. Lumayo siya rito upang hindi maagaw ang bote. Napangiwi siya dahil sa tapang ng likido. Ngunit hindi siya tumigil. Kung hindi niya uubusin iyon ay tiyak na si Lucas ang gagawin niyon. Nang maubos niya ang laman ay inilapag niya iyon sa mesita. Then she sat beside him on the carpeted floor.

Matapang ang amoy ng alak na nagmumula rito. Noon lamang niya napansin na wala pala itong suot maliban lamang sa sweatpants. Kaya naman itinutok niya ang mga mata sa mukha nito. Which made her heart ache. Despite the harshness and drunkeness, his eyes looked sad and hurt. Hindi niya alam kung anong dahilan ng sakit na nadarama nito. But whatever it is, she felt like crying.

Gusto niyang ikulong ang mukha ng binata sa mga palad niya. Kahit ano, basta magawa lamang niyang pawiin ang sakit na nadarama nito.

"What happened?"

Isinandal nito ang ulo sa couch at pumikit. She touched his face. He automatically flinched and caught her hand. "Just go away, Ciara. I'm warning you. Kung hindi ka pa aalis siguradong pagsisisihan mo."

Masyadong mariin ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Ngunit nanatili siyang nakatitig sa mukha ng binata. At sa halip ay ginagap niya ang kamay nito. "Okay lang kung ayaw mong sabihin. Let's just have breakfast okay?"

Naiiling na bumitaw si Lucas. "If you really want to help, i-order mo ako ng alak."

Nagbuga ng hangin si Ciara. "Absolutely not. Tumayo ka na diyan at magbe-breakfast tayo sa ayaw at sa gusto mo at––" napatili siya ng hilahin siya nito. Bumagsak siya sa tabi nito.

He pressed her down on the carpet and leaned forward. Napigil niya ang paghinga. His face was really close. Kung iaangat niya ang mukha ay tiyak na magdidikit na ang mga labi nila. Sa halip na matakot o nagawa pa niyang pagmasdan ang mukha ng binata. His hazel eyes, though narrowed were still beautiful. His long and curly lashes were thick and adds up to his deadly charm. His brows were thick too. His jaw were chiseled and prominent. He was gorgeous in each and every part of his face. Ngunit ang pinakagusto talaga niyang bahagi ng mukha nito ay ang labi. They were naturally red.

Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon