XXVIII

5.6K 132 5
                                    


NAPAKISLOT si Ciara ng marinig ang pagtawag ni Lucas sa pangalan niya kasabay ng mga katok. Naroon siya sa gawaan niya ng wine. She wanted to pretend na wala siya roon. Ngunit tila ba balak na nitong sirain ang pinto.

"I know you're here so open this damn door before I tear it down!"

Ang kapal talaga ng mukha nito! Sinaktan na nga siya ay nakukuha pang umasal ng ganito. Pabalagbag niyang binuksan ang pinto habang nagbabag ang mga mata. Ngunit ang plano niyang masasakit na mga salita ay naudlot ng hawakan siya nito sa magkabilang braso at isandal sa nakasaradong pinto.

Nanlaki ang mga mata niya. "Bitawan mo nga ako!"

"I won't," his eyes lingered on her face.

Kung titigan siya nito'y tila ba nasasabik na makita siya. Don't, Ciara. She lay down her heart once. And he just hurt her.

"Ang sabi mo pumunta ako sa'yo kung mahal din kita. Yes, I do love you. I want to be with you."

Napipilan siya. So he had seen the disc and the wine. Her heart drummed. Then she felt irritated to the core. He had seen the tape and then suddenly he had a change of heart? Biglang mahal na rin siya nito?

Napailing siya. Unti-unting tumigas ang kanyang ekspresyon.

"Hindi ako interesado. Nabaliw lang ako ng gawin ko ang video na 'yon," pilit niyang pinatatag ang tinig. But her heart was raging. Every part of her wants to be close to him as possible. But her head and her pride says no.

Anong akala nito, pwede siyang balikan at kumbinsihin sa anumang sabihin nito kung kalian nito magustuhan? Matigas siyang umiling. To hell with he heart.

He stared at her. His face just a few inches away. She felt his hot breath. Hindi siya makapag-isip ng tama kapag ganito kalapit si Lucas. Ibinaling niya ang mukha.

"Fine. But please, bawiin mo ang sinabi mo kay Yanno. Huwag kang sumama sa kanya."

Nangunot ng husto ang kanyang noo. Paano nito nalaman iyon? Akala ba niya'y sila Ching lamang ang nakakaalam at hindi sasabihin kay Lucas? At ngayong nalaman nito ay ayaw siyang pasamahin sa mga pinsan nito?

Nanlisik ang kanyang mga mata. "Wala kang pakialam kung kanino ko man gustong sumama," matigas na tugon niya.

Pilit na binaklas ni Ciara ang mga braso nito na nakaharang sa magkabilang gilid niya malapit sa may baywang. Ngunit tila bakal ang mga iyon. Lumipat ang mga kamay niya sa dibdib nito subalit mas lalo namang hindi niya matinag iyon.

"Sasama ako kahit kanino ko gusto. Wala ka kahit kaunting karapatan para utusan ako!"

"Whatever you say, hindi pa rin kita pakakawalan," mariing tugon ni Lucas.

"Kung hindi mo ako pakakawalan, talagang masasaktan ka sa'kin," banta niya rito. "Kaya layuan mo na ako hangga't nakikiusap pa ako ng maayos."

Muli niyang itinulak ang binata. She can't stay this close with him. Not now. Not ever. But his scent was starting to create a dramatic effect on her senses. Pero hindi niya hahayaan ang sarili na mapasailalim na naman sa baliw na lalaking ito. Siya ang mas baliw kung papayagan niyang mas lalo pang malulong ang puso niya rito.

"Then try me. It would make my day."

Tuluyang humulagpos ang lahat ng emosyon na pinipigilan niya. "Damn you! Kinamumuhian kita ng lubos!" gusto na niyang mapaiyak sa sama ng loob.

Ang sabi nito'y hindi gustong tanggapin at suklian ang damdamin niya. He clearly rejected her. Ngunit ngayon ay narito at pilit na nagdedeklara ng pagmamahal. Pinaglalaruan ba siya nito dahil alam na talagang nakuha na nito ang kanyang puso?

His face softened. His gaze turned warmer. He was looking at her as if he really love her. "I know. Pero mas gugustuhin ko pang ulit-ulitin mo kung gaano mo ako kinamumuhian kaysa sumama ka sa ibang lalaki. I couldn't take it. Hindi ko kaya kung may iba kang titingnan, kakausapin... ngingitian–"

"Shut up!" she cut him off angrily. Nagsisimulang mamuo ang luha sa sulok ng mga mata niya.

Umigkas ang tuhod niya patungo sa ibabang bahagi ng katawan nito subalit mabilis na nakaatras ang binata. Hindi niya ito inabot. At bago pa siya makawala ay naroon na naman ito. This time, he pinned her with his body. Walang anumang pagitan ang mga katawan nila.

Napasinghap siya. She could feel the hardening of his muscles, even the movement of his chest.

"Don't go out with my cousin. Please, I'm begging you. I'll go crazy if you go out with Yanno," puno ng pakiusap ang tinig nito.

She was melting. But she doesn't want to submit to him just like that. Galit siya rito.

"Matagal ka ng baliw."

"Yes, yes. So please, call him." His lips were touching her temple. "I'm won't let you go unless tawagan mo si Yanno para i-cancel ang date niyo bukas."

She was panting for breath. Siguro ay dahil naiipit siya nito? O siguro ay dahil sa labi nito na gumagapang pababa sa ilong niya. His lips were moving downward. Shame on her but she was really anticipating the feel of his lips on her.

His lips was dangerously close to hers when she heard the ringing of her phone. Napakislot siya. Itinulak niya si Lucas. Sa pagkakataong iyon ay tuminag na ito.

Tumatahip pa rin ang dibdib niya ng lumapit siya sa mesa upang tingnan kung sino ang tumatawag. It was Yanno again.

"Hello?" sagot niya sa pinakaswal na tinig.

"Hi, Ciara! You okay?"

No.

"Cancel it," ani Lucas. Nang tingnan niya ito ng matalim ay lumapit ito ng husto. "Please."

Kagyat siyang lumayo. "Yanno, I'm sorry. Hindi na ako makakasama bukas. Yeah, I'm sorry. Listen, I'll talk to you later."

Nang mailapag niyang muli ang cellphone sa mesa ay tinitigan niya ng matalim si Lucas. "Nakuha mo na ang gusto mo, umalis ka na."

He shook his head. "I'm relieved but that's not what I want, Ciara."

Hindi niya matagalan ang intensidad ng tingin ni Lucas. Nag-iwas siya at nagkunwari na abala na sa pag-aayos ng mesa. "Just go."

"I'll go for now. Pero babalik ako. You said you love me." His face full of agony. Tumaas ang kamay nito patapik sa sariling dibdib. "And I... I love... I love you. And I am willing to prove myself to you. I promise."

Hindi siya nag-angat ng tingin hangga't hindi siya nakatitiyak na umalis na ito.

Nasapo niya ang dibdib ng matiyak na wala na roon si Lucas. What's his game now?

Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon