"I FEEL suffocated sometimes kapag kasama ko kayong dalawa sa iisang lugar," wika ni Claude sa pagitan ng pag-inom ng brandy.
Hindi sumagot si Lucas. Sa halip ay nagsalin rin siya ng brandy. Napangiwi siya habang sumimsim ng bahagya. Hindi talaga niya gusto ang lasa ng matapang na inumin. Lalong-lalo na sa ganito kaaga. Ngunit dahil sa encounter nila ni Ciara ay kailangan niya iyon.
That woman was a witch. She never fails to make him angry and bothered. At iyon eksakto ang nararamdaman niya ngayon. Ngunit hindi lamang dahil sa naging sagutan nila. More of the way she wears her hair. Nakalugay ang mahaba at kulot nitong buhok. Just like that night a year ago.
That crazy night that haunted him since it happened.
"She's kind and pretty kaya nagtataka talaga ako kung bakit masama ang pakikitungo mo sa kanya," wikang muli ni Claude.
"Masama?" nagdikit ang mga kilay niya. "Well, kung dahil hindi ko siya pinapansin at kinakausap tulad n'yo ay nasa category na iyon ng masama––then by all means, masama nga ang pakikitungo ko sa kanya."
Hindi pa iyon. Ngunit sa isip na lamang siya nagpatuloy.
Kind? He's yet to experience her kindness. But pretty... well, alright she's pretty. Simple but pretty. He's realized that a year ago.
It was already late. Ngunit gusto na niyang sabihin ngayon ang kailangan ipaalam kay Achaeus. Maaga siyang aalis bukas. And he won't be here for a few days.
Pagtapat niya sa bahay ni Dash ay may lumabas na tao mula roon. Pigura ng babae kaya't inisip niya na isa sa mga pinsan niya na kapatid ni Dash. Ngunit ng tuluyang makalabas iyon ay nangunot ang noo niya. Unti-unti siyang lumakad palapit.
Nang mapagsino iyon ay mas lalong kumunot ang noo niya.
It was Ciara Borromeo.
Nagbuga siya ng hangin. Simula ng makilala niya ito'y hindi na natapos pa ang inis niya para rito. At mukhang pareho sila ng nararamdaman.
Pero anong ginagawa nito sa bahay ni Dash ng ganitong oras? Oh, wait. Wala siyang pakialam sa bagay na iyon. Subalit hindi maikakaila na may inis siyang nadama. A girl shouldn't act this way.
Nang tumunghay si Ciara ay nagtama ang mga mata nila. Awtomatikong nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
"Anong tinitingin-tingin mo?" nakapamaywang na tanong ni Ciara.
"Nah, was just wondering kung ano ang ginagawa mo rito sa bahay ni Dashiell sa ganitong oras ng gabi."
Tumawa ng pagak si Ciara bagaman naniningkit ang mga mata nito. "Hindi ka lang pala baliw. Malisyoso ka pa. Siguro naman aware ka na dito rin nakatira sila Tey at Jules? Oh, whatever. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa'yo." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito.
Ngunit sa halip na lumakad pauwi ay patungo sa kabilang direksiyon ang tinahak nito. At sa direksiyon na iyon rin ang tungo niya. Kaya naman nagmukhang sumusunod siya rito. He sighed irritably. Nag-iwan siya ng ilang hakbang na distansiya.
She stopped on her tracks afterward and turn around. "Sinusundan mo ba ako?"
Tumawa siya ng pagak. "Why should I?" ngunit may pumasok na kung anong agiw sa isip niya. Naisip niyang inisin ito ng kaunti tulad ng pagkainis na ibinibigay nito sa kanya sa tuwina.
Habang humahakbang siya palapit ay paatras naman ng paatras si Ciara. "A-anong binabalak? Binabalaan kita, huwag mo ng ituloy kung anuman iyan..."
Ngunit patuloy siya sa paglakad palapit. Dalawang hakbang na lang ang pagitan nila ng lagpasan niya ito. Ngunit bago iyon ay nag-iwan siya ng smug na tingin sa dalaga. "Nakaharang ka sa dadaanan ko." Hindi niya napigilan ang pagsilay ng tagumpay na ngisi ng makarinig siya ng naiinis na pagsingasing sa likuran.
Habang naglalakad siya ay nararamdaman niya na nakasunod pa rin si Ciara. "Huwag mo akong sundan," malakas na wika niya.
"Hindi kita sinusundan! Dito rin ang punta ko!"
Pakibit-balikat na nagpatuloy siya.
Pagdating sa tapat ng bahay ni Achaeus ay huminto rin si Ciara. Mukhang doon rin yata ang punta nito.
"You know what? Kung hindi mo lang ako ginulo sana kanina pa ako nandito," wika ni Ciara. "Bumalik ka na lang."
"Ikaw ang bumalik na lang," matigas na tugon niya. "Importante ang kailangan kong sabihin kay Achaeus. How about you? I'm sure it's nothing but petty kaya umuwi ka na lang."
Naningkit ng husto ang mga mata ni Ciara. "Wala kang pakialam kahit ano pa iyon!" pagkasabi niyon ay tumuloy na ito sa loob ng gate. Dinanggil pa siya nito.
Malapit na ito sa may pinto ng magawa niya itong unahan. Humarang siya rito. "Look, I've no time for this. I'm serious. I need to talk to Achaeus."
"So do I," seryosong tugon ni Ciara. "Tingnan na lang natin kung sinong mas kakausapin niya."
Tumalim ang mga mata niya. What does she mean by that?
"I can make you leave," he warned her.
"Try me," mapaghamong balik ni Ciara.
His breath intake was sharp. He stared at her. Noon lamang niya ito napagmasdan ng husto. She wears her hair down.
Oh, so her hair was long and wavy.
"Tititigan mo lang ako ng masama? Hindi na ako tinatablan n'yan," paismid na wika nito na pumutol sa pag-iisip niya.
Ngunit ng akmang lalagpasan siya ni Ciara ay nagawa niya itong pigilin sa braso. Make her leave. Tinitigan niya ito ng husto. Magkalapit ang mga mukha nila dahil matangkad ito. If he would as much as lean forward, he could kiss her. Tiyak na hindi mangangalay ang leeg niya. He stared at her full lips. Looks like it is not such a bad idea.
"Bitawan mo nga ako," pumiksi ito dahilan upang bumitaw si Lucas.
"You're not going to leave?"
"No."
That's it. He leaned forward and kissed her. It was just a mere brush. But he felt drunk instantly. Af if he tasted the rarest kind of wine. He pulled her closer and deepened the kiss. Bahala na...
BINABASA MO ANG
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)
Romance"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang n...