VIII

5.4K 136 1
                                    


NAHINTO si Ciara sa pagsasalin ng alak sa bote dahil sa mga katok. Mahina ang dating niyon sa kanya dahil naroon siya sa gawaan niya ng wine. Babalewalain lamang sana niya ang mga katok dahil nawala na rion. Ngunit ilang saglit lamang ay bumukas naman ang pinto ng pagawaan niya at sumungaw roon si Aling Maring, ang tagalinis at tagalaba nila na pumupunta sa kanilang tahanan kasama ang anak nito dalawang beses kada buwan.

Sa kabila ng assurance na ibinibigay ni Ciara sa mga magulang na kaya na niya ang paglilinis at laundry ay hindi pa rin pumapayag ang mga ito.

"May kailangan ho kayo?" huminto siya sa ginagawang pagsasalin.

"Hija, may naghahanap kasi sa'yo, pinapasok ko na dahil kilala mo naman daw siya. Tama lamang ba ang ginawa ko? Wala namang nakakapasok rito na taga-labas, hindi ba?" may bahid ng pag-aalangan ang reaksiyon ng ginang. Nasa katanghaliang gulang ang edad nito at may ilang bahagi ng buhok nito ang puti.

"Okay lang po," tumatangong tugon niya. Marahil ay si Ching o si Soraya iyon. Kadalasan ay ang mga ito ang sadyang pumupunta sa bahay niya ng walang pasabi. Pero mas malamang na si Ching iyon. "Binigyan n'yo po ba ng drinks?" tanong pa niya habang pinupunasan ang kamay.

"Inalok ko. Pero tumanggi naman ang binatang iyon," sagot ni Aling Maring habang naglalakad sila palabas ng silid.

Natigilan si Ciara. Binata? Napabilis ang paghakbang niya palabas ng silid. Wala siyang ideya kung sino iyon. Kahit ang magpipinsang de Gala ay hindi minsan man nagtungo sa bahay upang kausapin siya.

Malapit na siya sa living room ng bahay nila ng makita niya kung sino ang bisita niya.

Sa buong mundo, isang tao ang wala sa listahan niya ng mga magnanais na bisitahin siya. And that person is Lucas de Gala. The person who's sitting quite comfortable on the couch. The same person who humiliated her last night and at every occasion possible.

Nagmartsa siya palapit dito. Her hands were clenched into fist. "Anong ginagawa mo rito?"

Naglatang na naman sa galit ang dibdib niya. Bumalik sa kanya ang inis dahil sa mga pangyayari ng nagdaang gabi. Ngunit kahit ganoon, she didn't fail to notice the curls of his hair na tumatakip sa bahagi ng noo nito. She somehow find it... cute.

Cute? Si Lucas? You're out of your mind, Ciara!

Ipinilig niya ang ulo at pilit na pinangibabaw ang galit. Galit siya rito kaya hindi dapat napupunta kung saan-saan ang atensiyon niya.

Tumayo si Lucas. Hindi galit o iritado ang ekspresyon nito. It was quite... normal. Para ngang may kakaibang glow pa ang anyo nito. "Have a seat so we can talk."

"Ayokong umupo at mas lalong huwag kang uupo! Ang gusto kong mangyari ay umalis ka na ngayon din. Ayaw kitang makausap."

"Apparently, we're not on the same boat right now," cool na tugon nito. "I want to talk to you about last night."

Umarko ang kilay ni Ciara. "Kung pumunta ka rito para mag-apologize, magsasayang ka lang ng laway."

"I didn't came here to apologize," seryosong tugon nito. "I came here to propose something."

Nangunot ng husto ang noo niya. Nang mag-sink in ng tuluyan sa kanyang isipan ang sinabi lamang nito'y nailing siya. "Hindi ako interesado."

"I bet you will be. Sa oras na marinig mo na kung tungkol ba saan ang proposition ko."

Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon